Chapter Three: Isla De Arden

1988 Words
I came back to work after the incident I had though my friends, Marco and Manang Sabel still wants me to take a rest but I refused. One week na ako nagpapahinga sa room ko. Kaya kailangan ko maging busy dahil umaatake na naman ito. Ayoko na rin maabala si Marco dahil palagi itong napunta sa cabbana na may dalang pagkain at tinitingnan kung ayos lang ako. My friends are keep asking what's the real score between us which is we are just friends. Manang Sabel assigned me to the cashier area, I saw Von enter the restaurant and walked faster when he saw me. "Hi, Linea! What's up?" he asked. I smiled at him and I saw Nalla at his back. "Nalla, you're here? Magkasabay lang ba kayo ni Von?" her face turned red while nodding at me. "A-Ah sinabay ko na siya noong nalaman niyang papunta ako rito." Napakamot naman sa batok si Von. Hmm—something is fishy here. "So ano ginagawa niyo rito? Kakain ba kayo?" tanong ko. "Well, I was asked by Marco to fetch you." Tumaas ang kaliwang kilay ko. Wala ba sa kusina si Marco? "Bakit naman? At saka may trabaho pa ako. Mamaya pa out ko," tanong ko pa. He gave me a long sigh. "Ipinaalam ka na raw niya kay Nanay Sabel, kaya iwan mo na 'yang post mo at sumama ka na sa'min." "We are there too! Nauna na nga sina Maan at Lizel," dugtong pa ni Nalla sa sinabi ni Von ngunit natauhan ang dalawa sa sinabi nila. Napangisi ako. Hindi marunong magsinungaling ang dalawang 'to. "Sinabay pala ha," sambit ko bago sila iwan para makapagpaalam sa mga kasama ko sa cashier area. Sinamahan muna ako ni Nalla sa kwarto ko para makapagpalit ng damit—actually two piece swimsuit. Ang panget daw pumunta sa dagat na nakapang short at t-shirt. Ano ba binabalak nila? "Perfect! Bumagay ang peach swimsuit sa tan skin mo ngayon. I'm excited!" masayang tili ni Nalla bago inabot sa akin ang see-through white halter dress para suotin at saka ako hinila palabas ng cabbana. Tinanggal ko muna ang slipper ko at binitbit na lang. Gusto kong damhin ang mga buhangin sa paa ko habang naglalakad. Naabutan namin sina Marco na nakasakay sa maliit na motor de banca. "Sa wakas nandito na kayo!" masayang sigaw ni Mary Anne o Maan, ang haba kasi ng pangalan niya. Halatang excited siya dahil nagtatatalon pa ito sa tuwa samantalang si Lizel ay nakatanaw lang sa malayo na tila may malalim na iniisip. "Anong gagawin? Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makalapit kami sa bangka. Inalalayan ni Von si Nalla samantalang si Marco ay bumaba pa para tulungan rin ako makasampa sa bangka. "Pupunta tayo sa kabilang Isla," saad ni Marco. Nakakasilaw ang ngiti ng lalaking ito, dumagdag pa ang ganda nang sikat ng araw na nahaharangan niya sa harap ko. Ano ba 'to parang may umiikot sa tiyan ko. Oo nga pala, simula noong dumating ako rito ay hindi ko pa nalilibot ang buong isla ni hindi ko pa nga nasusubukan ang mga water activities dito. "You should enjoy your stay here." Marco snapped his fingers. Hindi ko namalayan na nakatulala na ako sa kanya. "Oh okay, thanks?" nahihiyang sambit ko. Nakasakay na kami lahat at umandar na ang bangka, ang sabi ni kuya na kasama namin ay aabutin kami ng thirty minutes papunta sa kabilang isla. Tinabihan ko si Lizel at tumabi naman sa'kin si Marco. Katapat lang namin sina Maan, Nalla, at Von. Hindi ko maiwasan na itampisaw ang kamay ko sa pagsalubong sa agos ng dagat habang dinadama ko ang hangin na dumadampi sa aking balat. Gustong gusto ko talagang nasa dagat dahil dito ako nagkakaroon ng peace of mind. Napapikit pa ako para marinig ko ang agos ng dagat. Napakasarap sa pakiramdam. "Pre, nandoon na 'yung iba sa kabilang isla. They're preparing things para sa bonfire." Napatingin ako kay Von sa sinabi nito. "Wait don't tell me mag-oovernight tayo doon?" tanong ko. "Yes, why? Hindi ba nila sinabi sa'yo?" sagot ni Marco. Napahilamos ako sa mukha ko. Wala akong dalang extra na damit. May kinuha si Lizel sa gilid niya at pinakita ang bag. "I'm prepared. Don't worry." