Matapos i-park ni Noel ang kanyang sasakyan ay saka niya binitbit ang kanyang mga pinamili at inilagay niya iyon sa may stock room na nasa ibabang bahagi ng bahay.Mayroon itong isang stairway paakyat sa May terrace kung saan naroon ang kanyang ina.
" Salamat naman Noel at bumalik ka kaagad,kumusta naman ang sinasabi mong nilalakad mong importante? " tanong sa kanya ni Mrs.Galathea.
" tapos na mommy " nakangiting sabi ni Noel.
" teka ano ba yung sinasabi mong importanteng bagay na nilalakad mo puwede ko bang malaman? " matiyagang naghintay ng tugon ang kanyang ina.Saglit na nag isip muna si Noel bago ito nakapagbigay ng dahilan sa madalas niyang pag alis sa bahay.
" yung una ay tapos pero yung iba ay on going ko pang inaasikaso " paiwas na sabi ni Noel.
" ano namn yung una na natapos mo ng gawin Noel? " muling usisa nito sa kanya.
" dumalaw po ako ulet sa KSKF mommy at nagbigay ako ng kaunting donasyon para sa mga bata at sa KSKF management " iyon nalang ang naisip nitong idahilan sa kanyang ina na labis naman nitong ikinatuwa.
" talaga Noel? naku napaka gandang balita niyan para sa akin Noel I'm sure tuwang tuwa ang mga bata at sina sister Marietta at sis Emily." masayang pahayag ni Mrs. Galathea.
" Oo mommy sobrang saya ng mga bata at ayaw pa nga akong paalisin ng mga iyon eh pero nangako ako na muli akong babalik doon at ipagsasama kita mommy alam kong miss na miss Kana rin ng mga iyon " bukal sa puso na nasabi iyon ni Noel.Lalong napangiti ng maluwang ang kanyang ina sa mga huling ibinalita sa kanya ni Noel.
" eh si Jenny nagkausap ba kayo? nami-miss ko na rin ang batang yun " dama ni Noel kung gaano kahalaga para sa kanyang ina si Jenny.
" wala siya doon mommy at ang sabi ay may importanteng bagay din daw siyang nilalakad " nalungkot si Mrs. Galathea sa ibinalitang iyon ni Noel.
" huwag kang mag alala mommy dahil sa susunod na punta ko doon na kasama ka ay makikiusap ako sa kanya na kung puwede ay sumama rin siya dito sa bahay para siya'y makapag bakasyon dito na kasama mo kahit mga 3 araw." pahayag ni Noel na sa totoo lang ay hindi niya iyon pinagplanuhan dahil kusa na lamang itong lumabas sa kanyang bibig.
" talaga Noel naku sana pumayag siya miss na miss ko na ang batang iyon parang nanay narin kasi ang turing sa akin ni Jenny at siya ang palaging tumutulong sa akin para hindi ako mawalan ng pag asa ng mga time na very hopeless na ang mommy mo." pilit namang iniba ni Noel ang tema ng kanilang usapan dahil ayaw din niyang makita siya ng kanyang ina na malungkot din siya dahil sa hindi niya nakita at nakausap si Jenny.Minabuti rin ni Noel na huwag na niyang banggitin ang tungkol sa pagbibigay nito ng liham kay Jenny.
" mommy hindi ka pa ba nagugutom? tara sa may kitchen at ipagluluto kita ng paborito mong kare kare " nakangiting sabi ni Noel sabay hawak sa handle ng kanyang wheelchair at maingat niyang dinala ang kanyang ina sa may kusina.
" naku namana mo naman ang husay mo sa pagluluto sa lola mo at yun ang nagustuhan sa kanya ng lolo mo dahil naniniwala sa kasabihan ang lola mo na ' a way to a man's heart is his stomach ' at kahit hindi nag aral ang lola mo ng culinary arts at pagluluto ay love na love daw niya ang pagluluto simula pa raw ng dalaga siya " masayang kuwento ni Mrs.Galathea.Marami pang ikinuwento sa kanya ang kanyang ina habang siya ay abala sa pag prepare ng kanyang lulutuin.Matapos naman siyang magluto ay siya narin ang nagpakain sa kanyang ina bagay na labis na ikinaliligaya ni Mrs.Galathea.
" kumain ka ng marami mommy para medyo tumaba ka naman." napapangiti si Noel habang sinusubuan nito ang kanyang ina na medyo hirap din sa pag nguya ng pagkain dahil sa pagkakadikit ng kanyang balat sa baba nito at leeg.
