Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Hindi ko pa minumulat ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na ulan at kidlat. Ang nakangising Ariel ang bumungad sa'kin. Akmang sasampalin ko ito nang maramdaman kong nakatali na naman ang mga kamay ko sa likod. "Nasaan ako?! Pakawalan niyo ako!" galit na sigaw ko rito. "Nandito ka lang naman sa cabin sa gitna ng gubat ng Isla De Arden," mapaklang sagot niya. "Kasabwat ka ba nila?!" Diretso ang tingin niya at kinuha ang cellphone sa bulsa ng short niya. "Gising na siya," sambit niya habang nakatingin sa'kin. Pinilit kong kumawala ngunit may kadena sa kanang paa ko at nakita kong nakakabit ito sa paa ng bakal na kama. "Lahat ba kayo magkaibigan magkakasabwat?!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas-baba ng dibdib k

