Wala ring maisip na ibang madaling paraan si Ace 2 kung hindi ang sumang- ayon sa suhestiyon ni Ace 3 na sirain na lamang ang pintuan. Naramdaman naman ni Deniece ang mga yabag ng isang tao na papalapit sa kanyang kinaroroonan.Agad siyang puwesto sa may gilid ng pintuan at inihanda ang sarili sa kanyang posibleng pag atake. Naisip niyang wala siyang ibang choice kundi ang lumaban upang ipagtanggol at iligtas ang kanyang sarili sa tiyak na kapahamakan. Dinig na dinig pa nito ang pamilyar na tunog habang isinusuot ang susi sa isang padlock. Maya maya ay binubuksan na ng may ari ng mga yabag na iyon ang pintuan at anumang oras ay maaari na siyang malagay sa isang mapanganib na sitwasyon lalo't walang kasiguraduhan na hindi armado ang taong gustong pumasok doon at kung mayroon din itong tagla

