Binuhat ni Ace 2 ang lupaypay na katawan ni Deniece sa isang silid kung saan nila inilagak noon ang mga naunang biktima na sina Raimee anne Valdez. Tiniyak niyang hindi na siya makakawala pa dahil ginamitan na niya ito ng posas sa kanyang mga kamay. Nagawa din niyang bendahan ang tinamo niyang sugat dahil sa intentional niyang pagbaril dito. Batid din niyang kailangan niyang magpaliwanag kay Ace 1 tungkol sa nangyari at umaasa siya na maiintindihan niya ang kanyang nagawa dahil sa hindi maiiwasang dahilan. Iniwan ni Ace 2 si Deniece na wala paring malay at pinuntahan naman nito ang kinaroroonan nina Ace 3 at Ace 4. Tumahimik na rin sa malakas na pagsigaw si Ace 4 dahil sa itinurok ni Ace 3 na isang gamot na pampa kalma hanggang sa unti unti narin itong nakatulog. Naampat narin ang walang

