Chapter 15 Lallaine's POV "Grabe, busog na busog ako. Buti pinayagan tayo ni Ate Pau na hapon na pumasok, ano? At least nakatikim tayo ng masarap at mahal na libre," ani Layla, hawak pa ang tiyan niya habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Ako ay tahimik lang sa tabi niya habang hawak ang magkabila kong siko. Tapos na ang lunch namin kasama ang mga kasamahan namin sa GotYou Publishing, hindi na rin namin kailangan bumalik sa building kaya hindi na kami sumama sa kanila pabalik. Isa pa, kailangan na rin namin pumasok sa trabaho. Mabuti na lang at suporta si Ate Pau sa amin, kaya naman nang magpaalam kaming magha-half day kami para sa signing schedule namin ay pumayag siya. Nag-insist pa sila Joshua na ihatid kami, pero tumanggi na kami dahil out of the way na, mapapalayo pa sila sa

