Maaga akong gumising ngayong araw. Alas-otso pa lamang ay nakaligo na at nakapagbihis na ako. Ngayong araw namin napagplanuhan nila Bia at Donny magpa-enroll. Naalala ko lang, makakasama nga pala namin si Russell mamaya. At sigurado din akong malaki ang posibilidad na magkita sila ni Shayne mamaya sa campus.
“Her name is Shayne. Do you know her?”
“Shayne? As in Shayne Ortal?!”
“Jade anak bumaba kana dito. Kanina ka pa pala hinihintay ni Russell. Naku ‘yang bata talaga na iyan. Pasensya kana hijo ha.” Habang pababa ako ay boses ni mama ang naririnig ko.
Malapit na ‘ko sa pinakahuling baitang ng aming hagdanan nang bigla akong tinapunan ng tingin ng binata. Walang emosyon ang makikita sa kanyang mga mata. Hindi na niya ako hinintay makapagsalita at tumayo na din makaraan ng ilang sandali.
“Sige po Tita Lucille, mauuna na po muna kami. Thank you nga po pala sa food,” aniya bago naghahanda nang mauna palabas sa aming bahay.
“Ma hindi pa ‘ko kumakain-,”
“I already have your food.” Awtomatiko namang napatingin ako sa hawak niyang paper bag.
“Oo anak naka’y Russell na. Naisip ko kasi baka tanghaliin na kayo lalo kung dito ka pa kakain. Sabi ko naman kasi sayo maaga kang bumaba para makakain,” saad ng aking ina bago pumunta na papasok sa kusina.
“Lets’go?” tanong ng binata na agad ko namang tinanguan.
Nauuna siyang naglalakad sa akin. Hindi ko alam dahil ba sa mas malalaki ang mga hakbang niya o dahil ba sa ayokong makasabay siya sa paglalakad. Maya-maya lamang ay biglang tumunog ang aking cellphone na nasa loob ng aking bitbit na sling bag. Hindi na ko nagtaka nang natigil din siya sa paglalakad at lumingon sa akin.
Nang tingnan ko ang cellphone ko kung sinong tumatawag ay si Donny pala.
“Si Donny. Sagutin ko lang.” Isang tango lang ang ginawa niyang sagot bago gumilid sa kinatatayuan namin. Nilalaro niya ang bitbit niyang paperbag na naglalaman ng pagkaing binigay kanina ng aking ina habang ako naman ay kausap si Donny sa cellphone.
“Hi Donny. Bakit ka pa tumawag? Papunta na kami sa inyo-,”
“Buti nalang at papunta palang kayo. Huwag na kayong pumunta kasi nandito na kami ni Bia sa school-,”
Hindi ko na narinig ‘yong ibang sinabi ni Donny dahil nakuha na ang atensyon ko ng dalawang tao sa harapan ko. Russell is talking to Shayne while she’s slightly pulling his arm towards her. I didn’t expect them to be this close. Ilang linggo pa lamang ba simula noong lumipat sila. Hindi ko na pinansin ang dapat ay pag-uusap namin ni Donny sa cellphone. Nagtext na lamang ako na nagsasabing sa school na kami didiretso.
“R-russell n-nauna na raw pala sila Donny at Bia sa school. Sumakay nalang tayo ng tricycle para mapabilis yung punta natin doon,” saad ko paunti-unti habang umiiwas ng tingin.
“Jade hi! Kabilang section n’yo lang ako. Hindi pa rin kasi ako nakakapagpa-enroll. Pwede bang sumabay na ‘ko sa inyo?” Shayne asked while smiling heavenly.
“Ha? Oo naman sure-,”
“Ayun naman pala. Tara na Rus! Ililibot kita sa school and sure akong magugustuhan mo doon. Sana maging magkaklase tayo ‘no?” Nauna na silang dalawang maglakad sa akin. Hindi ko na din ma-imagine kung ano na nga ba ang itsura ko ngayon.
Nang nasa sakayan na kami ng tricycle ay hindi ko alam kung saan ako uupo. Dapat bang ako ang tumabi kay Shayne kasi parehas kaming babae o sila dapat ni Russell ang magtabi? Sa huli ay ako nalang ang sumakay sa likuran ng driver.
