01🌻
Maaga akong nagising dahil sa mga sunod sunod na tilaok ng mga manok ng kapitbahay. Kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon na para maligo dahil may pasok pa ako.
Nang makatapos akong maligo ay kinuha ko na ang aking lunch box at inilagay sa aking bag, at tsaka ko sinaraduhan ang pinto ng bodega.
Bago ako umalis ng bahay ay pumunta muna ako sa likod bahay para silipin si mama. Nakita ko syang masayang masaya na inaasikaso ang mga anak ni tito roman.
Sana kahit isang beses lang din makasama ko si mama sa hapag kainan kapag umaga.
Umalis ako ng bahay ng nakangiti. Pupunta ako kay na ate bervy para makiluto ng aking kakainin at babaunin para sa school.
"Ate bervy?" katok sa pinto na pagtawag ko.
Mga ilang minuto lang ay bumukas ang pinto.
"Wala dito si ate, e, bakit?" pagtatanong sa akin ng kapatid nya.
"Ah, wala po, sorry po sa istorbo" nahihiyang sabi ko bago ako tumalikod.
Paano ko lulutuin ang ulam? Pagtingin ko sa aking relo, maaga pa. Kaya napag desisyunan kong pumunta na lang sa aking tambayan para don magpalipas ng gutom bago ako pumasok.
Nang makarating ako ay inilabas ko ang aking notebook at tsaka nag drawing. Isa kasi ang pag do-drawing para malibang ko ang aking sarili para hindi ako makaramdam ng gutom.
Iginuhit ko ang mukha ng taong aking natitipuhan. Hindi naman 'to sobrang gwapo pero may dating sya. Kahit hindi sya matalino basta may respeto sa magulang, sa dyos, at lalong lalo na sa kapwa, hinding hindi ko na yon pakakawalan kapag napunta sa akin.
Nang matapos ako sa aking pag guhit ay tumayo na ako para pumasok. Iniwan ko ang puno ng may ngiti sa labi.
Ang punong yon lang talaga ang pwede kong karamay sa kahit anong sitwasyon. At kapag nasa punong yon ako, feeling ko safe na safe ako.
Sa daan papuntang school ay tumigil muna ako sa tindahan para bumili ng bangus na chitchirya para gawing ulam mamayang tanghali dahil hindi ko nailuto yung tuyo na dapat ay uulamin ko.
Nang makabili ay pumasok na ako sa school. Nang makarating ako sa room ay tinginan na kaagad sa akin ang mga kaklase ko.
"Guys, andito na si yellow uniform!" sigaw ni carl dahilan para magtawanan ang ibang mga kaklase ko maliban sa isa.
"Naligo ka na ba?" tumatawang tanong sa akin ni mikaella.
Malakas yung tanong nya kaya nagtawanan ulit ang mga kaklase ko. Nakayukong umupo na lang ako sa upuan ko at tsaka umub-ob.
Bakit lagi nila akong inaasar na yellow uniform? Dahil ba sa kulay dilaw na yung uniform ko? Sinubukan ko ngang i-clorox at lagyan ng tinang asul ang aking mga uniform para di na mag mukhang dilaw. Pero walang nangyayari kasi sobrang tagal na sa akin ng uniform ko. Since g7 pa ako.
Wala naman akong pantahi at pambili ng bago kaya pagtyatyagaan ko na lang. At tsaka di naman basehan ang ganda at linis ng uniform para masabi mong nag-aaral ka. Dahil isang materyal lang ang uniform na kailangan mong suotin para maabot mo ang mga pangarap mo.
Tumunghay lang ako ng dumating si ms. Ipinalabas nya ang assignment namin kahapon. Nagtawag sya ng kung sinong gustong magsagot. Maraming tumaas ng kamay kaya hindi na ako nakitaas pa.
Habang nagso solve yung mga kaklase ko sa board, pinagmamasdan ko sila. Nag-uusap usap sila sa unahan, halatang close na close sila. Ganon din ang mga kaklase kong naka upo sa mga upuan, nag uusap din.
Sana ako din, magkaroon ng kaibigan.
Nakangiti kong pinanood ang mga kaklase ko na kasalukuyan pa ring nagsasagot sa board.
