05🌻

2219 Words
Sa sobrang tagal namin ni ald sa penthouse nya ay hindi na kami naka attend pa ng klase para sa araw na'to. Nakangiti ako habang naglalakad. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni ald kanina. Ngayon na lang kasi ulit may gumawa ng ganon sa akin dahil dati rati ay si papa ang nagawa non. Nang makarating ako sa bahay ay mabilis kong sinaraduhan ang gate. Sa daan papuntang bodega ay napatigil ako ng makita sina mama, tito roman at mga anak nito na nag-aantay sa pinto ng bodega. Anong ginagawa nila dyan? At bakit may dala dala si mama na cake? Para ba sa akin yon? Nakangiting naglakad ako palapit. "Mabuti naman at dumating ka na" nakangiting sabi ni mama. Nginitian ko din sya ng sobrang laki bilang ganti. "Oh heto, iyo na lang 'tong cake" sabi ni mama at inilahad sa akin ang cake. Pagtingin ko sa cake ay lalo ko iyong pinagmasdan. Bakit parang may kulay green kahit pink naman yung cake? Para syang may amag. Para syang bulok. Hindi kaya bulok na yung cake? "Hindi na po ma, busog pa naman ako" nakangiti kong sabi. "Bakit naman? E, cake 'to ni krisha nung 18th birthday nya" sabi naman ni tito roman. Nakakunot noo ko si mama na tiningnan. Hindi ba nung nakaraan pang isang isang linggo yung birthday ni krisha? Edi ibig sabihin ganon na ring katagal yung cake na yan? "Busog po talaga ako" magalang na pagkakasabi ko. "Ayy taray! Umaarte na ang pangit" sabi naman ni krisha. Nahihiya tuloy na yumuko ako. Dahil sa ganitong sitwasyon, never akong tutulungan ni mama. "Tanggapin mo na panget" sabi naman ni sedah. "Wag nyo ng pilitin ang ayaw" sabi pa ni krisha. "Ayaw mo ah, etong sayo" sabi ni mama at tsaka ako sinabunutan at isinubsob sa cake. Pinipilit kong umalis pero mas malakas si mama kaya wala na akong nagawa ng isubsob nya ako sa cake. Dumampot rin sya ng cake at pilit na isinubo sa akin. "Wag kang mag-iinarte sa harap ko, dahil hindi ka naman artista!" sigaw sa akin ni mama. Kahit punong puno na ng icing ang aking mukha ay sunod sunod na nagbabagsakan ang mga luha ko. "Iiyak ka pa? Ano ka paawa?" sabi ni mama at tsaka dinuro duro yung ulo ko. "Tandaan mo, walang nararating ang pagiging maarte" dagdag pa nito. Nang medyo lumayo sa akin si mama ay mabilis akong pumasok sa bodega at ini-lock iyon. Iyak ng iyak akong lumupagi sa sahig. Bakit ganito? Bakit sa tuwing may masayang nangyayari sa buhay ko ay sumusunod naman ang kalungkutan? Kailan ba ako magiging masaya ng pang matagalan? Hindi ko maintindihan si mama kung bakit gusto nya akong pakainin ng panis na cake. Pero ng isubsob nya ang mukha ko at isubo sa akin ang cake na iyon ay doon ko sya naintindihan. Gusto nya akong magdusa gaya ng pagdudusa na ginawa nya simula nung nawala si papa. Hindi ako galit. Dahil wala akong karapatan. At ang kailangan ko lang gawin ay ang mag adjust at umintindi. Lagi kong tinatatak sa isip ko na, malaki ka na hope, kaya dapat habang tumatagal mas lalong lumalawak yang pag-iisip mo sa mga bagay bagay. Kung may nagawa mang masama sa iyo ang iba, patawarin mo at huwag gantihan. Dahil mas masaya na mabuhay sa mundo ng walang dalang galit o inis sa kahit kanino. Sawang sawa na ako sa ganitong sitwasyon dahil araw araw naman ay nangyayari 'to. Kaya hinahayaan ko na lang dahil alam ko namang titigil din sila. Kumuha ako ng maruming damit at pumunta sa drum. Kumuha ako ng isang tabo na tubig at tsaka doon kinusot ang damit para ipampunas sa mukha ko. Habang pinupunasan ko ang aking mukha ay inalala ko na lang ang moment na kasama ko si ald para mawala ang lungkot na aking naramdaman. Masaya ako! Sobrang saya! Ni hindi ko naisip na ganon pala kabait si ald. Isipin nyo yon, mayaman sya tapos ako mahirap pero wala syang arte sa katawan tuwing kasama ako, bukod sa pag i-english nya haha. Hindi din sya mahirap i-approach dahil sya mismo ang unang a-approach sayo. Masasabi kong magkaibigan na kami. Sa itinagal ng panahon, bakit ngayon ko lang sya nakilala? Bakit hindi pa dati para kahit papaano ay may tao akong malalapitan kapag may problema ako. Natawa ako! Lagi nga pala akong may problema, hahaha. Nang matapos kong punasan ang aking mukha ay naghubad na ako ng uniform at nagpalit ng pambahay at