Kinabukasan ay gumising siya nang maaga na parang walang nangyari dahil naisipan pa niyang pumasok sa school. Pakiramdam niya kasi ay nananaginip lang siya kagabi na may nangyari sa kanila. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na isinuko niya kay Beast ang Bataan. But she just feels sore down there right now so she guesses it’s real. “Shocks, bakit kaya Bataan ang tawag sa virginity ng babae? Hindi puwedeng purity o Korea na lang kaya? Pati tuloy ako nakikigaya na, mga pinoy talaga ang hilig magpauso,” kunot-noong sabi niya sa kanyang isip. Mukhang totoo nga ang kasabihan na “The best way to a man’s heart is through s*x…este through stomach pala”, kaya nga simula nang may nangyari sa kanila ni Beast ay parang may nagbago ng kaunti sa pakikitungo nito sa kanya. Bumaba na agad