Nang matapos sila ay ini explain na ni ms ang kanilang mga isinagot.
Nang matapos ang unang klase ay sumunod naman ang isang klase. Tahimik akong nakikinig kay sir dahil tungkol sa personal na buhay ang itinatanong nya.
"Kung may bagay kayong hihilingin, ano yon at bakit?" pagtatanong sa amin ni sir.
Napayuko kaagad ako ng tumama sa akin ang mata ni sir. Ayaw kong matawag.
"It looks like, may isasagot si ms loyola" sabi ni sir kaya nag angat ako ng tingin. "Tayo na ms loyola" nakangiting dagdag ni sir.
Nakatingin ako sa mga kaklase ko habang tumatayo.
"Sya na naman ang sasagot?" malakas na sabi ni nina kay jade.
"Bida bida kasi sya" sabi naman nito.
"Tahimik!" sigaw ni sir kaya natahimik silang dalawa.
Nahihiyang umupo ulit ako.
"Si ms loyola at ilang mga kaklase nyo na nga lang ang nakakasagot sa akin, tapos ganyan pa sasabihin nyo?" medyo galit na sabi ni sir. "Ok, sagot ka na ulit ms loyola" dagdag ni sir.
Hiyang hiya akong tumayo. Ano nga bang bagay ang hihilingin ko na magkaroon ako? Hindi naman kasi bagay ang gusto ko.
Ang gusto ko ay pamilya at kaibigan. Dalawang yan lang ang kailangan ko para mabuo ako.
"Ms loyola, kung may bagay ka na hihilingin ano yon at bakit?" ulit ni sir sa tanong.
"Kung may hihilingin po ako na bagay sa palagay ko po ito ay panyo. Dahil kailangan ko po talaga yon" nakangiti kong sagot at tsaka umupo.
"Bakit mo naman kakailanganin ng panyo, ms loyola?" nagtatakang tanong sa akin ni sir.
Nginitian ko lang sya bilang sagot.
Hindi na nya ako kinulit at tsaka nagpatuloy sa pagtuturo. Mabilis ang naging takbo ng pagtuturo kay mabilis ring natapos ang klase namin, nakapag recess tuloy kami ng maaga.
Palabas pa lang ako ng room ng may humawak sa palapulsuhan ko.
Pagtingin ko, sina sami pala.
"Bakit?" mahinahong tanong ko.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni sami.
"Sa library" mahinang sabi ko.
"Igawa mo kami ng assignment para sa science" maarteng sabi nya. "Wag ka ng tumanggi dahil ipapa bugbog kita pag tumanggi ka" banta nya sa akin.
Nahihiyang kinuha ko yung mga papel na hawak ni mary at tsaka bumalik sa upuan ko para gawin.
Mabilis kong isinulat ang mga name ng mga parts ng heart.
Ayaw kong tumanggi sa kanila dahil noong isang beses na tumanggi ako ay inabangan nila ako sa labas ng school at tsaka doon ako binugbog.
Umuwi ako non ng sugat sugat at duguan. Hindi man lang ako nagamot non dahil walang gagamot sa akin. Wala rin naman akong emergency kit non dahil wala akong pambili. Kaya ang ending umabsent muna ako sa school ng dalawang araw.
Nang matapos kong sagutan ang papel nila sami ay inilagay ko 'to sa desk nya.
Hindi na ako nag abala pang magpunta ng library dahil 2 mins. na lang, time na para sa susunod na subject.
Nakapangalumbaba akong tumulala sa bintana at tinitingnan ang mga dumadaang estudyante.
May mga estudyante rin kaya na nakakaranas ng kakulangan sa buhay na gaya ko?
May mga estudyante rin kayang ayaw sa kanila ng magulang nila? Eh yung nilalayuan ng kaklase? Meron kaya?
O baka ako lang ang ganon? Nandadamay pa ako ng ibang estudyante.
Bakit kasi ang unfair ng mundo?
Nawala ako sa pag iisip ng pumasok si ms galvez. Ipinapasa nya ang ipinagawa nyang drawing ng heart na may label kada part.
Inabot ko ang akin sa nasa unahan ko. Nangunot ang noo ni ms galvez ng taas noo pang naglalakad papalapit sa kanya ai sami.
