HINDI ko na mabilang kung ilang beses na akong tinawag ni mama para sabihing hinahanap ako ni Russell.
Ano pa bang kailangan ng lalaking iyon at pilit akong gustong makita? Hindi niya pa ba nararamdamang iniiwasan ko siya?
"Jade, anak! Bumaba ka nga muna sandali at may iuutos lamang ako sayo."
Tinatamad man ako ay wala na rin akong nagawa. Hello? I am the only child of my two loving parents, sino ba naman ako para magmaktol at iwasan ang utos na galing kay mama? Wala namang ibang mauutusan kung hindi ako lang! Alangan naman na si papa eh nasa abroad iyon.
"Sandali ma. Pababa na ako." sagot ko ngunit bago tuluyang lumabas ng aking silid ay mabilisan ko munang hinagod ang aking itsura at ayos.
I am wearing an oversized colored lilac shirt with my fitted cycling shorts. Nagmumukhang wala akong shorts pag tumatayo ako ng tuwid pero kiber kasi nandito lang naman ako sa bahay at linggo ngayon.
At kung iniisip niyo kung buong linggo ko bang iniwasan si Russell magmula noong huli naming kita sa canteen, ang sagot ay oo!
At kahit magkapitbahay kami hindi talaga ako lumalabas 'no! Bahala siya ugatin sa paghihintay sa akin sa sala namin at sa terrace pero hinding-hindi ko siya haharapin! Asa pa siya!
"Ma ano ba iyong iuutos-"
Nawala lahat ng sasabihin ko nang makita ang lalaking buong linggo kong iniwasan na prenteng nakaupo sa mahaba naming sofa.
Anong ginagawa niya dito? Naku naman! Si mama talaga eh.
"Oh ayan na Russell. Napababa na natin iyang magaling kong anak. Sabi ko sayo eh, hindi makakatiis iyang si Jade at susundin ako basta may iuutos ako. Ganiyan kabait iyang batang iyan."
Papuri ba iyon o pang iinsulto? Hindi ko alam pero bakit parang tonong nang aasar si mama? Nasayang lahat ng ginawa kong pag-iwas at pagkukulong ko sa kwarto dahil nakita ko na naman ang binatang isang linggo din nakatambay sa isip ko.
"A-ah teka lang ma, naiwan ko 'atang bukas iyong electric fan sa kwarto-"
"Iniiwasan mo ba 'ko?" bigla ay tanong ng damuhong binata sa harapan ko.
Oo abnormal ka ba? Hindi ba halata?
"H-ha? B-bakit naman kita iiwasan?"
Napakaengot mo na kung hindi mo iyon ramdam! Ano? Manhid-manhidan lang 'te?
"Hindi ba anak? Eh bakit sa tuwing nagpupunta si Russell dito eh para kang laging nagtatago sa kwarto mo? Lagi mo dinadahilan na nag-aaral ka? Alam ko naman na masipag at matalino kang bata Jade pero buong linggo? Hapon at gabi? Talaga ba? Nakakapagtaka lang-"
"Ma, ang dami mo naman na 'atang sinabi. " aniya ko sabay buntong hininga nang malalim. Ano pa nga bang magagawa ko? Iyan at nasa harapan ko naman na iyong taong pinakaiiwas iwasan ko.
Wala na akong magagawa kung hindi kausapin ito at umpisahan nalang ulit ang pag iiwas sa susunod.
Lumapit ako at umupo sa gilid ng inuupuan ni Russell. I am seating on our one-seated sofa while he is on the long one.
"Ano pala, gusto mo ng maiinom? O kaya ng makakain?" alok ko sa binata. Syempre baka isipin niya wala man lang akong konsiderasyon na tanungin at alukin siya ng kung anumang maiioffer ng munti naming tahanan.
"Hindi na. Aayain sana kitang maglakad-lakad sa labas, kung okay lang?"
"Ha? Ano kasi. Kakain na kami. Oo iyon nga. Oras na ng tanghalian oh-"
"It's only nine-thirty of the morning Jade."
Really Jade? Tanghalian? Nine-thirty ng umaga? Medyo bobita ha! Ang aga-aga.
