I woke up on the wrong side of the bed—I felt troubled and exhausted. I couldn't sleep last night. My anxiety is kicking in again. Someone knocked at the door. I don't expect any visitors today.
Manang Sabel just came back from Manila and she heard about what happened last week. She gave me three days off since she's planning to assign me to other tasks—well at the reception area.
"Linea, wake up!" The voice seems familiar.
Tumayo ako para pagbuksan ang tao sa labas. Hindi ko na inisip kung ano ang itsura ko ngayon. I just want to have a peaceful day off.
"Are you sure she's safe here?"
"Is this her room?"
Nakarinig ako ng bulungan sa may pintuan bago ko ito buksan. Nakaramdam ako ng kaba nang mapagtanto ko kung sino ang mga ito. What the hell are they doing here? Pagbukas ko ng pinto ang gulat kong mukha ay napalitan agad nang pagtataka na may halong inis.
"Hi, Ice—este Linea! Hehe." Tawag pansin ni Mary Anne sa'kin. Hinila ko naman agad sila para makapasok sa kwarto ko.
"Lizel, what's happening?" tanong ko sa best friend ko na kasunod lang ni Mary Anne. Nalla is here too but she's observing the room.
"I'm sorry? We missed you na kasi! Don't worry sinabi ko na sa kanila kung ano ka rito," sagot ni Lizel. Sumasakit ang ulo ko. What if my parents would find out where I am hiding?
"Hindi naman malalaman ng parents mo kung nasaan ka. We took different flights," sambit ni Nalla nang mapansin ang paglalim ng iniisip ko.
Kumindat pa sa akin ito na akala mo nakakatuwa ang ginawa nila. Humiga ako sa kama at itinakip na sa mukha ko ang unan para makalma ang kaba sa puso ko. "What do you mean different flights?" tanong ko.
"Lizel took the flight last monday and stayed at the Clark for over a night— while me and Maan took the flight at the following day but we landed in Davao first, and then got another flight going to Manila. We just met the other day in Clark—"
"—and we're here na! galing namin 'di ba? We can't be traced by your parents." Naputol ni Mary Anne ang mahabang explanation ni Nalla.
"Linea? Are you awake?" Napataas ako ng kilay nang may kumakatok na naman sa pinto. Hindi ba ako mauubusan ng bisita ngayon? I just want to rest!
"Who is that?" malakas na sigaw ko. "It's Marco."
Mabilis na lumingon sa akin ang tatlong babae na tila nagtatanong ang mga mata nila kung sino ang dumating. Inirapan ko lang sila at tumayo para puntahan ang lalaking nasa pinto.
"Goodmorning, Marco. Do you need anything?" tanong ko rito. Napasilip ito sa kwarto ko at nakita niya ang mga kasama ko.
"I'm about to ask you out— sa may palengke. Hindi ko alam na may mga bisita ka pala. I'm sorry to bother you girls." Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam gagawin sa mga kaibigan ko. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader. It's just 7am.
"Samahan na kita. Kakarating lang naman nila baka pagod sila." He gave me a warm smile after I said that.
••———————••
Binalikan ako ni Marco matapos niya magpunta sa restaurant para kunin kay Manang Sabel ang mga kailangan niyang bilhin sa palengke.
"Hey, okay ka lang? You look confused?" tanong ni Marco sa akin pagkababa namin sa mini jeep. I can't imagine na ganito pala itsura ng palengke.
"A-Ah haha— akala ko sa super market tayo pupunta," sagot ko.
"Wait— first time mo lang ba magpunta sa palengke? This is a wet market, Linea." Halata ang pagpipigil ni Marco na pagtawanan ako.
"Whatever." Napairap lang ako sa kanya sa huli.
Habang namimili sa palengke ay hindi ko maiwasan mag-inarte dahil maputik ang daanan at tumatalsik ito sa aking binti. Hindi rin maiwasan ang bungguan dito sa loob at napakaingay. Ano ba 'to? Gusto ko nang makaalis.
"Hey, watch out!" May sumigaw mula sa likod ko kaya napalingon ako ngunit 'di ko namalayang nakayakap na sa akin si Marco at iniwas ako sa pabagsak nang kumpol ng mga gulay na nakalagay sa malalaking plastik.
