“Jed-jed sabi ko naman kasi sayo wag mo bilisang tumakbo. ‘Yan tuloy nadapa ka,” sabi ng isang batang lalaki habang pinapatahan ang batang babae kasabay ng pagpunas sa tuod nitong may gasgas at kaunting dugo.
“G-gusto k-ko k-kasi hindi mo ‘ko maabutan. S-sabi ko s-sayo m-mas mabilis akong tumakbo kaysa sayo,” aniya ng batang babae habang pinupunasan ang mga luhang bumabagsak sa kanyang mata.
“Kaysa naman ganyan. Tingnan mo nga oh nadapa ka. Ano nalang iisipin nila Tita at Mama sa’kin, na pinapabayaan kita,-”
“Edi sasabihin kong hindi! Na kasalanan ko kung bakit ako nadapa at kung bakit ako may sugat ngayon sa tuhod,” asik ng batang babae sabay tayo na akala mo’y walang iniindang sugat sa tuhod at sunod-sunod na naglakad palayo sa batang lalaki.
“Ang kulit mo talaga ‘no. Halika na dito! Bubuhatin nalang kita,-”
“Hindi na Itsel kaya ko naman na ‘to! Malaki na ‘ko ‘no! Tingnan mo makakatakbo na nga ako ulit,” nasisiyahang turan ng bata kasabay ng paglingon sa kanyang kaibigan upang ipakitang kayang-kaya na niya.
Ang hindi napansin ng dalawang bata ay ang paparating na malaking truck na sasalubong sa kanilang kinapupwestuhan. Huli na ng mapansin nilang malapit na ito sa kanila.
“Jed!”
“Itsel!”
“Jade anak. Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?” mukha ng aking nag-aalalang ina ang naabutan ko pagbukas ng aking mga mata. Tila nagmamadali itong umakyat sa aking kwarto dahil nakasuot pa rin ito ng apron. Marahil sa mga oras na iyon ay nagluluto na ito bago sya pumanhik para tingnan ako.
“Ma anong oras na?” tanong ko sabay kuha ng cellphone para alamin ang oras.
Alas- onse na pala. Napahaba pala masyado ang tulog ko.
“Nanaginip ka ba ng masama anak? Ang ulo mo? Masakit ba?”
Doon lang ulit nagbalik sa isip ko ang nangyaring panaginip. Yung dalawang bata. Masyadong malabo para maalala ko ang mga mukha nila. Tanging mga mukha lang nila ang malabo at hindi maaninag. Hindi ako sigurado kung anong nangyari sa kanila. Kung nasagasaan ba sila o nakaligtas dahil biglang natigil ang panaginip ko at ang mukha ng aking ina ang nakita ko.
“Wala ma. Hindi naman po ganoon ka-importante. Ano po bang nangyayari bago ka pumasok ditto?” tanong ko sabay tayo at kuha ng suklay.
“Nagsisigaw ka na tabi! Tabi! Malakas kaya naman nag-alala ako kaya pinuntahan na kita. Pero mukhang okay ka naman anak siguro masamang panaginip lang iyon. Mag-ayos kana at bumaba. Dito kakain sila Russell at ang Tita Andrea mo,” habilin ng aking ina bago nauna nang lumabas at bumaba sa amin hagdan.
Habang kumakain ay iyong panaginip ko pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko nga napansing wala pala si Russell sa hapag-kainan namin kung hindi lang ako tinanong ni Tita Andrea kung may ideya ba raw ako kung sino yung Shayne na sinabi ni Russell na kasama niya ngayon.
“Ah opo, kilala ko po ‘yon. Schoolmate ko po si Shayne di ko lang po sure baka po kaklase siya ngayon ni Russell. Bakit po Tita?” tanong ko habang kumukuha ng kanin.
“Kasama raw niya ngayon ‘yong si Shayne. Nagpunta sila sa Mall ngayon. Bumili ng school supplies. Ilang linggo nalang kasi start na ng pasukan nyo hindi ba? Sayang naman at hindi ka pa sumabay.”
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa sinabi ni Tita Andrea. Buti nalang talaga at nauna na silang mamili. Hindi ko gugustuhing magmukhang kawawa at third-wheel sa kanilag dalawa if ever nga na sumabay ako sa kanila. At saka nandyan naman si Bia kung sakaling magpapasama ako mamili.
“Maglilista pa po kasi ako ng mga bibilhin ko. May ibang gamit pa po ako na hindi ko naman nagamit last school year kaya baka next week nalang po ako bumili,” sagot ko at kumain na ng tuloy-tuloy.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpresinta na akong maghuhugas pero tinanggihan nila mama at sila na daw. Nagpaalam nalang ako na pupunta kina Bia upang magpalipas ng oras at pag-usapan kung kailan kami mamimili ng gamit sa school.
