Walang sinayang na oras ang dalawang detective at kaagad na natunton nina detective Allen ang bahay ng kaibigan ni Sandra na si Sunshine aka Maui Teller. Matapos nilang magpakilala sa mga nakatalagang bantay na guwardiya ay kaagad silang sinamahan ng isa sa mga roving guard sa tahanan nito,medyo pinag kaguluhan pa ng ilang residente na kasalukuyang naroon ang dalawang detective dahil sa taglay ng mga itong katangian na animoy mga artista na kasamahan ni Maui Teller na bumibisita sa kanila.Palibhasa ay naka-sibilyan lang ang mga ito na nagtungo doon.Maayos din silang tinanggap sa tahanan nina Sunshine subalit nakiusap ang kanyang mga magulang na kung maaari ay sila na lang muna ang kanilang kausapin at nangako naman sila na sa sandaling bumuti na ang kalagayan ng kanilang anak ay saka nila