Mas gugustuhin ko namang sa likod ng driver umupo kaysa sa babysit sa loob ‘no. Mas kaya ko pang indahin yung alikabok at usok na nalalanghap ko kaysa sa ingay ng boses ni Shayne na parang ngayon lang ulit nagkaroo ng pagkakataong makipag usap sa tao. Lalo na sa lalaki.
Nang marating namin ang eskwelahan ay akma na ‘kong magbabayad nang maglabas siya ng isang daan para bayaran ang naging pamasahe naming tatlo. Nang iabot ko ang benteng pamasahe ko dapat at hindi nya tanggapin ay hindi na ako nagpumilit pa. Dali-dali na lamang akong pumasok sa loob ng campus dahil unting-unti nang tumitirik ang araw.
Hindi naman ako nahirapang hanapin sila Donny at Bia dahil nakaupo lang sila malapit sa registrar’s office. Nang mamataan ako ay biglang tumayo si Donny para ialok ang inuupuan niya. Lumapit ako sa kanila habang sinusuklay ng daliri ang buhok kung dinaig pa ang tambo sa gulo at tigas dahil sa bilis ng patakbo ng tricycle kanina.
“Pasensya kana Jade ah. Si Donny naman kasi ang aga akong sinundo sa amin. Wala na akong nagawa kasi nakabihis at nakakain naman na ako,” sunod-sunod na paliwanag ni Bia habang nakikisuklay na rin ng buhok ko gamit ng kanyang mga daliri.
“Ano ka ba okay lang yun. Buti ka pa nakakain si mama naman kasi. Pinabaon pa yung dapat kakainin ko na sa bahay,” saad ko habang hinahanap ang suklay sa loob ng bag ko.
Speaking of baon, naka’y Russell nga pala yung pagkain. Hindi rin ako nakakain kasi nagtricycle na kami papunta dito at lalong hindi dahil nalimutan niya ‘atang iabot sa’kin dahil masyadong tutok ang atensyon nya kay Shayne.
Akma na akong tatayo at bibili na lamang ng makakain nang biglang may lumitaw na paper bag sa mismong tapat ko. Napataas agad ang paningin ko sa kung sino mang nag-aalok ng pagkain sa harapan ko. Si Donny pala. Hindi ko pa mapapansin na umalis siya kung hindi lang dahil sa bitbit niyang pagkaing nasa tray ng canteen ng school.
“Narinig ko kasing ‘di ka pa pala kumakain kaya binilhan na kita,” ani Donny sabay bukas ng pagkain at abot sa akin. Isusubo ko na ang pagkain nang mapabaling ang tingin ko sa kabilang gilid ng kinauupuan naming.
And there, I saw Russell standing while holding the paper bag that at any moment would rip because he was holding it too tight. When our eyes met, I saw nothing but a blank face. Emotionless.
Naunang nagtanggal ng paningin si Russell sa aming dalawa at maya-maya lamang ay may binulong sa dalagang katabi niya.
“So ano mo nga Shayne? Is he your boyfriend?” kantiyaw ng mga kaibigan ni Shayne sa kanilang dalawa dahil kulang nalang ay lumambitin siya sa leeg ng binata. Nang hindi sumagot si Shayne ay isang ngiti lamang ang ginawad ng binata sa kanila.
“Oh my God! Bagay na bagay kayo!”
“Tara na Jade mukhang hindi na pala kailangan ni Russell ng mag-iikot sa kanya dito,” aya ni Bia sabay tayo upang magpasa ng ilang requirements. Bago ako sumunod ay umisang tingin pa ako sa kanila nang hindi sinasadya ay magtama na naman ang aming mga paningin.
Maybe nag-assume lang ako. Russell seems to really like Shayne. I just stay what we should be. And that was just his friend. Hindi na ako mag-iisip ng malisya dahil wala naman talaga. Para na rin hindi ako naiilang pag malapit siya.
At ngayong araw ko iyon sisimulan.