Walang magaakala na ang tagong lugar kung nasaan ang pinaka hideout ng CASANOVA ay hindi naman gaanong malayo sa mismong tanggapan ng Makati City Police Station at may distansya lamang ito na humigit kumulang na isang kilometro. Wala pang isang Oras ay nakasapit na sina ace1 at ace3 sa kanilang pinaka hideout at napansin nila na naroon narin ang kotseng ginamit nina ace2 at ace4 palatandaan na nauna na silang dumating doon. Nalalanghap narin ni ace3 ang paborito nilang meryenda sa tuwing may kinukuha silang sweetheart- victim ng mga ganoong oras.Ito ang especialty ng kanilang pinuno na itinuro sa bawat isa sa kanila kung paano ito lutuin ang special lomi with egg and garnish.Nang marinig naman ni ace4 ang ugong ng kanilang sinasakyan ay kaagad niya silang pinagbuksan ng gate. Kaagad na bi

