Muling tumanggap ng tawag si Detective Allen Mendoza buhat kay CASANOVA at ipinabatid nito ang kanilang ginawang pag ataki at kung saang lugar nila itinapon ang kanilang biktima.Halos mapaluha sa galit si Allen habang isinusulat nito ang magkakaibang location na isa isang sinabi ng caller. Nang matapos ang caller sa kanyang mga sasabihin ay kaagad na ini-off na nito ang tawag.Laking pagsisisi ni Allen kung bakit hindi nila napaghahandaan ang mga tawag na iyon ng grupo upang ma locate sana nila kung saan ang eksaktong hideout nito. Kaagad niyang ini-screenshot ang mga lugar na kanyang isinulat sa kanyang notepad at kaagad na ipinadala niya thru messenger Kay chief inspector Geoffrey Dela Cruz. Agad na nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga lugar kung saan idinispose umano ang mga bangkay ng bik

