Chapter 28 " THE ORDER "

1050 Words
Gaya ng dati ay maagang nagising si Noel,halos ganoon palagi ang kanyang gising at wala pang alas kuwatro ng umaga ay gising na siya at magkaminsan ay nauunahan pa niya ang alarm clock na isini-set niya lalo na pag may importanteng bagay siyang dapat lakarin.Dagli siyang bumangon para makapag stretching at mag-push up at gawin ang araw araw nitong exercise.Kailangan niyang panatilihin ang kanyang malakas na pangangatawan.Noong nasa America pa siya ay hinikayat siya ng kanyang bestfriend na sumali sa isang martial arts combat at doon niya natutunan ang ibat ibang uri ng technique ng pakikipaglaban gamit lamang ang mga kamay at Paa.Nang matapos niya ang training sa gym ng kanyang bestfriend ay lalo siyang nagkainteres na mas palawakin pa ang kanyang kaalaman sa self defense na may kasamang pag atake.Pinag aralan din niya bukod sa boxing at kickboxing ang Greco Roman Wrestling,Brazilian jiu-jitsu, Taekwondo,at pati narin ang arnis o eskrima.Lumaban na rin siya ng dalawang beses sa isang ring battle na nahahawig sa sikat ngayon na One Championship at UFC.Subalit naudlot iyon dahil sa biglaan niyang pagkakadiskubre sa kanyang lihim na pagkatao.Ngunit bago pa siya natuto sa mga mixed martials Arts ay una muna siyang nag aral ng paghawak ng mga deadly weapon katulad ng ibat ibang uri ng baril dahil noong bata pa siya ay hilig na niyang maging isang sundalo o isang pulis.Kaya ng pumasok siya sa kursong Criminology sa kanyang bansang sinilangan ay hindi na siya nahirapan bagkus ay lagi siyang nangunguna sa mga physical and mental exams. Pagkatapos niyang maisagawa ang kanyang daily routine na mga exercise ay saka siya bumaba ng kanyang kuwarto at sumilip muna sa silid ng kanyang ina na mahimbing parin na natutulog.Minabuti niyang mag-shower muna habang basa pa ang kanyang katawan sa pawis.Pagkatapos niyang maligo ay kaagad siyang nagpalit ng mga damit pambahay at saka nagtungo sa kusina para kumain ng paborito niyang cereals na hinahaluan niya ng gatas at mga prutas.Naisip din niyang ipagluto mamaya ang kanyang ina ng isang masarap na sopas na mas madali lang niyang nguyain at mabilis din niyang i-digest.Nangalahati na siya ng kanyang kinakain ng biglang tumunog ang kanyang cellular phone.Rumihistro doon ang pangalan ni Attorney Salazar.Kaagad siyang lumabas ng bahay ay nagtungo sa medyo may kalayuan na sapat na hindi siya maririnig ng kanyang ina. " Oh good morning Noel mabuti naman at gising kana, kumusta ang ipinapaayos ko sayo okay na ba? " tanong sa kanya ni attorney Salazar. " naayos ko na po sir yung 7 video's at na edit narin namin ni Bernard,pero yung huling 3 babae ay sa susunod na Linggo na namin tatapusin para makumpleto na namin ang mission 10 " paliwanag ni Noel. " Very good, sige mamaya kung wala kanang masyadong ginagawa ay i-send mo sa akin ang files ng mga videos na yan sa aking computer dun sa dati kong account and remember na walang makakaalam nito kahit na ang mommy mo, napaka confidential nito Noel at kung mananatili ka lang sana sa panig namin ay hindi lang milyon ang matatanggap mo kundi bilyones at maaari moring dalhin sa America ang iyong mommy upang doon mo na siya ipagamot, I'm sure sa tulong ng mga moderno at advanced technology sa ngayon ay madali nalang nilang gawan ng paraan ang mga minor injuries ng iyong ina at pagdating naman sa mga major surgery ay bahala na ang pera na gawin ang kanyang kakayahan.Wala ng imposible sa ngayon Noel kung gusto mong maibalik kahit papaano ang hitsura at health security ng iyong ina Noel ay kailangan mong magmadali dahil kailangang kailangan ng mommy mo ang agarang operasyon dahil sa kanyang lumalalang karamdaman at kung gusto mo pa siyang mabuhay ng matagal ay gawin mo na ng mas maaga ang iyong misyon tutal naman ay halos dalawang bagay narin ang naidulot nito sayo,UNA magkakaroon ka ng maraming salapi para maipagamot mo ang iyong ina sa ibang bansa at PANGALAWA ay maipaghihiganti mo na rin ang sinapit ng iyong mga magulang at mga mahal sa buhay." sa pangalawang pagkakataon ay muling napatingala sa langit si Noel pero wala na doon ang mga bituin na nakita niya ilang oras lamang ang nakakaraan at ang kanyang nasumpungan ay ang unti unting pagliliwanag ng kalangitan. " Noel nandiyan ka pa ba? naririnig mo ba ang mga sinasabi ko? " tanong ni Attorney Salazar. " Opo attorney narinig kong lahat ng mga sinabi mo? " mahinang tugon ni Noel. " tandaan mo lagi ang mga napag usapan natin Noel kailangan ay bago matapos ang buwan na ito ay kailangan mong makumpleto ang mission 10 dahil pagkatapos nito ay saka pa lamang natin makukuha ang kabuoang komisyon na manggagaling sa nakakataas at gaya rin ng aking ipinangako sayo Noel na ako ang magiging abogado mo para buksan muli ang kaso ng mga Domingo,napaka laki ng edge natin para ipanalo ang kaso dahil nasa akin ang karamihan sa mga ebidensya na magpapatunay sa mga taong involved sa pagpatay sa iyong sa pamilya." mahabang paalaala ni Attorney Salazar. " Opo sir malinaw ko pong naintindihan ang inyong mga sinabi." maikling tugon ni Noel. " Sabihan mo rin ang mga bata mo diyan na magiingat sila dahil naka-timbre na sa lahat ng kapulisan at maging sa NBI ang mga cartographic sketches ninyong dalawa.Pero sa susunod na Linggo ay kailangan niyong muli na magsagawa ng operasyon,bahala na kayo kung papaano niyo iyon gagawin basta ang mahalaga ay huwag mapurnada ang operasyon natin sa mga epektos habang abala ang mga awtoridad sa pagiimbestiga sa mga itatapon niyong bangkay maliwanag ba Noel? " mahabang tagubilin ni Attorney Salazar. " Opo sir maliwanag pong lahat ng mga sinabi niyo at ako na po ang bahala sa mga bata para paalalahanan sila." magalang na tugon ni Noel alyas Ace 1.Tuluyan ng pinutol ni Attorney Salazar ang kanyang tawag.Minabuti namang bumalik ni Noel sa may kusina upang ituloy ang kanyang planong pagluluto ng masarap na sopas para sa kanyang ina.Habang kanyang inihahanda ang lahat ng rekado sa kanyang lulutuing sopas ay muli na namang nanariwa sa kanyang ala ala kung papaano siya napasok sa ganoong sitwasyon na wala nang atrasan.Ipininta na rin niya sa kanyang isipan na iyon na lamang ang nalalabing paraan para maihayag niya sa buong sambayanan ang kanyang mga sentimiyento sukdulang may mga inosenteng tao na madadamay bilang collateral damages.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD