Chapter 31 Lallaine's POV Panay na ang hikab ko dahil sa antok. Siguro kung nakatulog ako kahapon ay baka kaya kong tapusin ito buong magdamag, kakayanin kong magpuyat. Ang kaso ay halos wala pa akong tulog. Idagdag pa na nakakaantok dito sa office dahil malamig. Para tuloy gusto ko lang magtalukbong ng kumot at matulog. Pero hindi puwede, kailangan ko itong tapusin hanggang bukas. Deadline ko na sa isang araw at may trabaho pa ako bukas. Ngayong gabi at bukas ng gabi lang ang tanging oras ko para matrabaho ito. Ang kaso ay pumipintig na ang ulo ko, at alam kong dahil iyon sa puyat. Tiningnan ko ang tasa ng kape na ibinigay sa akin ni Nathan. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon sa kabila ng sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay alam niyang kailangan ko iyon dahil nang hindi ko na nat

