Ipinatawag ni Chief inspector Geoffrey Dela Cruz ang kanilang pinaka mahusay na Police Sketch Artist upang kanyang iguhit Ang hitsura ng nagngangalang Ace De Jairo at ng kanyang driver sa tulong ng dalawang security guards ng disco Rama na huling nakakita sa mga hinihinalang suspects na responsable sa pagdukot at pagpaslang Kay Ms. Sandra Ferrer. " okey sino sa inyong dalawa ang mangunguna sa pagbibigay ng descriptions sa mga lalaking nakita niyo na kasama nina Ms. Ferrer at Ms. Verzeles, umpisahan muna natin kay Ace De Jairo...ano ang masasabi niyo sa shape ng kanyang mukha pabilog ba o pahaba? " tanong sa kanila ng cartographer. " medyo pahaba ang hugis ng kanyang mukha sir " sagot ng isang security guard na siyang pinag abutan ni ace 1 ng 5k ng magtungo ang mga ito sa Disco Rama. "