Kung nababatukan lang ang sarili ay baka nagawa ko na. Pero hindi kaya nang maramdaman ko ang hiyang lumukob sa buong pagkatao ko ay nagkunwari na lamang ako na naghahanap ng magandang panoorin at nagpapalipat-lipat ng channel sa TV.
Nang tumigil sa Nickelodeon channel at akma ko sanang ililipat ay agad hinawakan ni Russell ang buong kamay ko kung nasaan hawak-hawak ko iyong remote ng TV namin.
Oo alam ko masama magmura pero s**t lang. Ano na namang pakulo to ha Russell Miranda? Kung gusto mo hawakan kamay ko, magsabi ka! Hindi iyong bigla-bigla ka nalang manghahawak ng kamay nang may kamay!
"Don't switch the channel. Anytime magsstart na iyong Harvey Beaks-"
"Hala! Talaga? Ang tagal ko nang hindi nakakanood n'un! That's my favorite cartoons-"
"I know. That is also my favorite."
"Ha?"
Halaman! Oo na medyo nabingi ba ako o ano? Medyo hindi ko kasi narinig iyong mga unang salitang sinabi niya.
Hindi na ulit siya nagsalita at tama nga siya! Nagstart na iyong cartoons na Harvey Beaks! I really love the character of Foo. He's so sweet and very innocent. Sa sobrang kainosentihan niya ako natatawa at nalilibang. Minsan man ay para nang out of this world iyong pag-iisip na meron siya but still, that is one of his charm. That is why I love Foo so much!
Natapos na ang thirty minutes na palabas ng Harvey Beaks nang mag-umpisang magsalita si Russell sa tabi ko. Muntik ko na ngang malimutan ang presensya niya sa sobrang focus at libang ko sa panonood kung hindi lang siya nagsalita.
"Ah Jade, I think I should go now. Naroon na siguro si mama. Pumunta lang talaga ako dito para makita ka-"
"Ah akala ko para makinood ng Harvey Beaks eh." saad ko sabay tawa ng medyo malakas na pahina nang pahina nang makita ko ang reaksyon ng binata sa harapan ko.
Ang hayop hindi man lang natawa sa jokes ko. Are you an alien? Alam ko naman na walang dulot iyong corny kong joke pero hello? At least laugh even a fake one especially if I am the one who cracks the joke! Charot!
Nakatayo na kaming dalawa at handa na siyang ihatid sa aming pintuan at hindi na muling pababalikin sa aming bahay pero biro lang iyon nang biglang lumabas si mama galing kusina at tawagin si Russell.
"Russell hijo! Dito kana mananghalian. Nagtext sa akin ang mama mo. Mamaya maya pa daw matatapos iyong conference na pinuntahan niya."
"Hindi na po Tita-"
"Ano ka ba naman bata ka. I insist. Dito kana kumain, sabayan mo kami ni Jade."
Pagkatapos magsalita ni mama ay bigla akong tiningnan ni Russell sa mga mata.
Oh bakit? Titingin-tingin mo dyan? Nasa mga mata ko ba iyong ulam para magdesisyon ka kung dito kakain o hindi?
"Pasabi nalang kay Tita na-"
"Dito kana kumain. Hayaan mo sasabihin ko kay mama na huwag lagyan ng gayuma iyong pagkain mo para hindi ka mabighani at mahulog sa kagandahan ko-"
Natigil nalang ulit iyong biro ko nang makita na naman iyong mukha niya na hindi yata sanay makarinig ng mga jokes.
"Joke lang iyon ano ka ba hehe-"
"I am already did."
"Ha? Pinagsasabi mo?"
"Wala. Halika na sa kusina nyo. Tulungan natin si Tita para matikman ko na iyong luto niya na walang gayuma para hindi ako mabighani at mahulog sayo."
Hindi na hinintay ni Russell na sumagot ako sa sinabi niya at nauna nang maglakad papunta sa aming kusina.
Pinagsasabi niyang I already did? Already did niya mukha niya! Kung ako corny magjokes, siya naman walang connect iyong pinagsasabi.