tsaka sumalampak sa higaan at tsaka tumulala sa kisame. Bakit kaya may mga taong dadating at aalis sa buhay natin? Para ba masabi na lahat ng tao ay permanente o para lang masabi na aalis sila kapag ayaw na nila sayo at may dadating naman kapag interesado sayo? Masyadong malungkot ang buhay ko, lahat ng problema ko ay pasan-pasan ko. Wala akong pinagsasabihan pa dahil alam kong may iba rin silang mga problema at ayokong makidagdag. Madali lang naman ang mabuhay pero bakit kapag buhay ko na yung pinag-uusapan ay hindi ko malaman kung madali nga lang ba o mahirap. Lagi akong napapako sa sitwasyong laging gitna, kung saan fair ba ang life o hindi. Minsan kasi ay para sa akin ay fair ang buhay, lalo na kapag tinitingnan ko ang pisikal na ka anyuan ng kapwa ko. Pero minsan ay unfair din, lalo na kapag tinitingnan ko ang estado ng buhay ng kapwa ko. Inaamin ko naman sa sarili ko na meron akong kina i-inggitan. At yon ay ang mga kabataan na may kumpletong pamilya. Pero hindi ko din naman pwedeng sisihin si lord kung bakit ganito ang buhay ko. Dahil mas iniisip kong kaya nya ibinigay ang buhay na'to sa akin ay alam nyang kaya ko ang lahat dahil kasama ko sya. Nang matapos ako kakamuni ay pumikit na ako para matulog. Nagising ako ng marinig ang tunog ng truck na kumukuha ng basura sa bahay-bahay. Dali-dali na akong tumayo at nag painit ng tubig para mag kape. Nakangiting hinawakan ko ang kwintas na bigay sa akin ni ald. Ngayon na lang ulit kasi ako nakatanggap ng ganitong regalo. Ano kayang meaning ng ange at nakalagay pa sya sa kwintas? Hindi kaya kwintas 'to ng namatay nyang aso at kaya nya ibinigay sa akin ay dahil kamukha ko yung aso? Hindi! Erase, erase! Bawal ang judgmental. Malay ko naman may iba pang meaning yang 'ange' na yan hindi ko lang talaga alam. Nang matapos ang pagpapa init ng tubig ay naggawa na ako ng kape at tsaka ininom yon. Nang matapos ay pumasok ako sa maliit na banyo para maligo. Nang matapos makaligo at makapag ayos ay isinara ko na ang pinto ng bodega at naglakad na palabas. Sa daan palabas sa aming subdivision ay nakita ko sina ate bervy na naglalagay ng mga bag nila sa sasakyan. Aalis sila? Dali-dali akong tumakbo papalapit kay ate bervy. "Oh, hope" nakangiting sabi ni ate bervy. "Saan po kayo pupunta?" nakakunot noo na tanong ko. "Magbabakasyon kami sa bicol, isang buwan" nakangiting sabi nito. Bigla akong nalungkot, dahil mami-miss ko sila ng sobra. "Ingat po" pilit ang ngiting sabi ko. "Mag-iingat ka dito ah, wag kang magpapalipas ng gutom" habilin pa sa akin ni ate bervy. Tango tango na lang ang nagawa ko. Nginitian pa ulit nya ako at tsaka nya inalalayan si sophia papasok ng sasakyan. Kumaway pa sila sa akin bago makaalis ang sasakyan. Matamlay akong naglakad papasok sa school. Matagal mawawala sina ate bervy, wala akong ibang mapupuntahan. "Yellow uniform!" sigaw sa akin ni sami. "Bakit ganyan ang itsura mo, mas pumangit?" tanong nya at tsaka tumawa. "Oo nga, ang liit mo pa, ang baho, ang dugyot" sabi naman ni mary. "Bakit ba ganyan ka?" taas ang kanang kilay na tanong ulit sa akin ni sami. "Eto lang yung kinaya ng genes ko, e" nakangiti kong sabi. "Tumigil ka sa kaka-genes, wala tayo sa room, bobo!" sigaw ni mary. "Oo nga, feeling mo ba matalino ka na nan? Basura ka pa rin sa paningin ko" sabi sa akin ni sami. "Basura? Hindi naman ako nilalangaw ah" depensa ko. "Hindi ka nga nilalangaw, pero yung baho mo umaalingasaw" sabi naman ni nina. "If I were you aalis na ako sa private school na'to, dahil hindi nababagay sa school na'to ang mga mabaho at pangit na gaya mo" sabi ni sami. Eh, hindi naman ako sya. Kaya hindi ako aalis sa school na'to. Yumuko na lang ako para hindi na humaba pa ang eksena sa pagitan namin. "Sumagot ka, yellow uniform" nakangising sabi ni mary. "Hindi ka sasagot? Sasampalin kita" sabi ni sami at tsaka ini-angat ang kamay para sampalin ako. Pumikit na lang ako dahil alam kong kahit anong oras ay dadampi na sa pisngi ko ang kamay nya. "Hope!" may sunigaw ng pangalan ko. Pagtingin ko sa sumigaw ay si ald. Nagmamadali syang tumatakbo papalapit sa amin. "Pasalamat ka at dumating si ald" nakangising sabi ni sami at tsaka inaya sina mary at tumakbo