Nagsanib puwersa ang taskforce Alpha at Charlie upang puntahan ang lugar na itinuro ng caller. Mabilis naman nilang natunton ang luma at abandonadong simbahan. Pinaligiran ng mga alagad ng batas ang perimeter ng lugar upang tiyakin na walang makakalabas sakaling tangkain ng sinumang naroon upang tumakas.Pinangunahan ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz ang pagpasok sa loob ng abandonadong simbahan kung saan umano nagkukuta ang mga miyembro ng CASANOVA. Dumaan sila sa gilid ng tuyo at dambuhalang puno ng acacia na nakatimbuwang sanhi marahil ng mga nagdaang bagyo at dahil narin sa katandaan ng puno kaya bumigay na ito ng tuluyan.Nasa likuran naman ni insp. Dela Cruz ang tatlo pa nitong kasamahan habang sina Allen at Freda naman ay nasa hulihan.Nang makarinig sila ng mga ingay na nagmumula

