October 12, 2019... Nagising ako kinabukasan ng marinig ang sunod sunod na tawag. Kaagad kong kinapa ang aking cellphone sa aking ulanan at dali-daling sinagot ang tawag. "Napatawag ka?" tanong ko kay ald ng masagot ko ang tawag. "Alam na alam mong ako ang natawag ah" nang-aasar na sabi nya. "Ikaw lang ang mahilig tumawag sa akin e" sabi ko sa kanya. "Ah" yun na lang nasabi nya. "Bakit ka pala napatawag?" tanong ko sa kanya. "Ahm, yayakagin sana kita e" sabi nya. "Saan?" tanong ko. "Sa penthouse ko" simpleng sagot nya. "Ano namang gagawin natin don?" tanong ko sa kanya. "Tambay lang" sagot nya. "Hanggang anong oras ba?" tanong ko sa kanya. "Isang buong araw sana" sabi nya pa. "Sige, ligo lang ako" simpleng sabi ko. "Text kita kapag tapos na ako" dagdag ko pa. "Wag ka ng mal

