bc

Simple 'I Love You' Will Do

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
sweet
lighthearted
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Do you believe in love at first sight?

Yung tipong unang tingin mo palang sa mata nya ay na-fall ka agad sa kanya. Pero do you still want to be part of his life kahit ang turing lang niya sayo ay kaibigan ? Kabaliktaran ng role na gusto mong gampanan sa buhay nya.

Para siyang oo na hindi.

Para siyang puti na minsan itim.

Para siyang sulong nabiglang uurong.

Sa madaling salita, walang kasiguraduhan.

Parang relasyon ni Jade at Russell.

Is she willing to take the risk? Will she do everything to prove that there is something in the middle of nothing?

chap-preview
Free preview
Chapter One
“Ano ba ‘yan Bia! Sabi ‘ko naman kasi sayo wag kang masyadong tatakbo papunta sa’kin kasi parehas tayong matatalsikan ng putik at tubig. Nakita mo namang kakatila lang ng ulan,” naaasar kong saad habang pinupunasan ng panyo ang mga putik at kaunting tubig na tumalsik sa aking paa nang si Bianna, ang aking matalik na kaibigan ay walang awang tumakbo papunta sa akin. “Grabe ka naman Jade, sa haba ng sinabi mo parang ang laki ng nagawa kong kasalanan sayo ah. Like hello! Nagmamadali talaga ako kasi hindi ba’t sabi mo ngayon ‘yong larong basketball nila Donny.” Parehas kaming napanlakihan ng mata ni Bia nang marinig namin ang malakas na hiyawan at palakpakan nang isa-isa nang pinapakilala ang mga manlalaro sa aming barangay. Binigyan ko ng isang malapad na ngiti si Donny nang magtama ang aming mga mata kasabay nang pabulong na good luck na agad naman niyang tinanguan. “Sige go habulin mo Donny! Kaya mo yan! Walang wala yan sayo!” sigaw nang sigaw si Bia na parang walang pakialam kahit pinagtitinginan sya ng mga katabi namin na pawang kaedaran lang din naman namin. “Ano ba yan. Sino ba yan? Kung makatili naman akala mo kung sino. Hindi naman mukhang papatulan ni Donny yan, patpatin na nga wala pang boobs.” Natatawa nalang ako habang inaawat si Bia na patulan yung mga babae sa itaas namin. Oo nga at mga patpatin kami, hindi ba’t normal lang naman yun sa mga babaeng nagsisimula palang magdalaga? Naiisip ko nalang hindi ba sila aware kung ilang taon lang si Donny? Sabagay, hindi siya yung tipikal na sixteen years old na teenager. Matangkad siya kumpara sa iba naming kaibigan at kaklase. Medyo maganda din ang hubog ng katawan niya dahil nasabi niyang napapadalas daw ang pagpunta niya sa mga gym facilities kasama ng kanyang ama. “Hayaan mo na Bia! Mas lalo namang hindi sila papatulan ni Donny ‘no. Hindi naman sya mahilig sa mga nakamake-up na akala mo laging may pupuntahan na party-” “At mas lalong hindi dahil ikaw naman ang gusto niyan at hindi ako ‘no.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Bia dahil nakatutok naman na ang mga mata niya sa larong nag-iinit. Lamang lang sila Donny ng limang puntos at ito na ang huling na time out bago magtapos ang game. Tahimik akong nanonood nang biglang magawi ang paningin ko sa entrance ng basketball court ng aming barangay. Doon ay nakita ko ang isang matangkad din na lalaking nakabaseball cap, maputi na nakasuot ng plain black vneck tshirt at naka-tattered jeans. Nakatayo siya na tila may hinahanap nang biglang magtama ang aming mga paningin. Hindi ko pa mapapansin na kanina pa pala tumutunog yung cellphone ko kung hindi lang niyugyog ang balikat ko ng katabi kong si Bia. “’Te! Baka naman gusto mong sagutin yung tumatawag sayo,” aniya sabay balik ng tingin sa gitna ng court. Agad ko namang tinignan kung sino iyong caller. Si mama. Pero bago ko sagutin ang tawag ay umisang sulyap ulit ako sa entrance ng court. Nadismaya ako nang wala na doon ang lalaking katitigan ko kanina. Imposible namang namamalikmata lang