paalis. "Hope, are you alright?" pagtatanong sa akin ni ald nang makalapit sa akin. "Oo naman" nakangiti kong sabi. "Why did you not fight back?" naka kunot noong tanong nya. "Dahil hindi naman nila ako inaaway away ng sobra" nakangiti kong sabi. "What they say is not true, huh?" pangungumbinsi ni ald sa akin. Natawa ako. "Alam ko" nakangiti kong sabi. "Good! You're confident" nakangiti nya ring sabi. "That's the only thing na maipagmamalaki ko, haha" tumatawang sabi. "Lets back in our room" yaya sa akin ni ald. "Sige" nakangiti kong sabi. Nauunang maglakad si ald sa akin. "Did you know since I was in elem, I studied here" nakangiting kwento nya habang tinitingnan ang school. "Oo naman, lagi kayong laman ng dyaryo at media, e" nakangiti kong sabi. Natawa sya. "But you know what, even though I can have whatever I want, get what I want, there's something's I can't get" sabi nya. "Ano naman yon?" pagtatanong ko. "You" sabi nya. Huh? "Ano?" naka kunot ang noo na tanong ko. "I m-ean you, wha-t something you can't have" kamot kamot ang batok na sabi nya. Ah, tinatanong nya pala ako ng something na I can't have. "Madami syempre" nakangiti kong sabi. "Like what?" pagtatanong nya. "Actually, hindi naman ata sya something, haha" sabi ko at tumawa ng mahina. "Cute" sabi nya. "So what something you can't get?" nakangiti nyang tanong. Attention, love and care of my mom, ald. "Wala" iling iling na sabi ko. "But you said there was" nakanguso nyang sabi. "Naalala ko pala wala, haha" tawa ko. "Are you making fun on what I asked?" seryosong sabi nya. Natigilan ako at napatulala sa kanya. "Ano, sorry" sabi ko at tsaka yumuko. Minsan ka na nga lang magkaroon ng kaibigan ay ginanon mo pa. Ang sama mo hope. Curse ko sa sarili ko. "Joke lang" sabi nya at tsaka tumawa ng malakas. Nag-angat tuloy ako ng tingin. Hindi sya galit? "Akala ko galit ka sa akin" nahihiyang sabi ko. "I can't be" nakangiti nyang sabi. "You don't deserved it" dagdag nya pa. Ngumiti na lang ako. "Come with me, I will show you something" sabi nya at tsaka ako hinila. Sa sobrang bilis nyang tumakbo ay napapatakbo rin ako. Nakarating kami sa roof top ng school. "Bakit dito?" nagtatakang tanong ko. "Why? Don't you like the place?" naka kunot noong tanong nya. "Hindi naman sa ganon, sabi mo kasi babalik na tayo sa room" nahihiyang sabi ko. "I forgot, haha" tumatawang sabi nya at tsaka umupo sa upuan. "Don't be scared of cutting classes, we don't have class" nakangiti nyang sabi at tsaka pinagkrus ang kamay at nakatingalang pumikit na parang ninanamnam ang hangin. "Bakit daw?" tanong ko. "There's a pageant this coming friday" nakapikit pa ring sabi nya. "So don't think too much, just relax" sabi nya at mumulat at tumingin sa akin. "Ah sige" sabi ko. "This is my spot here in school whenever I don't go outside" sabi nya at lumapit sa akin. "Ah, ako kasi room lang" nakangiti kong sabi habang tinitingnan ang view. Ang ganda kasi dahil kitang kita ang buong lawak ng school. Idagdag mo pa yung masarap at malamig na hangin. "Do you like here?" pagtatanong nya sa akin. "Oo, maganda dito, e" nakangiti kong sabi habang nasa view ang paningin. "You can come here if you want" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sa akin at kitang kita ang sincerity nya ng sabihin nya yon. "Nako, nakakahiya, iyo ang lugar na'to" nahihiyang sabi ko. "Its alright, you're my friend naman" nakangiti nyang sabi. Pero paano na ang punong lagi kong karamay kung dito na ako tatakbo kapag may problema ako? Ah bahala na.. "Sige" sabi ko. "You know what, the view here was amazing" sabi nya at tsaka tumayo para lumapit sa akin. "Oo nga, e" nakangiti kong sabi. "There's side view" sabi nya at tinuro sa akin ang dalawang gilid. "And, front view" at tsaka itinuro ang aking unahan. "And, back view" sabi nya at iniharap ako sa likod. "And also" sabi nya. Inaantay ko syang magsalita pero ayaw nyang magsalita kaya tiningnan ko sya. Nakatingin sya sa akin. "Ano pang view yung sasabihin mo ald?" nakangiti kong tanong. Ngumiti muna sya sa akin bago nagsalita. "And also.." putol nya pa sa sasabihin nya. "I love view" nakangiti nyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD