Hindi mo talaga mapapansin ang araw at oras pag nasa eskwelahan ka. Ngayon ay katatapos lang magpractice ng aking team para sa nalalapit na intramural meet. Volleyball ang napagpasyahan kong salihan ngayon. Si Donny ay iyon pa rin ang sinalihan, ang basketball. Habang si Bia ay wala dahil mas gusto na niya raw manood ngayon kaysa maglaro. Sabagay nakaraang taon ay nagchampion ang paaralan namin sa women division ng table tennis, sino pa nga ba ang nakapanalo? Syempre ang best friend kong si Bianna. Habang si Russell naman ay wala pa ulit akong balita. Pagtapos ng eksena sa cinema ay hindi na ulit kami nagpansinan. Hindi ko alam kung ako ba iyon dahil ako ang nahihiya sa kanila o siya na umiiwas dahil na rin sa ginawa. Noong araw na iyon sa cinema base sa pagkaka alala ko, hindi na nila tinapos ang pelikula at basta na lamang lumabas silang dalawa ni Shayne. At salamat sa itaas dahil hindi nasayang ang pera namin ni Bia dahil nagising ang bruha noong nasa kalagitnaan na ng palabas.
“Sigurado ka bang hindi ka sasali ngayong intrams?” tanong ko kay Bia habang inaabot ang baunan ko ng tubig para uminom. Dahil nalalapit na nga ang intrams, pagtapos ng klase namin ng alas-kwatro ay dumidiretso na agad kami dito sa open court para makapagpractice ng volleyball na lagi naman ako sinasamahan ng mabait kong kaibigan
“Ayoko nga. At saka malapit na. Nakapag pagawa na ng jersey. Alangan namang magbida-bida ako na magpapahabol sa faculty para pagawaan ng jersey. Hindi na ‘no!” sagot naman nito sabay kain ng hawak-hawak nitong turon.
“Iyon nga ang pinagtataka ko eh. Ace ka naman ng women division table tennis, at saka hello yung jersey, hindi ba’t sabi mo collection mo iyon kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayong taon eh hindi ka sasali,” saad ko habang pilit pinupunasan ang mga pawis sa likuran ko.
“Hindi na nga. Okay lang naman. Everything has an excemption, at ngayong taon ang excemption na iyon. Manonood nalang ako sa inyo ni Donny.”
Kahit hindi pa rin ako kumbinsido ay hinayaan ko nalang pero alam ko na may iba pang dahilan si Bia, hindi ko na pipiliting alamin iyon dahil ayoko namang panghimasukan ang mga bagay na ayaw niyang ipaalam sa iba.
“Jade! Halika na dito!”
“Opo coach.”
Bago tuluyang bumalik at magpractice ulit ay tinapunan ko muna si Bia ng tingin. Napakunot ang noo ko ng mapansin ang mahigpit na hawak nito sa turon na hindi nya pa pala nauubos. Sinundan ko ang tinitingnan nito.
Doon ay nakita ko sila Russell. Kasama si Shayne at ilang mga kaklase. Agad kong iniwas ang mga tingin bago pa magtama ang mga mata namin ng binata.
Ako na ang magseserve ng bola ng mapatingin ako sa gilid ng aking mga mata. Doon ay nakita ko ang grupo nila Russell na hindi maintindihan kung nanonood ba ng practice o naisip lang nila doon mag-ingay at magdaldalan.
“Students, will you please minimize your voice? Can’t you see nawawala sa focus ang mga player ko dahil sa ingay na ginagawa nyo.”
Nakita kong may ibinulong si Shayne kay Russell na ikinatango lang ng binata bago umalis ito kasama ng iba pa nilang kaklaseng babae. Ngayon ay si Russell nalang ang nandoon kasama ng isa pang lalaking madalas kong makitang kasama niya.
Another water break ay napansin kong wala na si Bia sa kanina’y kinauupuan niya. Napatingin naman ako sa gawi na kanina din ay kinauupuan nila Russell pero wala na sila doon.
“Girls siguro bukas nalang ulit kayo magpractice. Mukhang malakas ang babagsak na ulan eh,” sabi ni coach sabay tingala sa langit.
Oo nga makulimlim pero hindi ba dahil mag aalas-singko na ng hapon?
Nagsipagtanguan nalang kaming mga players bago nagsipag- ayos ng kaniya-kaniyang gamit. Agad kong kinuha ang aking cellphone para sana tawagan si Bia para tanungin kung nasaan ito ng makitang nagtext pala ito sampung minuto na ang nakalilipas.
Jade nauna na ako sayo ha, bigla kasing nagtext si papa. May kailangan daw gawin sa bahay. Pasensya kana kung di ako nakapagsabi kanina ha. Nasa gitna kasi kayo ng magandang rally at focus na focus kayo sa laro. Sorry Jade bawi ako sayo. Labyuuu!