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Sinamaan ko naman ng tingin si Nalla na hindi nagsabi sa akin. "Sorry I forgot?" nag-peace sign pa ito habang nakangiti. "Eh, sino mga nandoon sa isla?" tanong ni Maan kay Marco. "Other friends of mine," sagot nito sabay akbay sa akin. Medyo nagulat ako at ang awkward sa pakiramdam dahil isang tao lang ang nakakaakbay sa'kin. Mabuti na lang nakaharap ang mukha ko kay Lizel kung hindi mapapansin ng lalaking ito ang pagkagulat ko. Tinaasan lang ako ng kilay ng bestfriend ko at masamang nakatingin sa akbay ni Marco sa'kin. ••———————•• Mukhang malapit na kami sa isla dahil natatanaw ko mula rito sa bangka ang isang bahay na may pinturang asul at puti ngunit nangingibabaw ang asul sa buong bahay lalo na at nagre-reflect ang kulay nito sa dagat. Nakaharap ito sa dagat at sa likod ay may naglalakihang mga puno na parang papasok na papuntang gubat. "Welcome to Isla De Arden!" Pagkababa namin sa bangka ay may sumalubong sa amin na babae kasunod niya ang dalawang lalaki. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa babae at sa isang lalaki. "Guys meet my other friends, Freya and Felix, they are twins, also this is Ariel." Turo ni Marco sa mga kaibigan niya. Ariel has a buzz cut and high hald fade haircut and a tired eyes. Freya has a short brown wavy hair and deep brown eyes while Felix has a clean cut army-like, halos magkasing tangkad lang kami ng kambal. I bet mas bata ang mga ito kaysa kila Marco. "Hi! You must be Linea?" The girl named Freya approached me. A little bit of shock registered to my face because Marco is not done yet introducing us to his friends. Freya frowned when she realized, "Hala sorry! Ano kasi—palagi kang nababanggit ni Kuya Marco sa'min." Mas lalo akong nagulat sa sinabi nito. Okay? Why is he talking about me to his friends? "Hoy! Tinatakot mo naman guests natin." Binatukan ni Felix ang kambal niya at ngumiti ito sa'kin. Nilingon ko ang mga kasama ko at may kanya-kanya na silang agenda. Von talking with Nalla while Maan and Lizel are talking with Ariel. Nawala si Marco. Nasaan na napunta 'yon? "Nagpunta si Marco sa rest house." Tinuro ni Felix ang bahay na nakita ko kanina. "Let's go," aya ni Von sa'min. Tinulungan naman kami nina Ariel at Felix sa pagbitbit ng gamit samantalang si Freya ay masayang nakasukbit ang braso nito sa'kin na medyo nailang ako sa kanyang ginawa. "Let's be friends, Linea! I hope you don't mind. I don't like Beth kahit kapatid siya ni Kuya Von." Speaking of Beth, so magkaibigan pala silang lahat. Hindi ko na siya nakita matapos ang ginawa nitong eskandalo sa restaurant. Nakapasok na kami sa rest house at namangha ako sa ganda ng loob ng rest house. Kung sa exterior design ng bahay ay nangingibabaw ang asul samantalang sa interior naman ay nangingibabaw ang mga puti. Napakaaliwalas tingnan nakadagdag pa rito ang malalaking bintana. Kapag umupo ka sa sala ay matatanaw mo mula sa sofa ang dagat. "Announcement! Huwag kayo matuwa na nandito tayo sa rest house. We are going to stay outside! We will do camping tonight in front of the house. Ilalagay lang natin ang mga gamit dito sa loob," anunsyo ni Ariel sa lahat. Napatanga na lang kami ng mga kaibigan ko. This is our first time to do camping. Maya-maya kumilos na sina Marco at ang mga kaibigan niya samantalang kaming mga babae ay nakatayo lang. Dumaan sa harap namin si Felix at hinawakan ito sa braso ni Maan. "Uhm—guys? Do you need help?" tanong nito. Napaisip saglit si Felix ngunit nang hindi makahanap ng sagot ay tinawag niya si Marco. "You girls should take a rest. Kami na bahala rito. We will call you if we are done setting up the tent for camping," saad ni Marco. ••———————•• It's past three o'clock in the afternoon when Von called us. Natapos na sila sa pagpapatayo ng tent, paglabas namin ay may mga pagkain na rin sa mahabang lamesa malapit sa tent. Naabutan namin na kumakain na sina Ariel at Felix samantalang si Marco ay inaayos ang mga pinutol na kahoy, iyon siguro ang gagamitin para sa bonfire. Napansin kong dalawa lang ang tent, siguro para sa aming mga babae ang isa at sa kanilang mga lalaki ang isa pa. "Girls, eat until your stomach is full!" masayang saad ni Von sa'min. Litaw ang kaputian nito kahit nakasilong ito sa mga dahon nang puno ng niyog. Uupo na sana ako nang hilain ni Marco ang kanang kamay ko sabay mabilis na naglakad. "Hiramin muna kita," saad niya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil nakatingin ako sa mga kaibigan ko na tila nagdududa sa'min ni Marco. "Kuya! Saan mo dadalhin si Linea?" sigaw ni Freya sa'min. "It's none of your business, Frey!" Tatawa-tawa pa niyang nilingon ang mga kasama namin. Malayo-layo na ang nilalakad namin ng lalaking ito kaya medyo nakaramdam na ako ng pananakit sa binti ko. "Tingnan mo ang paligid," saad ni Marco kaya napaangat ako ng tingin. Napansin kong paakyat kami sa isang parang burol at narating namin ang dulo. Napangiti ako nang makita ko ang malawak na dagat at ang simoy ng hangin na sinasayaw ang aking buhok. Hindi ko mapigilang mapayakap kay Marco dahil sa sobrang tuwa. "See the cliff," hinawakan nito ang kanang kamay ko para alalayan habang sumisilip sa ibaba. Nanlaki ang mata ko nang makita kong mismong dagat na pala ito. "Do you want to try cliff jumping?" Iniharap ako ni Marco sa kanya at niyakap nang mahigpit sabay talon sa dagat. Napapikit na lamang ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Naramdaman ko ang pagbagsak namin sa tubig ngunit nakayakap pa rin sa akin si Marco. Nagmulat ako ng mata kahit nasa ilalim pa kami ng dagat nang maramdaman ko ang labi nito sa akin para bigyan ako ng hangin. Ipinulupot niya ang mga binti ko sa kanyang baywang at kusang pumikit ang mga mata ko nang mag-iba na ang galaw ng aming mga labi. Bumagal ang oras nang sandaling iyon. May kung anong kumiliti sa aking tiyan—ang gaan sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ga'non hanggang sa naghiwalay ang aming mga labi at hinila ako nito paahon sa tubig. Hindi ako nakaimik hanggang sa makalangoy kami papunta sa pampang. "Are you okay?" Tiningnan ko ito bago sumagot. "Y-Yeah—medyo hindi pa nagsi-sink in sa'kin ang mga nangyari." Napayuko ako dahil sa hiya. Hindi ko alam kung ano iaakto sa lalaking ito. "Sh*t— I'm sorry! I just felt that I wanted to do that with you. I'm sorry! Akala ko matutuwa ka," sambit niya na may halong inis sa sarili. Hindi ko alam kung maiinis o maiinsulto ako. Saan ba ako dapat matuwa? Nilingon ko si Marco at binigyan ng matamis na ngiti. "Of course, I'm happy! Ngayon lang ako nakakapunta sa ga'nong lugar." Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari sa ilalim ng dagat pero hindi ko na ito binanggit dahil sa kahihiyan. "Bumalik na tayo sa rest house baka kung ano na isipin nila," saad ko. Pagbalik namin sa rest house ay naabutan namin na nagliligpit na ang iba ng pinagkainan samantalang si Lizel ay masama ang mukha sa tinitingnan nito kaya may nahagip akong hindi magandang tanawin. "Hi, Marco!" Lilibeth is here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD