Panahon na ng bagyo kaya sunod-sunod ang dating ng malalakas na bagyo katulad ngayon. Halos walang tao sa beach dahil malalakas ang hampas ng alon mula sa dagat. "Filarosca, may tao doon sa cottage. Kilala ka raw, puntahan mo kasi ayaw umalis eh," saad ng gwardya ng hotel sa akin. "Ha? Bakit ayaw umalis?" Nagkibit-balikat muna ang gwardya bago ako sinagot. "Gusto ka raw makausap. Ewan ko ba. Puntahan mo na doon bago pa malaman ng manager," pagkumbinsi niya sa'kin. Feeling ko si Marco ang nandoon kaya madali ko itong pinuntahan. Ang tigas ng ulo. Pinagsabihan na siya ng isa sa mga gwardya na umalis dahil malakas ang alon sa dagat at posibleng umabot sa mga cottage. Hinahanap ko siya sa mga cottage. Mabuti na lang kakatapos lang ng shift ko. "Marco!" tawag ko sa kanya. Basang-basa na tu