Iyon ang laman ng text ni Bia sa akin. Napagdesiyunan kong maglakad nalang dahil ayoko namang may makatabi ang ibang pasaherong pawisan ngayon katulad ko. Ngunit sa kamalas malasan nga naman nakakalahati ko pa lamang ang layo sa aming eskwelahan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Agad akong gumilid at hinanap sa aking bag ang aking payong. Mangiyak-ngiyak na ako dahil hindi ko talaga ito makita. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan nalang panandaliang mabasa sa ulan. Nagdadalawang isip tuloy ako ngayon kung magtatricycle nalang ba o ituloy pa rin ang paglalakad. Basa naman na kasi ako. At saka kaunting lakad nalang din naman ay bahay na namin. Sa huli ay napagpasyahan ko nalang pahupain muna ang ulan at sumilong muna sa nakita kong pinakamalapit na waiting shed.
Nakatungo ang aking ulo at pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay nang maaninagan ko ang pagpasok ng isa pang tao sa kinatatayuan ko. Awtomatiko naman akong gumilid. At hindi pa rin ako nagtataas ng paningin.
“Ang bilis mo naman maglakad. Hindi tuloy kita naabutan.”
Oo na. Boses mo palang alam ko na. Pero anong ginagawa mo dito at nakikisilong ka. Sa dinami daming pwedeng silungan bakit dito pa?
Pinaniwala ko ang sarili kong hindi ko siya narinig at nagpatuloy sa paglalaro ng aking mga daliri. Nang bigla niya akong hawakan sa braso.
Nakataas ang mga kilay at mukhang nagsasabing tanggalin-mo-‘yang-kamay-mo-kung-hindi-sasamain-ka-sa’kin ang agad kong pinakita kay Russell.
Ano na naman bang nakain ng isang ‘to at nagpi feeling close? Samantalang halos ilang linggo din kami hindi nagpansinan sa school at kahit sa bahay tapos biglang ganito? Out of nowhere gusto mo close ulit tayo?
“Sorry. Bakit ka nagpapaulan-”
“Naabutan ako ng ulan. Nakita mo bang inenjoy ko ‘yong ulan para sabihing nagpapaulan ako?” pagtataray ko sa kanya.
Ano ba kasi talaga? Close ba kami? In good terms ba kami noong huli naming pagkikita? Kasi pagkaka alala ko hindi eh.
“I mean bakit hindi ka nalang nagtricycle. Alam mo namang uulan-”
“Hindi ko alam at ano naman sa’yo? Bakit nandito ka pa? Kanina ka pa wala sa school ah. Nakakapagtakang hindi mo kasama buntot mo ngayon,”
Hindi ko alam kung nasesense nya ba iyong sarcasasm sa boses ko pero wala na akong pakielam. Bahala siya sa buhay nya at please bahala na ako sa akin.
“Who? Shayne? Sinabi ko sa kanyang may hinihintay ako. Eh nauna pa palang umalis ng school iyong hinihintay ko-”
“Okay share mo lang?” pambabara ko sabay tingin sa labas kung pwede na bang maglakad ulit dahil hindi na ako nasisiyahan sa presensya ng katabi ko.
“You know what Jade, hindi ka dapat nagpabasa sa ulan. Pawis ka dahil sa pagpapractice tapos hinayaan mo namang mabasa ka ng ulan-”
Hindi ko na pinatapos kung ano man ang sasabihin ng binate dahil wala na akong pakielam. Magsama sila ng buntot niya. Wala ba siyang magawa sa buhay at ako ang pinagdidiskitahan? Iniwan ko nga si mokong doon sa waiting shed.
Ilang minuto lang nanahimik ang mundo ko nang marinig ko na naman ang boses ni Russell na tinatawag ang pangalan ko. Bahala ka dyan. Mamaos ka hangga’t gusto mo.
Nang akala ko ay nakalayo na ako sa kaniya, siya namang hablot ng talipandas sa braso ko. Ulit! Naku po Russell Miranda! Kung hindi ka lang gwapo kanina ko pa nasapak iyang pogi mong mukha dahil sa yamot ko sa iyo.
“Kung ayaw mong alagaan ang sarili mo pwes ako nalang. Let me take care of you. I will take care of you Jade. Katulad noon. Na sana hanggang ngayon.”
Oo natanga nalang ako sa mga sinabi niya sinabayan ba naman ng yakap sa akin. Ako talaga nahihiwagaan na sa lalaking ito. Ganoon pa man masaya pa rin akong may kasama akong maglakad sa gitna ng ulan. Lalo na siya ang kasama ko.
Oo na sige na Russell. Papabayaan ko na este hindi ko na papabayaan ang sarili ko. Huwag kanang mag-alala.
Shems ang landi ko. Saan ba nanggaling ‘to?