"Eto na ang pinapagawa mong drawing, ms galvez" nakangisi nyang sabi at tsaka inilapag ang papel na dala nya.
Nagugulat na napatingin si ms galvez sa naglalakad ng pabalik sa upuan na si sami.
Nang maipasa na ang lahat ay nagsimula na si ms magturo. Tahimik ang lahat kaya mas lalong ginanahang magturo si ms.
About naman sa brain ang itinuturo nya. Nang matapos ang discussion ay nagkaroon pa si ms ng time para paglaruin kami.
Charade sya. Lahat kami ay nag e-enjoy at nagtatawanan.
Nang matapos ang subject ay nagpalit palit na kami ng upuan dahil subject na filipino na ang susunod.
Bago ako makarating sa aking upuan ay nakita kong inisod ni annie yung upuan ko para mapalayo sa kanya. Hindi ko na lang yon pinansin at tsaka mabilis na inilagay yung bag sa upuan.
Inilabas ko na lang ang aking drawing notebook para mag drawing.
"What's that smell!?" sabi ni annie habang nakatakip ang kanyang kamay sa ilong.
"Hindi sa akin yon, hindi ako nagbabaon ng tuyo" sabi ni dexter.
Nang marinig nila ang salitang tuyo ay automatic silang napatingin sa akin. Nagugulat tuloy na tiningnan ko sila.
"Tuyo pa din ba ang ulam mo?" maarteng tanong sa akin ni annie. "Wala man lang pinagbago, what a cheap" dagdag nito.
"Wala kasi akong pambili ng ulam na inuulam nyo" nakangiti kong sabi.
"Eh bakit kailangan mo pang ibaon yan? Ang baho kaya" sabi naman ni dexter.
"Masarap naman ang tuyo" nakangiti pa ring sabi ko.
"Para sayo, pang mahirap lang kasi yan, e" sabi ni annie.
Nginitian ko na lang sila at tsaka bumalik sa pag do drawing.
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sila sa ulam ko, e, masarap naman talaga ang tuyo. Lalo na kung kapares nito ay kamatis, nako talaga namang solve na ako.
Nang dumating ang prof namin na si sir orbita ay itinigil ko na ang ginagawa ko.
Pagkatapos naming mabati ng magandang umaga si sir orbita ay pina upo na nya kami at tsaka sinabi nito yung mga score na nakuha namin sa kahapong long test.
"Ang highest nyo ay 100/100" nakangiting sabi ni sir. "At yon ay si ms loyola" nakangiting dagdag nya.
Tumayo ako para kuhanin ang papel ko kay sir. Nag congratulate pa sya sa akin bago ako umupo.
Nakangiting pinagmamasdan ko ang aking papel. Ipapakita ko 'to kay mama mamaya.
Habang nagtuturo si sir ay biglang tumunog ng mahina ang aking tyan. Gutom na gutom na ako.
Nagtaas ako ng kamay para magpaalam kung pwedeng mag cr. Pumayag naman si sir kaya nagpunta na ako sa cr. Pero bago ako makarating sa cr ay lumiko ako papuntang canteen. Nagugutom na kasi ako.
Nang makapili ako ng bibilhin ay nakangiti akong kumuha ng pera sa bulsa ng palda ko. Pagkapa at pagtingin ko sa pera ko ay dalawang piso na lang.
Dali dali kong ibinalik sa bulsa ang dalawang piso at tsaka tumakbo sa water refill station namin.
Uminom na lang ako ng tubig hanggang sa maramdaman kong busog na ako.
Nang matapos ako ay naglakad na ako pabalik sa room. Napakalaki talaga ng school namin dahil private 'to.
Kumuha ako ng scholarship sa school na'to kaya wala akong binabayaran na expences. At tsaka lumipat ako sa school na'to dahil pangarap 'to sa akin ni papa.
Bigla tuloy nangilid ang luha ko ng maalala ko si papa.
Pekeng ngiti na lang ang nagawa ko habang pumapasok ako sa room.
Nang makaupo ako ay pinag cross ko yung dalawa kong kamay dahil pinipigilan kong maiyak.
Nang matapos ang klase ni sir ay pumunta ako sa mini library ng room namin.
Doon ako kumain ng aking tanghaliang baon ko. Nakangiti kong inilabas ang aking lunch box pati na rin ang bangus na chichirya.
Binuksan ko ang nabili kong chichirya at tsaka sinimulang kumain. Nagulat ako ng may kamay na naglahad sa akin ng chicken.
Pagtingin ko si Ald lang pala kaya bumalik ako sa pagkain. Nang maisubo ko ang aking kinakain ay dun ko lang na realize na si ald pala ang naglalahad sa akin ng ulam.
Subo subo pa ang kutsara at nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay ald.
"Pft, cute" sabi nya at tsaka kumuha ng upuan at tumabi sa akin. "Bakit hanggang ngayon mag isa ka pa ding kumakain?" dagdag na pagtatanong nya sa akin.
Naka kunot noo ko syang tiningnan. Sa tinagal tagal naming magka klase ngayon nya lang ako kinausap.
Bakit naman nya ako kinakausap? May ipapagawa ba sya sa akin?
"Hey, don't think too much, I just wanna have some talk with you" nakangiti nya pa ring sabi.
Huh? Talk with me? Bakit? Ang dami naman naming kaklase na pwede nyang kausapin.
"Bakit?" nagtataka at mahinahong tanong ko.
Nakita ko na nangunot ang noo nya.
"Is talking to you a crime?" tanong nya sa akin.
Jusko, ok lang naman makipag usap sa akin, wag lang english luge ako.
At tsaka si Ald Trinidad mismo ang nandito sa harap ko asking me kung pwede akong kausapin. Sa famous nyang yan, gusto lang nyang makipag usap sa akin? Parang di naman ata kapani paniwala.
"Ah hindi naman, nahihiya lang ako" malumanay at nakangiti kong sabi.
"Why?" nakakunot noo nyang tanong.
"Ah wala" sabi ko.
"By the way, hindi pa ako nagpapakilala" nakangiting sabi nya. "I'm Ald Trinidad" sabi nya at tsaka nilahad ang kamay sa akin.
Bakit nagpakilala pa sya? Eh since g7 kami magka klase na kami.
"I just wanna be friends with you" nakangiti nya pa ring sabi.
Friends? As in kaibigan? Dapat ba akong matuwa na may isang tao na nakikipag kaibigan sa akin? O hindi? Dahil baka maulit lang yung dati.
"You don't like the idea?" nahihiyang tanong nya.
"Ahm hindi sa ganon" nahihiyang sabi ko.
"Eh, what?" pagtatanong nya.
"Wala, sige, friends na tayo" nakangiti kong sabi.
"Really? Thank you" nakangiti nya ring sabi.
Nahihiyang ngumiti rin ako sa kanya. Tama ba na pumayag akong makipag kaibigan kay ald? Sikat pa naman sya, baka kung anong gawin sa akin ng mga fans nya.
Nagpatuloy ako sa pagkain habang sya daldal ng daldal. Binibigyan nya ako ng ulam nyang chicken pero di ko yon tinatanggap dahil kanya yon. Tinuruan din kasi ako ni papa na kung ano lang ang nandyan sayo, i-appreciate mo, kasi di mo alam kung kailan ka ulit magkakaroon non.
Patuloy pa rin sya sa pag daldal at ako naman hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngiti at tango na lang ang ginagawa ko.
Nang matapos kaming kumain ay nakangiti syang humarap sa akin.
"Thanks sa pagpayag na maging kaibigan ko" nakangiti nyang sabi.
Ako nga dapat ang mag pasalamat, kundi kasi dahil sa kanya baka magtatapos ako ng g10 ng walang kaibigan.
"Ako din, thank you" malawak na ngiti ko. "Mamaya na lang ulit" dagdag na sabi ko.
"Why?" nagtatakang tanong nya.
"Pupunta muna ako sa library" nakangiting sabi ko.
"Ah, alright" nakangiting sabi nya kaya nginitian ko na lang din sya. "Thank you ulit sa pagpayag" sabi nya.
"Sige, thank you din" nakangiti pa ring sabi ko.
"Aww, too soft, innocent and pure" sabi nya pa bago ako tinalikuran.
Ha?