bc

Nostalgic Romance

book_age18+
303
FOLLOW
1.6K
READ
dark
tragedy
comedy
twisted
serious
like
intro-logo
Blurb

Lallaine Mercado knew that loving a married man is a sin.

Ilan beses man subukan ni Lallaine na itama ang direksyon na tinatahak niya sa kaniyang relasyon, nauuwi pa rin siya sa pagsunod sa kaniyang puso. She would do whatever it takes just to be with her boyfriend, Gabriel, kahit pa kasal na ito sa iba.

Ngunit paano kung magbalik ang lalaking minsan niyang inibig, ang lalaking nagpakilala sa kaniya ng mukha ng tunay na pagmamahal. Si Nathaniel Marquez, ang kaniyang ex-boyfriend na ngayon ay kaniyang editor bilang manunulat.

She was convinced that she already forgot him, that their love story ended years ago. But Nathan didn't come just to say hello, but to open their very own book and start again from its first page, and remind her how it feels to be the main lead to her story, and not just the villain or the mistress.

Would she choose someone who knew what she deserves as a woman, or someone she love even it was a sin?

Maari pa nga bang maisulat sa bagong pahina ang kuwentong naiwala at nasira na ng panahon?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 Lallaine's POV "Hindi pa rin makapaniwalang napaawang ang labi ko. Pinanood ko siya habang unti-unting lumuluhod sa harapan ko, hawak ang singsing na may malaking bato. Nagsimulang mag-init ang mga mata ko habang ang puso ko ay parang ano mang oras ay sasabog sa sobrang kagalakan. 'Love,' he called me with his broken voice, I can see that he was about to cry like I do. 'I can't promise you a lot of things, I cannot give you the star, the sky, or to stop the rain whenever you want, because I'm just a simple person that really in love with you, and the man who wants to wait for you while you're walking at the aisle. The only thing that I can promise you is that I'll never stop loving you, never gonna hurt you. Love, please let me marry you, I will love you until my last breath-" "I said stop!" magkahalong tawa at pagkapikon ang ibinigay kong reaksyon kay Gabriel nang kunin ko sa kaniya ang laptop ko kung saan niya binabasa ang last chapter ng nobela na katatapos ko lang isulat. Ewan ko ba, sanay naman akong may readers na makabasa ng mga kuwento ko, pero huwag sa harapan ko. Lalo na 'yong mga sweet lines, nakakatakot na makitang nagc-cringe sila sa mga linyahan ko. Natatawang niyakap niya ako sa may likuran ko habang pareho kaming nakaupo sa puti niyang kama. Nandito kami sa condo ni Gabriel, ng boyfriend ko. Day off ko ngayon kaya ibinigay ko sa kaniya ang araw na ito. Sinakto ko talaga na kumuha ng day off ngayong Linggo para magkasama kami ngayong araw bago siya lumipad papuntang Italy bukas para sa trabaho. Buti na lang ay mabait ang boss ko sa bookshop café, kaya naman pinayagan niya ako kahit na usually ay Linggo niya pinaka kailangan ng tao dahil Linggo ang araw na dinadagsa ng customers ang bookshop, day off kasi ng karamihan. "Bakit ba ayaw mo sa akin ipabasa 'yan? Ayaw mo bang malaman ko ang dream wedding proposal mo? Dapat prepare ako kapag turn ko na." Halos matigilan ako sa ibinulong niya sa leeg ko, ngunit sinikap kong huwag mawala ang ngiti sa mga labi ko. Isinandal ko ang likod ko sa katawan niya habang sinasara ang laptop. "Ayokong mag-imagine ng wedding proposal, alam ko namang imposible." "Sa ngayon," segunda niya kaagad. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko para iharap ako sa kaniya. Pinagmasdan niya ako sa mga mata habang may masusuyong tingin. "Lallaine, sinabi ko naman sa 'yo na aayusin ko lang ang divorce paper namin ni Lou, tapos pakakasalan na kita." "Alam ko naman, pero ang tagal na kasi. Ano na bang sinabi ng lawyer mo?" Marahan niya akong hinalikan bago sumagot. Sagot na paulit-ulit ko nang naririnig. "Soon, matatapos din 'to." Inayos niya ang buhok ko paalis sa balikat ko. Masuyo niya iyong hinalikan doon kaya naibaling ko na lang ang ulo ko para bigyang daan ang halik niya. Apat na taon na kaming magkarelasyon ni Gabriel. We met at the bookshop, he's always there just to relax and to read some books. Na-hook siya sa isa kong novel na sa bookshop na pinagtatrabahuhan ko lang pini-print, hanggang sa binasa niya na lahat ng novel ko na nasa shelve. Isang araw