Gulat ang rumehistro sa mukha naming dalawa ni Marco. Napakalapit ng aming mga mukha na halos maglapat na ang ilong namin pareho.
"Marco, is that you?" Mabilis kaming umayos ng tayo nang may tumawag sa kanya.
Nilingon namin pareho ito at hinila ako ni Marco para lapitan ang lalaking tumawag sa kanya. Sa ayos nito ay mukhang kaibigan siya ni Marco.
"Von, sabi ko na nga ba boses mo ang narinig ko. Thanks for giving warning to this girl." Turo naman sa akin ni Marco.
Rumehistro ang gulat sa mukha ng lalaki. "Girlfriend mo? Wala na ba talaga kayo ni Beth? Nabingwit ka na ba nitong kaibigan ko?" magkakasunod na tanong niya kay Marco sabay tingin sa'kin sa huli.
Hindi ko napigilan mapasimangot sa tanong nito sa'kin. Ano ako isda?
"Pwede isa-isang tanong lang? Mahina kalaban pre," awat nito sa kaibigan niya.
"First, hindi ko siya girlfriend. She's a friend and she works at the restaurant. Second, Lilibeth and I? We broke up a long time ago. Third, hindi siya isda para bingwitin," dugtong nito. Napataas ang kaliwang kilay ko sa pangatlong sinabi niya. Pareho kami ng naisip.
"Oh sorry! Ang seryoso mo naman pre— by the way I'm Von Vellarde" Humarap ito sa akin sabay inabot ang kanang kamay niya. "I'm the brother of Lilibeth," dugtong pa niya.
Medyo nagulat ako at nakaramdam ng kaba nang sabihin niyang kapatid niya ang ex-girlfriend ni Marco.
Noong una hindi ko alam kung aabutin ko ba ang kamay nito o hindi pero inabot ko pa rin sa huli nang maramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Marco. Nanigas 'ata ako sa kinatatayuan ko.
"I'm Linea. Don't worry hindi ko naman aagawin si Marco kay Beth." Nagtawanan ang magkaibigan at huli na nang mapagtanto kong umandar ang kamalditahan ko.
"Don't worry. Labas ang issues ng lovelife ni Marco sa pagiging magkaibigan namin," sagot ni Von sabay kindat sa akin. Ngumiti na lang ako para mawala ang awkwardness sa nangyari.
••———————••
Tanghali na kami nakabalik ni Marco sa resort kasama si Von. Nauna na silang pumunta sa restaurant dahil dadaanan ko pa ang mga kaibigan ko na nasa cabbana para ayain mag-lunch sa restaurant kung saan ako nagta-trabaho. Naabutan ko ang mga ito na nag-aayos ng mga gamit nila.
"Wait? Are you planning to stay here? In my room?" Ngumiti at nag-peace sign lang ang mga ito sa'kin.
"We were not able to booked a room before we got here," saad ni Nalla.
"We are going to stay for two days lang naman—kasi after two days pa magkakaroon ng vacant room sabi sa reception area," paliwanag ni Maan.
"Fine! Bilisan niyo dyan para makakain na tayo."
Lumabas muna ako para makasagap ng hangin. Masaya ako na ito ang nakuha kong kwarto dahil pagkalabas pa lang ay bubungad na ang kulay asul na dagat.
Marami na rin ang tao sa may dalampasigan. May mga naglalakad lang habang nakangiting nag-uusap. May mga batang naghahabulan kasama ang kanilang mga magulang. May mga magkakaibigan na masayang kumakain.
Naramdaman kong may kumalabit sa akin na siyang dahilan para mapalingon ako.
"Linea, let's go." Si Lizel pala. Something is off with her. Hindi ko maiwasan na kabahan. I know something is bothering her.
"Are you okay?" tanong ko kay Lizel. Lumingon ito sa akin na parang may gustong sabihin pero ngumiti lang sa huli.
Tahimik lang ito habang naglalakad kami papuntang restaurant samantalang nasa likod namin sina Maan at Nalla na rinig namin ang pagbo-boy hunting ng dalawa.
Naabutan namin si Marco sa labas ng restaurant na tila may hinihintay. "Hi girls! Welcome to Happy Land Restaurant!" Masaya at malaki ang ngiti nito sa amin. He guided us to our reserved tables and Von was there too, smiling widely while waving his right hands to us.
"We ordered food! Makikikain ako if that's okay with you guys?" tanong nito sa amin. Binatukan siya ni Marco nang daanan siya nito. Natawa ako sa asal ng dalawa.
"It's okay. By the way meet my friends—Lizel, Mary Anne, and Nalla." Turo ko sa mga kaibigan ko isa-isa.
"Hi, I'm Von Vellarde and this is Marco Contreras!" pakilala ni Von. Wait—ngayon ko lang nalaman ang surname ni Marco. Nagsiupuan na kaming lahat para sa lunch. We enjoyed having lunch together. Von is such a cool and funny guy while Lizel is still quiet.
"Linea, here try this." Hindi ko na natanong kung ano 'yon dahil naisubo na ni Marco sa akin ang kutsara na may lamang pagkain hanggang sa nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Ano ang pinakain sa akin ni Marco?
"Hey are you okay?" Hindi ko nasagot si Nalla na katapat ko lang.
Napahawak na lang ako sa lalamunan ko habang naghahabol ng hangin.
"Sh*t! Ice—L-Linea! What the hell?" rinig ko ang pagkataranta ni Lizel bago dumilim ang paligid ko.
••———————••
Puting kisame at nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ang bumungad sa pagkagising ko. Babangon sana ako nang maramdaman kong may nakahawak sa aking kanang kamay kaya napatingin ako doon at nakita si Marco na mahimbing na natutulog. Napakunot noo ako nang mapagtanto kong nasa ospital ako dahil sa amoy ng kwarto.
Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Marco sa kamay ko at tinapik ko ang kanyang pisngi para gisingin siya.
Naalimpungatan naman ito sabay tingin sa'kin. "Linea, I'm sorry!" iyan agad ang sinabi niya nang makitang gising na ako.
"It's okay. Hindi mo naman alam eh. Sorry din."
Pinilit kong bumangon para maupo. "Ilang araw na ako rito?" tanong ko kay Marco.
"It's been three days. Thank God! You're awake. Bakit hindi mo sinabi sa kanila na may allergy ka sa peanuts?" Hindi ko napansin na nandito pala si Lizel at eto siya nanenermon.
"You know what? We should go home!" Napataas ako ng kilay sa sinabi nito. "Ang OA mo naman—but thank you na nandito kayo." Nagdabog ito pabalik sa sofa kung saan siya nanggaling.
Hinanap ng mga mata ko ang dalawa ko pang kaibigan ngunit wala sila. "Where's Maan and Nalla?" tanong ko kay Lizel.
"Bumalik sila sa cabbana to transfer our baggage sa ibang room since mayroon ng vacant room—and we want you to take a rest." Masungit ngunit may halong pag-aalalang paliwanag nito sa akin.
Pumasok ang isang doctor at nurse kasama si Marco. Hindi ko namalayan na umalis ito. "Ms. Monte, I need to check your vitals para makalabas ka na. We will run a laboratory test to make sure that you are okay—anaphylaxis due to consuming peanuts is not a joke."
Napansin kong napayuko si Marco nang marinig ang doctor. Mabilis lang ang ginawa nilang check-up sa'kin dahil after an a hour lumabas din naman agad ang lab test. Maya-maya ay pwede na ako lumabas ng ospital.
"Linea, I'm really sorry for what happened. Nanay Sabel got mad to me too and she's worried." Nalungkot ako dahil napag-alala ko si Manang Sabel.
"Please tell, Manang Sabel that I'm okay. You don't need to apologize. You are not at fault," saad ko.
Tiningnan ko naman si Lizel na tahimik lang ngunit matalim ang mga tingin kay Marco.
Iniwan muna kami ni Marco para i-settle ang bills sa hospital. Pinalapit ko naman sa akin si Lizel. "What about my identity here? They need details about the patients, right?" Kinakabahan na tanong ko.
"Don't worry. Naayos namin agad noong dinala ka sa emergency room. Sobrang alala sa'yo ng lalaking 'yon at hindi niya pinapansin ang mga nurse," paliwanag ni Lizel.
"Anong mayroon sa inyong dalawa? And why Linea Monte ginamit mo?" dugtong pa niya. Hindi ko na nasagot si Lizel nang pumasok si Marco para sabihing pwede na kami lumabas.