Simula noong pumayag ako magpakasal kay Marco ay bumabawi siya sa akin sa mga araw na hindi kami nagkaintindihan. Dinadalhan niya ako ng lunch o minsan sinasabayan akong kumain sa lunch break. Katulad ngayon na nag-half day ako sa trabaho dahil day off ko naman bukas kaya nagpunta kami sa mall para sa rush shopping. Mabuti na lang hindi ako naka-schedule sa salubong ng pasko kaya may pagkakataon ako na mag-celebrate kasama sina Marco. Nagdesisyon kami na sa bahay na lang ni Manang Sabel magpasko dahil malaki rin naman ang space sa garden nito. Inabutan na kami ng gabi sa daan dahil sa dami ng tao na naghahabol rin makabili ng regalo sa pasko at ngayon stuck kami sa traffic. First time ko naranasan ang ganitong traffic na halos hindi kami umuusad. Halos nakatingin na lang ako sa rel