Naglalakad na ako papunta kanila Bia nang makatanggap ako ng text mula sa kaniya. Wala raw sa bahay yung bruhang yun. Nauna pa sa galaan. Hindi ko tuloy alam kung babalik nalang ako sa bahay o mag-isip ng ibang mapupuntahan. Sa huli ay napagdesisyunan kong pumunta nalang sa clubhouse na malapit lang din kina Bia, may mini park kasi doon na masarap pagtambayan lalo na ngayon na malamig ang simoy ng hangin at hindi gaanong kainit. Malaki na rin talaga ang pinagbago dito sa lugar namin. Sa pagkaka alala ko. Bago pa mag-ibang bansa si papa ay nakalipat na kami dito. Dito ako nag-pre-school, kinder, elementary at hanggang ngayong high school ako. Naalala ko nga madalas kami maglaro ni Bia sa tapat ng bahay nila at pagkatapos ay didiretso na kami sa loob nila upang magmiryenda ng luto ng mama nya.
Nang malapit na ako sa mini park ay may naananigan akong nakaupo sa swing. Hindi ako sigurado dahil bukod sa nakabaseball cap ito ay nakatalikod din ito sa akin. Nakayuko ito kaya walang ingay akong umupo sa tabi din nitong swing. Hindi ko nalang iisiping may katabi ako para makapagrelax ako at panandaliang makapag isip-isip. Kinuha ko na ang cellphone ko at inilagay ko na ang earphone sa aking dalawang tainga at akma nang pipindutin ang play button sa aking cellphone nang biglang magsalita ang aking katabi.
“Hindi mo na ba talaga naaalala?”
Sa boses palang. Hindi ako pwedeng magkamali. Mahina pero buo. Si Russell. Oo boses ni Russell iyon. Si Russell ang katabi ko. Akala ko ba magkasama sila ngayon ni Shayne? Anong ginagawa nya dito sa clubhose?
“Did you really forget everything? Does everything that includes me? Ako ang may pinakamalaking sakit na natamo pero bakit naalala pa rin kita?”
Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya. O baka may katawagan siya sa cellphone niya at nakamicrophone lang siya sa earphone niya. Bakit bigla-bigla nalang siya magsasalita? At saka anong sinasabi niya? Sakit? Nagkasakitan na ba agad sila ni Shayne?
Hindi ako malapit kay Shayne pero mabait siya. Sadyang iba lang talaga ang circle of friends niya kaya hindi kami ganoon kalapit. She’s popular because of her beauty and not to mention her achivements dahil sa mga contest na sinalihan niya to represent our school.
Iniisip-isip ko pa ang ibang mga bagay na maaring maging dahilan ng kanilang mabilis na pag-aaway pero wala naman ako maisip. Tigilan ko na lang siguro mag-isip lalo na’t hindi naman ako kasali sa gulo nila at hindi ko ‘yon problema. Papikit na ang mga mata ko nang maya-maya ay marinig ko na naman siyang magsalita.
“Am I not worth the pain? If pipilitin ko bang maalala mo ako, magagalit ka? Magagalit sila? Everytime na nakikita kita kung gaano ka kasaya sa kanila, naiisip ko nalang what if hindi ako pumayag kanila mama na umalis dito? What if pinilit ko pa ring ipaalala sayo kung sino ako? Kakayanin mo kaya?”
Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi ko alam kung ano o sino ang tinutukoy niya kaya sumasakit ang ulo ko o dahil na rin mismo sa mga salitang binibitawan niya?
“Siguro naman hindi masama ‘tong ginagawa o sinasabi ko sayo hindi ba? Hindi mo ako naririnig, I’m sure. Hindi din kita gaanong kinakausap dahil ayokong may iba akong masabi at magulat ka, or worst maging cause na naman ng sakit mo sa ulo. Hininaan ko talaga ang boses ko. I miss you. . . .”
Bakit parang may sumusundot sa sentido ko? Bakit parang bigla akong nakaramdam ng panlalamig? Ang bigat ng ulo ko na parang anumang oras ay maaaring sumabog.
“ . . .sobra-sobra. Sana kahit nalimutan mo na lahat, ‘wag sana yung isang pangakong binitawan natin sa isa’t isa noon. Iyon nalang talaga ang pinanghahawakan ko. Sa ngayon, hahayaan ko munang maging masaya ka. Tatanawin muna kita mula sa malayo. I think, ako talaga ang living proof ng mga salitang, You’re so near yet so far.”
Hindi ko alam kung sinong dapat lumayo sa aming dalawa. Ako na sobrang sumasakit ang ulo dahil sa mga naririnig mula sa binata o siya na walang kaalam- alam at naglalabas lamang ng hinanakit?
Mukhang dininig naman ng panginoon ang munti kong pinoproblema dahil pagtapos magsalita ni Russell ay agad itong tumayo at mabilis na umalis sa pwesto naming. Nang masigurado ko nang medyo nakalayo-layo na siya ay ‘saka lamang ako nag angat ng ulo at hinabol ng tingin ang binata.
Bakit ako ang nasasaktan sa mga sinabi niya? Para kanino ba ang mga iyon? At bakit biglang sumakit ang ulo ko dahil lang sa mga narinig?