Mabilis lang dumaan ang mga araw, ngayon ay simula na ulit ng panibagong school year. Last year ko na sa high school. Hindi ko rin alam kung bakit kinaluwag ng loob ko nang malaman na sila Russell at Shayne ang magiging magkaklase.
Si Bia lagi ang katabi ko habang si Donny naman ay sa likod dahil matangkad ito. Ilang hakbang nalang papunta sa ako sa loob ng aming classroom nang biglang may mamataan ako malapit sa pintuan. Si Russell, nakatayo ito at nakasandal sa may pader habang nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung maglalakad na ba ako papunta sa classroom na kinatatayuan lang din hindi kalayuan ni Russell o mag-aantay munang umalis ang binata. Napatingin agad ako sa relong-pambisig. Five minutes before seven o ’clock in the morning. Pinalipas ko muna ang dalawang minute bago napagdesisyunang lumapit na sa aming classroom. Hindi pa din talaga umaalis si Russell doon.
Akala ko makakapasok ako nang tahimik pero sa mismong tapat ng classroom, kasabay ng paggalaw ng binata at pagmulat ng kanyang mga mata, nagtama ang aming mga paningin. Parang may kung anong humigit sa paghinga ko noong titigan niya ako nang marahan na tila may hinahanap sa aking mga mata na tumatagos hanggang kaluluwa.
Si Russell ang unang nagbitaw ng paningin sabay abot ng isang paper bag. Hindi ko iyon napansin kaninang nakapikit siya.
“A-ano yan?” tangang tanong ko.
“Snacks. Para mamaya. Para hindi kana pumila sa canteen. And that’s also your favorite.”
Hindi na ko tumanggi at kinuha na lamang ang inaalok ng binate. Pagkakuha ay dumiretso na agad ako pagtapos magpasalamat. Hindi ko na rin inalam kung ano ba ang laman ng paper bag na ianbot ng binata.
Paano naman niya malalaman ang favorite snacks ko? Tinanong niya kaya kay mama?
Nawala lang siya sa pag-iisip ko nang biglang dumating na ang aming adviser. Para sa first day, adviser muna ang makakasama nang mga estudyante buong araw. Kaunting activities para sa getting-to-know-each-other. Hindi naman ako naburyo dahil masaya naman makakilala ng mga bagong tao. Nang tumunog ang bell hudyat na recess na hindi na ako nag-ayang pumuntang canteen kasama si Bia at Donny.
“Ha? Bakit wala ka bang gana kumain?” aniya Bia sabay balik ng upo sa aking tabi.
“Hindi kasi ano. May pagkain na ‘ko. Iyon nalang ang kakainin ko,” sagot ko sabay pakita ng paper bag na binigay kanina ni Russell.
“Aba bagong school year, bagong buhay ah. Sawa kana ba sa mga luto nila Kuya Ben kaya magbabaon kana ngayon?” natatawang tanong ni Bia sabay tayo na at yaya kay Donny para bumili ng makakain nila.
Pagkalabas ng dalawa ay agad ko namang binuksan kung anong laman ng paper bag na bigay ng binata. Isang malaking Delight na inumin, egg sandwich at isang Styrofoam na naglalaman ng carbonara.
Favorite ko nga.
Napagdesisyunan kong hintayin na lamang sila Bia upang sabay-sabay na kaming kumain. Panigurado naman akong hindi sila magtatagal sa pamimili dahil thirty minutes lamang ang inilaan para sa recess naming.
Habang hinihintay sila ay nagscroll scroll muna ako sa f*******:. Lumitaw ang f*******: account ni Russell, tinitigan ko ang profile picture nya. Stolen ang kuha nito sa isang library at tila may binabasa dahil tutok ang mga mata nito sa librong binabasa. Iyon lamang ang picture na maaaring makita dahil nakaprivate account ito. Itatago ko na ang cellphone ko nang biglang magsipasok ang mga kaklase kong babae na tila kinikilig at may patili tili pa.
“Grabeng pogi niya ‘no? Transferee siguro iyon. Ngayon ko lang kasi siya nakita-,”
“Kasama pa si Gio myloves! Grabe!”
Hindi ko nalang sila tinapunan ng atensyon dahil dumating na rin sila Bia pagtapos lang ng ilang sandal.
“D’yos ko! Buti nalang nakapagpareserved kana d’on Donny! Ang haba ng pila ngayon sa canteen. Siksikan pa,” reklamo ni Bia habang nilalapag ang mga binili nila ni Donny.