Matapos niyang pakainin ang kanyang ina ay siya naman ang kumain at nilantakan niya ang mga natirang pagkain sa may lamesa pati narin ang hindi naubos ng kanyang mommy sa kanyang plato.Natuwa ang kanyang ina ng maalala niya ang kanyang papa na hindi nandidiri na kainin nito ang mga tirang pagkain sa kanyang plato.Masaya niyang pinagmamasdan si Noel habang ito'y maganang kumakain.Matapos silang kumain ay dinala niya ang kanyang ina sa may sala at doon sila muling nagkuwentuhan tungkol naman kay Jenny hanggang sa unti unti nang dumilim sa kapaligiran.Ipinasya niyang buhatin na lamang ang kanyang ina ng mapansin niyang nakatulog na pala ito sa kanyang wheelchair.Maingat niyang binuhat ang mommy niyang mahimbing ng natutulog at dinala niya ito sa kanyang silid at ipinahiga iyon na parang baby.Matagal niyang pinagmasdan ang kanyang ina bago siya lumabas sa kanyang silid at magtungo naman siya sa isa pang silid sa upper floor kung saan naman siya namamalagi.
Nakasanayan na ni Ace 1 na uminom muna ng imported na alak na kanyang binili para madali siyang dalawin ng antok.Habang siya'y nasa upper floor ay tanaw niya sa may bintana ang napakaraming bituin sa kalangitan at iyon ang katibayan na maaliwalas ang panahon.Napasandal siya sa may pasamano ng bintana ng makaramdam na siya ng pagkahilo at pagkaantok.Dahan dahan siyang humakbang patungo sa kanyang kama at pabagsak na inilapat nito ang kanyang pagal na katawan ngunit bago siya tuluyang igupo ng pagka antok ay muli niyang naalala ang mga nakaraan na sa tuwina'y nagbibigay sa kanya ng matinding kapighatian...
' Mr. Casablanca inaamag na ang kaso ng mga Domingo na gusto mong buksan ulit almost 30 years na itong nakatiwangwang,napaka imposibleng pagbigyan pa ng korte ang hinihiling mo sa akin...attorney Dominguez please lang pakiusap tulungan mo akong mabuksan ulit ang kaso magbabayad ako kahit magkano...Mr.Casablanca I don't know what to say pero ang hinihiling mo ay isang practice of futility at magsasayang kalang ng pera at panahon I'm so sorry pero hindi kita matutulungan sa bagay na yan subukan mo nalang ilapit yan sa ibang abogado malay natin baka may pumatol pa sa ganyang usapin na matagal ng nakabinbin...atty.Sanchez baka maaari mo akong matulungan na muli nating buksan ang kaso ng mga Domingo...what? the Domingo case? baka pagtawanan lang ako ng aking mga panyero kung papatulan ko iyan sorry pero marami pa akong ibang gagawin...attorney Villania please help me please? let's try to open the case of the Domingo I'm sure makakaya mo itong gawin dahil magaling kang abogado...sorry Mr. Casablanca but I advised you not to exaggerate things eh kumbaga sa patay ay buto na lamang ang natira mahirap na itong buksan pa lalo na ngayon at nalalapit na naman ang election mas priority naming mga abogado ang mga mas madadali at interesting na mga kaso...sorry ...please attorney Romero...please attorney Salazar...pasensiya na iho sa iba nalang marami pa akong nakatakdang ibang mga appointment kung gusto mo ay sa susunod na dalawang buwan baka sakaling maisingit ko yang sa iyo "...may tumulong luha sa gilid ng mga mata ni Noel pero ayaw parin siyang dalawin ng antok.Patuloy parin siyang ayaw patahimikin ng mga nakaraan...
" I'm so sorry Mr.Casablanca pero wala akong magagawa kundi i-let go muna kita sa ngayon, i know you have a lot of the potential na maging isang magaling na detective pero sa ngayon ay isa lamang ang aking kailangan at si detective Allen Mendoza ang napili ko bilang katuwang ko sa aking privately owned company na aking itinatag. " paliwanag sa kanya ni detective Leumas Nugas.
" why don't you try me first before you put me down sir Nugas? " pagsusumamo ni Ace 1 sa iniidolo niyang detective.
" I'm not putting you down Mr.Casablanca but my decision is final si Allen ang napili ko para sa kauna unahan kong makakatuwang sa aking team. But who knows baka sa susunod na pagkakataon ay mabigyan ka rin ng magandang opportunity na katulad ng nararanasan din ng iba pang aplikante na katulad mo...Congratulations Detective Allen dahil ikaw ang napili ni Detective Nugas over me and above me...but before I go Allen just a piece of advice...huwag na huwag kang pipikit sa harap ng iyong kaaway not even a seconds or the blink of an eye,hindi pa ito ang huli nating pagkikita Allen goodluck sa'yong bagong career "...
tuluyan ng ipinikit ni Noel ang kanyang mga mata hanggang sa unti unti na rin siyang nakatulog.