Chapter 28 Lallaine's POV Napamulat ako ng mga mata nang bigla na lang may tumunog na sa tingin ko ay alarm. Pakiramdam ko ay pumikit lang ako, hindi nga yata talaga ako nakatulog. Pagkabslik ko kagabi sa kuwarto ay hindi na nawala sa isip ko si Nathan. The way he spoke to me with sincerity. Hindi tuloy ako nakatulog. Sa maigsing pag-uusap na iyon ay pakiramdam ko nayanig na naman sniya asng mundo ko, napatibok niya na naman ang puso ko. Kailangan ko na talagang kitain si Gabriel nang sa ganoon ay bumalik na lang ang lahat sa dati. Baka kaya ako nagkakaganito ay dahil hindi kami stable ngayong dalawa ng boyfriend ko. Bumangon na ako at nilingon ang bedside table para hanapin ang nag-a-alarm. "That's mine, sorry." Napatingin ako kay Nancy na nasa kabilang dulo ng kama, ipinakikita niya

