Chapter 8

1643 Words

Chapter 8 Lallaine's POV Panay ang tingin ko sa orasan. Alas seis na nang hapon at late na ako sa oras na ibinigay sa akin ni Nathan. Actually, dalawang oras na akong late. At hindi ko alam kung hinihintay pa ba niya ako. Nag-text ako sa pinangtawag niya sa akin kagabi na male-late ako ng dating, pero hindi naman siya nag-reply. Hindi ko tuloy alam kung may aabutan pa ako. "Lallaine, may lakad ka ba?" Napatingin ako kay Ate Pau nang bigla siyang nagsalita sa may likuran ko habang naghuhugas ako ng mga plato. "Napansin ko kasing kanina ka pa tumitingin sa orasan." Bumagsak ang balikat ko. "Ate Pau, tinawagan po kasi ako kahapon ng magiging editor ko. Nakikipagkita po siya sa akin ngayong hapon." Tumagilid ang ulo niya. "Hapon? E, gabi na?" Alanganin akong tumango. "'Yon na nga po."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD