True to the caller's word ay tinotoo nito ang kanyang pagtawag pagkatapos ng limang minuto and this time ay si chief inspector Geoffrey Dela Cruz na ang kanyang kausap. " hello ?..." kaagad na nagregister ang tawag sa tracking device. Walang nangahas na lumikha ng ingay at tanging si Dela Cruz lang ang maririnig na nagsasalita sa matahimik na looban ng kanilang departamento. " alam ko kung nasaan ang hideout ng mga Casanova sir " pahayag ng isang tinig ng lalaki na walang anumang ginamit na AI voice over para ibahin ang register ng kanyang boses. " sabihin mo sa akin kung nasaan ang kanilang hideout kung ganun? " mariing sabi ni Dela Cruz. Saglit na katahimikan... " gusto ko lang pong matiyak kung totoo po yung reward...sa taong makapagtuturo sa kinaroroonan ng grupo ng Casanova sir ?