ay nagulat na lang ako nang magpakilala siya sa akin, telling me how much he likes my novels. Hinanap niya pala ako sa boss ko kaya niya nalaman na waitress ng bookshop ang author ng binabasa niya. Mula sa araw na iyon ay naging magkaibigan kami. Hindi niya sa akin itinago ang pagkainteres niya sa akin. Isang araw ay namalayan ko na lang na tinutulungan niya na ako kapag nagkakaproblema ako, at na mahal ko na siya. Doon nagsimula ang relasyon naming dalawa. Everything seems right between us. Pakiramdam ko ay sobrang suwerte ko sa kaniya, a responsible man, hardworking. Idagdag pa na nagustuhan niya ako bago pa niya ako makilala nang personal. Liking me by my books means a lot to me, dahil pakiramdam ko ay nagustuhan niya ako base sa pagkatao o nilalaman ng isip at puso ko, hindi dahil sa maganda lang ako o dahil sa pisikal kong anyo. Until I planned to introduce him to my family, pero ayaw niya. That time ay inamin niya sa akin na kasal siya, at lagi siyang naroon sa bookshop para ilayo ang sarili niya sa reyalidad na tinatakasan niya. Ang sabi niya ay sobrang toxic na ng relasyon nila ng asawa niyang si Lou, dumating na nga raw sa punto na nakikipag-date na si Lou sa ibang lalaki. Alam niya pero para bang wala siyang karapatan na magreklamo. Ano pa man ang status ng pagsasama nila bilang mag-asawa ay kasal pa rin sila, kaya naman bandang huli ay hiniwalayan ko siya. Pero wala pa man dalawang linggo ay nilapitan niya ako para makipagbalikan. Doon siya nagdesisyon na makipaghiwalay na kay Lou. Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya ay tinanggap ko uli siya, at nangakong maghihintay hanggang sa maging legal ang hiwalayan nila at ang relasyon namin. Unfortunately, hindi naging madali. Isang fix marriage raw ang kasal nila ni Lou, kaya naman hindi madali na makipaghiwalay dahil sa merger ng family business nila ni Lou. Kaya hayan, umabot kami ng apat na taon na sekreto lang ang relasyon namin. Ayokong maging kabit, gusto kong magkaroon ng lalaking kaya akong ipagmalaki at ipakilala sa kahit na sino. Pero anong magagawa ko? Nagmahal ako sa may komplikadong relasyon at pamilya, at ang tanging kaya ko lang ay maghintay hangga't maayos niya ang dapat ayusin, hanggang dumating ang panahon na malaya na siyang mahalin ako. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo, magtrabaho ka na lang sa opisina ko, para hindi mo ako nami-miss. Edi sana kasama kita sa Italy." Pinigilan ko siya sa may panga niya kaya napatigil siya sa paghalik sa akin. Tiningnan niya ako sa mukha ko sa may mapupungay na mga mata. Ilan beses niya na akong inalok ng trabaho bilang sekretarya niya, para daw palagi kaming magkasama. Pero ilan beses ko rin iyon tinatangihan, at hanggang ngayon ay wala pa ring pagdadalawang-isip na umiling ako. "Gabriel, alam mong ayoko. Hindi ko kayang humarap araw-araw sa asawa't magulang ninyo nang hindi nakokonsensya, knowing na kabit mo lang ako-" "Shhh," he hushed me with his kisses. "Hindi kita kabit lang, Lallaine. Mahal kita, at lahat handa kong gawin makasama ka lang." Pinagmasdan ko siya sa mga mata. "Mahal din naman kita, lahat kaya kong gawin para sa 'yo, pero 'wag 'to. Hindi ko kaya na-" Hindi niya na naman ako pinatapos at muling hinalikan. "Kaya mahal na mahal kita, e. Napakabuti ng puso mo." Hindi ako nakasagot. Gusto man lumundag ng puso ko dahil sa paulit-ulit niyang pagpapahayag ng pagmamahal niya sa akin, hindi ko pa rin mapigilang maging malungkot, dahil alam ko na kasalanan pa rin ang relasyon namin. Kasalanan na mahal ko siya. *** "Uy, ngayon 'yong flight ni Papa G papuntang Italy, right? Hindi mo ba siya ihahatid?" tapik sa akin ng katrabaho at kaibigan kong si Layla. Magmula nang magtabaho ako sa bookshop ay nandito na siya, kaya naman siya na ang naging best friend ko. Idagdag pa na pareho kaming nagsusulat ng nobela kaya talagang magkasundo kami. Inilingan ko siya habang pinupunasan ko ang kamay ko gamit ang apron ko. Katatapos ko lang maghugas ng mga tasa habang siya ang tagapunas. Alas siete na ng gabi, kanina pa sarado ang bookshop. Tinatapos na lang namin ang mga ligpitin para makauwi na. "Hindi na, magkasama naman kami kahapon." Mabilis ang kilos ko habang nagliligpit. "Hmm, talaga ba? O baka kasi kasama niya si Wifey kaya ayaw mong magpakita?" Saglit akong natigilan pero kaagad ko rin ibinalik ang composure ko at umakto na parang wala lang. Bilang best friend ko ay alam niya lahat ng tungkol sa akin, including about my secret relationship with Gabriel. Alam niya kung saan kami nagsimula, at hindi niya ako ni-judge kahit nang malaman niya na itinuloy ko ang pakikipagrelasyon kay Gabriel kahit nang malaman kong kasal na siya. But it doesn't mean that she agreed. Siyempre para sa kaniya ay hindi na dapat, dahil ayaw niya akong magkaroon ng kasalanan bilang kabit, pero inintindi niya pa rin ako at ipinagpapasalamat ko iyon. At least kahit papaano ay naiibsan ang bigat sa dibdib ko dahil may napagsasabihan ako. "Siyempre, business meeting iyon kaya kasama niya ang asawa niya." "Eksakto! Hindi ka ba nahihirapan sa set up ninyo? Na bawal kang magpakita kapag nandiyan ang asawa niya, bawal kayong makita ng kahit na sino na magkasama. Pati kay Ate Pau, bawal," pagtukoy niya sa owner ng bookshop café. Ang alam nga lang ni Ate Pau ay regular customer lang si Gabriel kaya madalas siyang nandito. Umiling ako pagkaharap ko sa kaniya. "Layla, apat na taon nang ganito ang setup namin, sanay na ako." "Kailangan ba talagang masanay ka sa ganitong setup? Sa tagal ninyong naglalaro ng hide and seek, imbes na mapagod ay nasanay ka pa," iling niya. Tinikom ko lang ang bibig ko at itinuloy ang pagliligpit. Hindi ito ang unang beses na nag-realtalk siya sa akin. Sanay na ako. "Ewan ko sa 'yo, basta paalala ko sa 'yo, na mas masarap kiligin kapag hindi mo kailangang itago." Hindi na ako sumagot. Minadali ko na lang ang pagliligpit nang makauwi na. Ilang punas pa sa mga mesa ay natapos din kami. Iniwan na kami ni Ate Pau dahil may kailangang-kailangan daw siyang puntahan. Sa amin niya na iniwan ang spare key para kami na ang magsara ng bookshop. "Ano, tara uwi na tayo?" Kinuha ko muna ang cellphone ko. "Wait lang, titingin na muna ako ng email ko," ngisi ko. Siyempre sasamantalahin ko na ang free Wi-Fi. Nag-snap siya sa ere na para bang may naalala rin. Kinuha niya ang cellphone niya, para din mag-internet muna. Naramdaman ko ang pamimilog ng mga mata ko nang makita ko ang email ng kompaniya na pangarap kong mapasukan. Ang GotYou publishing. Three months ago ay nang ini-announced nila ang open submission for all the writers, at kami ni Layla ay hindi sinayang ang pagkakataon. We submitted our manuscript, at finally after months of waiting, mukhang heto na ang result. "Vakla! Nag-reply na ang GotYou sa akin!" Ngumisi ako at ipinakita ang screen ng cellphone ko. "Sa akin din!" maliit kong boses na sabi, sa sobrang excite ay parang gusto kong tumili. "OMG! Sabay natin buksan!" Tinanguhan ko siya. She count to 1- 3 saka namin iyon sinimulang buksan at basahin. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko habang binabasa ang mahabang mensahe ng GotYou publishing. Sa haba ng binasa ko ay isang linya lang ang tuluyang nakapagpatili sa akin. "Your novel is passed for evaluation!" Maski siya ay tumili, dahil doon ay nakuha ko kaagad na pareho kami ng resulta na nakuha. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa saya. GotYou publishing, finally, I got you! *** Nakasaad sa mensahe na natanggap namin galing sa GotYou publishing ay kung interesado pa kami na tanggapin ang offer ng GotYou publishing para sa novel namin, pumunta kami ng Wednesday 8AM, para sa ma-discuss ang contract na pipirmahan namin. Walang pagdadalawang-isip na nagpunta nga kami ni Layla nang magkasama. "Excited na ako!" aniya sabay kurot sa braso ko. Nasa elevator na kami paakyat sa floor kung saan namin imi-meet ang mga editors. "Ako rin. Sana hindi nila bilhin ang copyright natin." Sumimangot siya. "No negative thoughts muna, okay." Bumuntong-hininga ako saka tumango. She's right, no negative thoughts. Nang pabukas na ang lift ay ngumiti kaagad ako bilang pagsalubong sa kung sino mang naghihintay sa amin. Ngunit naiwan sa ere ang ngiti ko nang isang mukha ang bumungad sa amin pagkabukas ng lift. His dark eyes, dark eyebrows, pointed nose na bumabagay sa perpektong hugis ng kaniyang mukha. Hindi makapaniwalang naiawang ko ang bibig ko. Why is he here? Why is Nathan here? Bakit nandito ang ex-boyfriend ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook