“Jade kumusta pala kahapon? Nabanggit sa’kin ni Bia na hindi mo na raw natapos yung game kasi pinauwi ka na ni Tita Lucille.”
“Ay oo nga pala sorry Donny ha. ‘Di pala ako nakapagchat o text sayo kahapon ‘no? Sorry talaga ha. Dumating kasi yung kaibigan ni mama sa amin kahapon kasama yung anak nya. Actually nga bagong lipat sila sa tabi lang namin.”
Speaking of bagong lipat, bigla naman akong napatingin sa gawing katabing bahay naming ngayon ay tinitirhan na nila Tita Andrea. Pinuntahan lang ako ni Donny para ipaalam na nanalo pala sila kahapon.
“Tara pala puntahan natin si Bia. Dahil nanalo kami kahapon ay ililibre ko kayo. Kahit saan.” Masaya nitong anunsyo nang biglang lumabas si Russell sa bahay nila. Wearing an oversized shirt with his plain black fitted shorts, ternuhan mo pa ng white sneakers, mapagkakamalan mo siyang isang koreano dahil sa pormahan niya. He is so white. Literally white. Mukhang mas makinis at maputi pa nga sya sa’kin.
Bigla naman siyang napatingin sa kinauupuan namin ni Donny at maya-maya lamang ay lumapit. Bakas sa mukha ni Donny ang pagtataka. Nang tuluyan na siyang makalapit ay tumayo na ako upang maipakilala sila sa isa’t isa.
“Ah Donny si Russell, yung sinasabi ko sayo kanina. Anak ni Tita Andrea. Bagong lipat lang sila dito sa atin. Russell si Donny, kaibigan ko,” saad ko sa kanilang dalawa at sabay nilang tinanggap ang mga kamay ng isa’t isa.
“Ayon naman pala edi mas maganda. Mas madami mas masaya. Tara puntahan natin si Bia. Sigurado ako matutuwa yun.” Pag- aaya ni Donny sa amin. Wala nalang akong nagawa nang tignan ako sa mga mata ni Russell na para bang nagsasabing halika na.
Mabilis kaming nakarating kina Bia na naabutan naming nakikipaglaro sa tapat ng bahay nila sa mga bata ng chinese garter. Nang mamataan kami ay agad siyang tumigil sa pakikipaglaro at mabilis na lumapit sa amin.
“Oh Jade, saan ang punta nyo?” tanong nito sabay tingin sa katabi kong si Russell.
“Dito sa inyo. Nag aaya din si Donny na manlilibre kasi nanalo daw sila kahapon. Bakit hindi mo man lang ako tinext o chinat. Oo nga pala Bia, si Russell. Bagong kapitbahay namin. Russell si Bia, kaibigan ko.” Nag ngitian lang sila sa isa’t isa sabay hila sa akin ni Bia.
“Saan nyo ba gusto? Ako kahit saan okay lang naman. Kayo na bahala Donny susunod nalang kami ni Jade sa inyo,” saad ni Bia habang lumalayo paunti-unti sa dalawa.
“Uy Jade ha, ang pogi ni Russell ha medyo hawig kay Song Kang nung maliit pa sya. At saka bakit ganun ka tumingin sa kanya, para kang ano-”. Nilingon ko siyang may kunot sa noo. Sino na naman ba binabanggit nito?
“Parang ano? Ikaw kung ano-ano na naman napapansin mo at saka sino na naman yung binaggit mo di ko naman kilala yon.”
“Basta parang ano, may kaunting landi joke.” Pang-aasar nito sabay hagalpak ng tawa.
“Baliw ka. Wag ka nga magsasabi ng ganiyan baka ano isipin nung tao,” paalala ko sabay higit sa kaniya para makahabol sa paglalakad kanila Donny at Russell.
Dinala kami ni Donny sa isang pizza parlor malapit lang din dito sa amin. Pang-apat lang talaga na mesa ang inukupahan naming. Bale ang magkatabi ay si Bia at Russell habang si Donny naman ang katabi ko. Bumili siya ng dalawang order ng Hawaiian pizza at apat na iced tea para sa aming lahat. Noong hindi pa rin dumadating ang aming pagkain ay napagdesisyunan ni Bia tanugin si Russell ng kung ano-ano.
“Oo nga pala Russell, nakapagpa-enroll kana ba? Ka-age ka lang din ba namin?” tanong ni Bia habang nakatingin kay Russell na animo’y nag aantay talaga ng sagot.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong sulyapan bago muling tumingin kay Bia para sagutin ang tanong nito.
“Oo, nagpaplano nalang ako kung kailan ako pupunta ng school para makapag enroll-”
“Kung gusto mo this coming Monday sumabay kana sa amin nila Jade at Donny para makapag pa-enroll.” Nagulat naman ako sa biglaang pag aaya ni Bia pero wala namang problema sa akin. Kung tutuusin nga magandang ideya iyun para na din malibot namin siya sa buong campus if ever na gusto nya.
“If it’s okay with Jade, bakit hindi. Okay lang ba? ” biglang tanong nya sa’kin kasabay ng kanyang pagtitig sa aking mga mata na halos maging dahilan ng pagpigil ko ng hininga.
Bakit tinitigan nya na ko na para bang nasa mata ko yung sagot? Weird nya.
“Oo naman. Ano ka ba? Bakit naman aayawan ni Jade na makasabay mo kami? ” Si Bia na ang sumagot para sa akin. Napangiti nalang ako sa binata nang alanganin. Ano pang magagawa ko? Hindi ko naman pupwedeng bawiin pa yung sagot ni Bia kasi para ano? Wala namang masama doon. At saka wala namang malisya.
Ikaw lang ang nag-iisip ng malisya.
Nawala ako sa pag-iisip nang masayang inanunsyo ni Donny na paparating na ang aming pagkain. Agad naman niya akong nilagyan ng pizza sa aking platito na agad ko namang pinagpasalamatan.
“Kumain ka ng marami Jade, parang papayat ka nang papayat ah,” pabulong niyang saad sa akin na naging dahilan ng pagtawa ko kaya’t nahampas ko siya nang mahina sa balikat. Nagtatawanan kaming dalawa nang makarinig kami ng nalaglag na tinidor. Awtomatiko naman kaming natigil at napatingin sa nalaglag.
“Sorry, it slipped. Kukuha lang ako ng bago.” Bago pa ako makasagot ay tumayo na agad si Russell sa inuupuan niya at pumuntang counter. Nahiya naman ako nang kaunti kaya umayos ako ng upo at nagsimula nang kumain.
Nang matapos na kami kumain ay agad din namang nagyaya umuwi si Donny dahil hinahanap na raw siya sa kanila.
“Hindi ko na kayo mahahatid Bia at Jade ha. Si papa kasi biglang nagmamadaling pauwiin ako. Sorry talaga ha, Russell tol ikaw na bahala sa kanila ha.” Isang tango lang ang ginawang sagot ni Russell sa sinabi ni Donny.
“Ano ka ba okay lang yun, salamat ulit sa libre ha,” sagot ko bago siya umalis at muling magpaalam sa amin.
Mauuna naming ihahatid si Bia sa kanila. Habang pauwi ay walang preno ang bibig ni Bia kakatanong kay Russell nang kung anu-ano.
“May girlfriend kana ba?” Out of nowhere ay biglang natanong ni Bia kay Russell na siya namang kinabigla ko kaya para hindi mahalata ay binagalan ko na lamang ang lakad ko.
“Wala, I never had one.” Mabilisan naman niyang sagot na lihim kong kinangiti.
Smile yarn?
“Nagugustuhan? Wala din ba?” hindi ko alam kung nang-aasar ba yung tanong ni Bia kasi bigla ba naman siyang tumingin sa akin na para bang nagsasabing siya na ang gumawa ng paraan para sa akin. As if interesado ako.
Hindi ba?
“Meron pero mukhang malabo pa e.”
“Ha? Ba’t naman mukhang malabo?” yun din ang tanong ko. Naunahan lang ako ni Bia bigkasin.
“Hindi pa ulit kami nagkikita e.”
Doon na ako nagtaka. Na alam kong pinagtaka din ni Bia base na din sa nakikita ko sa mukha niya. Paanong hindi pa sila nagkikita?
“Sino ba yun? Pwede malaman?” oo chismosa na kung chismosa pero gusto ko di malaman kung sino. May iba pa ba siyang nakilala bukod sa’kin?
Nag-aassume ka kasi!
“Her name is Shayne. Do you know her?” tanong niya sabay lingon sa aming dalawa ni Bia.
“Shayne? As in Shayne Ortal?!” bulalas na tanong ni Bia.
Sya lang naman ang nag-iisang Shayne dito sa amin. Pero paano sila nagkita, saan?
Akala ko ako ang kaunahang nakilala niyang babae dito. It turns out na hindi pala.
Pero bakit parang may dumagaan sa dibdib ko? Bakit parang sobrang nadismaya ako na. . .
Hindi ako yung binanggit niya.
“Tara na bilisan na natin. Nadilim baka biglang umulan,” saad ko at mabilis nang naglakad palayo.
Bakit ako nadidismaya? Bakit feeling ko sinaktan ako kahit hindi naman.
Bakit?