Chapter 48 Lallaine's POV "Aalis na pala si Tan, pero bakit parang hindi ka nagulat?" tanong sa akin ni Layla habang pareho kaming naghuhugas ng kamay sa sink ng restroom. Tapos na ang dinner at mag-excuse si Layla na mag-restroom muna bago tumuloy sa pag-uwi. Sinamahan ko na dahil ayaw niyang mag-isa. Ang ilan sa mga kasama namin kanina ay nagpaalam at nakaalis na rin. Iilan na lang kaming natira. Umalis kami roon ay nagkukuwentuhan pa ang ilan sa kanila sa table, habang kami ay balak nang umuwi. Isa si Nathan sa hindi pa umuuwi, at gusto ko nang mauna bago pa kami tuluyang kumonti dahil masyado nang halata kapag iniwasan ko pa siya. "Binanggit niya na sa akin ang tungkol diyan sa promotion," sabi ko habang nakatingin sa kaniya sa salamin. Mahina lang ang boses namin dahil hindi lang

