HABANG nakahiga siya sa isa sa mga guest room ng bahay ni Tito Drix ay hindi niya maiwasang balikan ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Tulala lang siya habang nakatingin sa puting kisame ng kanyang kuwarto. “Anak, sigurado ka bang magpapakasal ka sa kaibigan ng papa mo? Baka naman mahirapan ka at mahirapan din siya sa gagawin niyong pagpapakasal?” nag-aalalang tanong ng mama niya sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha. Siguro iniisip nitong mapapabago pa niya ang kanyang desisyon. “Ma, alam kong mahirap ‘tong pinasok ko pero gusto ko lang tulungan si Tito Drix. Alam niyo namang may taning na ang buhay niya at sa akin lang niya puwedeng ipagkatiwala ang nag-iisang niyang anak na babae pati ang kompanya nila. Kung inaalala niyo ang sakit ko huwag kayong mag-alala dahil pipil

