"Icelyn, gising!" "Icelyn!" "Idilat mo mga mata mo, Icelyn!" Ano ba nangyayari? Sino tumatawag sa pangalan ko? "Icelyn, wake uuuup!!" Napadilat ang mga mata ko nang maalala ko ang mga nangyari. Nakita kong nasa kwarto ako ni Marco. Hindi. Ito 'yung tagong kwarto sa loob ng kwarto niya. Hinanap ko ang boses ng tumatawag sa'kin. Naalala ko ang ginawa ni Marco kaya nagmadali akong bumangon mula sa sahig. "Icelyn!!" Naririnig ko ang boses na nanggagaling sa labas nitong maliit na kwarto. Pinuntahan ko ang pintuan para buksan ito ngunit ayaw bumukas. "Anong nangyayari?!" Nakaramdam ako ng kaba at takot. "Gising ka na ba, Icelyn?" "T-Tattiara?? What's happening?!" sigaw ko. "Kinulong ka ni Kuya Marco.. Susubukan ko humingi ng tulong!" sigaw niya.