Mabilis lang naming naubos ang mga pagkain gawa na rin ng oras. Nang sumapit ang tanghali ay napagdesisyunan ng faculty staff na gawing half day muna ang araw na iyon. Tuwang- tuwa tuloy kami ni Bia at nag-aaya agad itong magmall dahil may bagong labas daw na pelikula na gaganapan ng mga paborito niyang artista.
“Hindi ako pwede ngayon Bia eh. Pasenya na ha. Pero okay lang naman siguro kung kayong dalawa nalang muna ni Jade ‘no?” hinging-paumanin ni Donny sabay ngiti ng nahihiya.
“Ganoon ba. Okay lang Donny. May iba pa namang pagkakataon siguro na makakasama ka. May buong taon pa naman tayo bago magcollege ‘no!” pag-aalo ni Bia ay Donny habang inililigpit ang mga gamit niya.
Pagtapos namin magpaalam kay Donny ay dumiretso na kaming comfort room para makapagbihis ibang damit. Hindi nagpapapasok ang mga mall kapag Monday to Friday lalo na kung high school ka lang, kailangan mong mag hintay mag alas-singko bago ka payagang pumasok. Kaya pagtapos naming ma-experience iyon ni Bia ay lagi na kaming may baon-baon na extra damit kapag may mga ganitong pagkakataon. Katulad na lamang ngayon.
Mabilis lang ang biyahe. Isang jeep lamang ay narrating na naming agad ang mall. Wala namang naging problema dahil itinao namin sa isang plastic an gaming mga uniform at school identification card. Sa department store nalang kami bumili ni Bia ng makakain para mas mura bago kami pumila sa cinema para bumili ng movie ticket.
Nakabili naman kami agad at nakapasok sa loob. Napagkasunduan naming ni Bia na sa bandang itaas kami umupo para hindi masyadong malapit sa screen at para na rin mas maganda ang view ng panonood.
Hindi pa nagsisimula ang movie ay nakakita ako ng pamilyar na mga mukha. Si Shayne na nakapulupot ang mga kamay sa baywang ni Russell, kasama pa nila ang isa pang lalaki at dalawang kaibigang babae ni Shayne. Nang mahagip kaming dalawa ni Bia ng mga mata ni Shayne ay dali-dali siyang pumunta sa aming pwesto at niyaya ang mga kasama.
“Hi, Jade right? Gusto ko kasi sa pwestong ‘to eh. At saka sakto na ‘to sa aming lima. Do you mind kung lipat nalang kayo? Marami pa namang free seat sa bandang gitna eh.”
Hindi ko alam kung saang lupalop kumuha ng katigasan ng mukha si Shayne para hingin ang upuan namin pero ngumiti na lamang ako at akma nang yayain si Bia lumipat nang biglang bumoses ang katabing binate, sino pa kung hindi si Russell.
“Huwag na. Sila Gio nalang ang umupo sa gitna. Kasya naman tayong dalawa sa tabi nila. Okay lang ba?” hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o si Shayne. Pero sa akin siya nakatingin kaya tumango nalang ako. Bale ang upo namin ay si Bia ang nasa pinakaunahan. Katabi niya ako tapos may isang bakanteng upuan pa bago sila Shayne at Russell.
Nang magstart na ang pelikula ay tahimik na ang lahat. Wala pa sa kalagitnaan ay sinilip ko ang si Bia sa tabi ko. Ang walang hiya! Natutulog! Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ang paningin at buong atensyon ko sa screen sa harapan. Pilit kong iniintindi ang pinapanuod nang makarinig ako ng kakaibang tunog. Hindi tunog mula sa screen kung hindi tunog na nagmumula sa isa ko pang katabi. Kanila Shayne at Russell.
Hindi ko alam kung sinasabayan ba nila yung pelikula. Pero rinig na rinig ko sila. The actors in the movie were kissing, so they were. Russell and Shayne are kissing too!Sa tabi ko pa mismo! Hindi ko alam kung mandidiri ba ako sa kanila o ano. Hindi naman ako ganoong kawalang-utak para hindi malaman ang tunog ng dalawang naghahalikan, ilang beses na din naman ako nakapanood ng romance movies dahil na din kay Bia.
Hindi na ako makapag focus. Pinipilit ko nalang intindihin kung ano na nga ba ang nangyayari sa pelikula. Nawala lahat ng inipon kong focus at atensyon nang makarinig ako ng halinghing at munting ungol.
They are making out here in public, right here knowing that I am just few inches away from them! And they are only minor. ‘My God. Ako ang napapadasal sa ginagawa nila. Parang noong nakaraang araw malungkot at mukhang nadedepressed si Russell sabay ngayon kulang nalang ikandong niya si Shayne base sa naririnig ko.
Russell Miranda! You’re unbelievable! Isusumbong kita sa mama mo!