ako. O hindi kaya baka naman multo ‘yon? Saglit akong napatawa sa naisip ng malikot kong utak. At agad-agad nang sinagot ang tawag na nanggagaling sa aking ina. “Hello ma? Nandito pa po ako ngayon sa court, kasama si Bia-“. “Oo anak alam ko pero pwede bang umuwi ka muna saglit? May ipapakilala lang ako sayo. Dalian mo lang nang kaunti. Mag-ingat ka pauwi,” sunod-sunod nitong saad at biglang binaba ang tawag bago pa ‘ko makasagot at makapagpaalam nang maayos. “Bia, uy,” sabi ko habang kinakalabit siya sa balikat dahil nakatalikod siya sa akin at tutok na tutok sa ligang nangyayari sa harapan namin. “Bia mauuna na muna ‘ko sayo ha. Pinapauwi na kasi ako ni mama. Biglaan.” Doon lang biglang lumingon sa akin si Bia habang nakakunot ang noo at humahaba ang nguso. “Bakit? Kung ganoon sasabay nalang din ako sayo. Saglit lang-”. “Wag na! Ano ka ba. Baka bigla tayo hanapin ni Donny. Isa man lang sa atin ang makita niya pag natapos yung game. Baka magtampo yan pag nalaman niyang parehas nating iniwan yung laro niya kahit di pa tapos at saka para na din malaman natin kung sino mananalo kaya maiwan kana dito. Itext mo nalang ako o kaya ichat. Balitaan mo ako ha,” sunod-sunod na paalala ko habang naghahanda nang umalis. Wala nang nagawa si Bia kung hindi sumang-ayon. Bago ako tuluyang lumabas ng court ay inisang ikot muna ng aking mga mata ang kabuuan nito. Hindi ko alam kung ang laro ba ni Donny ang tinitignan ko o nagbabakasakali ba akong mahanap ulit yung lalaking nakatinginan ko kanina. Pero wala na siya. Malapit na ako sa amin nang mamataan ko ang isang bago at magandang sasakyan sa harapan ng aming bahay. Wala nang lingon-likod ay tinahak ko na ang daanan papasok sa munti naming tirahan. Doon ay nakita ko ang isang ginang na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa edad ng aking ina. Masaya silang nagkekwentuhan nang biglang mabaling sa akin ang tingin ng ginang. “Ito na ba ang anak mo Lucille? Aba’y lumalaking maganda. Manang mana sa kaputian nyo ni Robert,” bigla naman akong dinaanan ng nahiya ngunit may munting ngiting umuukil sa aking labi. Lumapit naman na ako sa kanila at nagmano sa aking ina. “Oo sya nga. Magmano ka sa Tita Andrea mo. Matalik namin siyang kaibigan ni papa mo noong nasa high school kami,” walang pag aalinlangan ay ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti kasabay ng isang mano. “Ang ganda-ganda mo talaga hija. Teka lang nasaan na ba iyong anak ko?” aniya sabay kuha ng cellphone at may tinawagang numero. “Russell anak, nasaan ka na ba? Umuwi kana saglit dito kanila Tita Lucille mo at tayo’y magpapaalam na,” sabay baling sa akin habang nakangiti. Nagpaalam ako sa kanila saglit na iinom lang ng tubig sa kusina. Habang nagsasalin ako ng tubig sa aking hawak-hawak na baso ay siya namang dating ng isa pang bisita. Naaninagan ko lamang mula sa aming kurtina ang pagpasok ng isang tao sa sala. Inubos ko ang laman ng aking baso bago lumabas ng kusina. Doon ay nakita ko ang isang lalaking nakatayo na tila gulat na gulat sa aming pagkikita. Titig na titig lang kami sa isa’t isa. Walang boses na maririnig. Tanging tunog lang ng electric fan sa sala ang pinanggagalingan ng ingay. Hindi pala! May isa pa ‘kong naririnig pero parang ako lang ang nakakarinig. Bakit ganoon? Yung puso ko. Yung kabog ng dibdib ko. “Bakit para naman kayong nakakita ng multo? Russell anak, si Jade anak ng Tita Lucille mo,” boses ni Tita Andrea ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming lahat. Unti-unti ay lumapit sya sa akin kasabay ng palakas nang palakas na kabog na tila tinatambol ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ‘to nararamdaman. “Hi. I’m Russell. I hope we will be good friends just like our parents.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook