The summer season is over. This means it will lessen the coming in of tourists. Manang Sabel let us use the kitchen for the whole day because we barely have customers in the past few days. Originally, Marco asked me on a date but we ended up using the kitchen because he found out that I don't know how to cook. He is teaching me to cook basic recipes.
"Can we join?" I turned my head hearing Nalla's voice. "Are you two on a date too?" Nalla and Von gave me an awkward look. Natawa ang lalaking katabi ko saka kinuha ang sandok na hawak ko. Siya ang pumalit sa akin sa pagluluto ng sinigang na hipon. Iniabot ko ang dalawang apron sa bagong dating para 'di madumihan ang kanilang suot.
"Ano pa lulutuin niyo?" tanong ni Von nang makalapit kay Marco. Si Nalla naman ay bahagyang siniko ako.
"You are so annoying! Obvious naman nasa date kami, right?" bulong nito sa'kin. Inirapan ko ito at tiningnan sina Marco at Von na naghahanda na nang panibagong ingredients.
"Okay, ladies. Umupo na lang kayo dyan. Kami na bahala rito," saad ni Von na kumindat pa sa katabi ko.
Tinanong ako kanina ni Marco kung ano ang favorite food ko kaya ang susunod na lulutuin nila ay spicy baked salmon. Madali lang kasi hanapin ang ingredients nito at dahil matatagalan pa ito ay niyaya ko munang lumabas si Nalla. Iniwan namin ang dalawang lalaki sa kusina.
"So what's the real score between you and that guy?" tanong ni Nalla nang makalabas kami ng restaurant. Hindi ko ito sinagot pero binalik ko sa kanya ang tanong, "Eh kayo ni Von?" Namula ang pisngi nito at bahagyang napangiti. Mukhang sila na. "Paano 'yan pag umuwi ka na sa probinsya?" Nawala ang ngiti niya at napalitan nang pagkabusangot. "I don't mind. LDR works too."
"That's impossible, Nalla.. Remember when Maan got a boyfriend somewhere in Bacolod?" Binigyan niya ako ng matalim na tingin.
"Yeah, I remember that jerk! He broke up with Maan after almost two? three? weeks of being away from each other—but I'm pretty sure mine would be different," she confidently claimed.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ang totoo niyan isa rin 'yan sa naisip ko tungkol sa'min ni Marco. I came from Cebu and he is here in Lucena. Kaya ayokong lumalim pa kung ano ang mayroon sa'min. Alam ko sa aking sarili na hindi pa malalim ang nararamdaman ko para sa lalaking 'yon. Takot ako. My trust issues are holding me back.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Nalla sa aking tabi at nang lingunin ko ay sumenyas siya na may tatawagan kaya naisipan ko na lang maglakad-lalad malapit sa may tabing dagat. May natanaw akong cottage kaya madali akong naglakad papunta doon para makapagpahinga habang tinatanaw ko ang dagat.
••———————••
Nagising ako nang maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. Malapit na pala gumabi. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Madali akong lumabas ng cottage para bumalik sa restaurant pero natanaw ko si Marco na tila pagod at may hinahanap. Nagtagpo ang aming mga mata. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ko sabay yakap sa akin.
"Hey, anong nangyari?" tanong ko ngunit lalo lang humigpit ang yakap nito. Naramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya.
"Saan ka ba nagpunta ha? Alam mo bang sobra mo akong pinag-alala? Sa susunod magsabi ka kung saan ka pupunta!" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin ito dahil pagharap niya sa akin ay tila naiiyak na ito sa sobrang pag-aalala. Napayuko ako. Hindi ko siya kayang tingnan. Naramdaman ko na lang na hinahatak na niya ang kamay ko. Walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita hanggang sa makabalik kami sa restaurant.
"Hija, saan ka nagpunta? Ayos ka lang ba?" tanong ni Manang Sabel sa akin.
"O-Opo. I'm sorry kung pinag-alala ko kayo," naiiyak na sambit ko. Binitiwan ni Marco ang kamay ko at 'di ko na alam kung saan siya nagpunta.
Dinala ako ni Manang sa isa sa mga mesa kung saan nandoon din ang mga kaibigan ko. They all have the worried face except Lizel. Natakot ako sa sama ng tingin niya sa akin. Sesermunan ako nito mamaya panigurado.
"Oh my gosh! Pinag-alala mo kami. We are about to call the police," saad ni Maan nang makaupo ako. Nakita ko si Nalla na namumula ang mga mata. Alam kong nag-alala ito ng husto dahil siya ang huling kasama ko kanina.
"Give her a rest. She needs to eat." Dumating si Marco, Felix at Ariel na may dalang mga pagkain. Nagsialisan naman sila agad matapos ilapag ang pagkain sa mesa kaya kaming dalawa lang ni Marco ang naiwan dito.
"Eat," utos nito sa akin. Tinitigan ko lang ang mga pagkain at napayuko ulit. "I'm sorry." Iyon lang nasabi ko dahil natatakot ako sa trato ni Marco.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga nito. "Linea," tawag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"I'm not mad okay? I got worried." Nawalan talaga ako ng gana kumain dahil sa nangyari pero napilit niya rin akong kumain sa huli.
"Dude! You coming later?" biglang sulpot ni Ariel. "No," tipid na sagot ni Marco habang hinihiwa nito ang spicy baked salmon para sa akin.
"Why? Everyone is coming." Tiningnan ako ni Ariel at sumenyas na pakiusapan ko ang lalaki. "Marco, sumama ka na." Sinubo niya sa akin ang kutsara na may lamang pagkain.
"You need to rest." Kaya ba siya hindi pupunta? "I'm coming," saad ko kahit hindi ko alam kung anong ganap mamaya. Inis na tiningnan ni Marco si Ariel, "Fine."
"See you later, lovebirds!" sigaw ni Ariel habang papalabas ng restaurant. Lovebirds your ass. Hindi naman kami ni Marco. "Magpahinga ka muna sa room mo. I'll fetch you later," sambit niya.
Matapos kong maubos ang mga pagkain na niluto nina Marco ay hinatid niya ako sa cabbana. Hinanda ko muna ang susuotin ko para sa party mamaya. Hindi ko na rin nakita ang mga kaibigan ko. Siguro nagpapahinga na para mamaya ay full energy sila.
••———————••
The Spot. Ito ang pangalan ng club na pinasukan namin. Nandito na kami sa party. Naunang pumunta ang mga kaibigan namin at kami na lang ni Marco ang hinihintay nila. Freya and Felix are not allowed here, only 21 years old and above are allowed.
Nandito kami ng friends ko sa bar counter. They're talking about their outfit of the night. Lizel keeps ignoring me since I came here. I know she's still mad from what happened earlier. Papalipasin ko muna ang gabing ito.
Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. "You look always beautiful," boses ni Marco. Hinarap ko ito at binigyan niya ako ng forehead kiss. Aaminin ko medyo kinilig ako. Ano ba baka tuluyan na akong mahulog sa lalaking ito.
"Enjoy the party guys!" Ariel offered us a 12 years old Johnnie Walker Black Label. Sinubukan akong pigilan ni Marco pero nilagok ko pa rin ang dalawang shots nito at napangiwi sa lasa. Umakyat saglit ang init nito sa ulo ko. Napakapit ako kay Marco nang makaramdam ako ng hilo.
"Chill. We have a long night," saad niya habang dinadala ako sa gitna ng crowd at nag-umpisa itong sumayaw. Natawa ako dahil nag-robotic moves siya. Hinawakan niya ang balikat ko nang mapansing hindi pa ako nasayaw.
"Free yourself tonight." Binigyan ko ito ng malawak na ngiti at sinabayan ang pinatugtog ng DJ. I want to enjoy the night. I want to feel I'm alive right now.
I wave my hands in the air trying to feel the crowd's noise and the lights' effects. Marco held my waist to support me. I took a glance at him. I saw he mouthed those words. I love you. I took a deep breath and started to free myself. I let out all the emotions I've been keeping. I scream all the unheard feelings I've been holding. I saw a waiter coming and took a glass of champagne and drank it. I need to get lost for a moment.
As the crowded getting hype, I accidentally bumped into a girl. She dropped to the floor. "Oh my! I'm sorry." Mabilis ko itong tinulungan para makatayo ngunit nakita kong may tumutulong dugo sa pagitan ng kanyang binti.
"W-Wait are you pregnant?" magkahalong takot at gulat na tanong ko rito ngunit hindi ito nakaimik at gulat na nakatingin din sa tumutulong dugo sa kanyang binti.
"H-Help! P-Please help. Call an ambulance!" I hysterically asked the crowd. Marco is holding me right now to make me calm down. I started crying in his arms. Nabablangko na ang isip ko.
Ang kaninang maingay at magulong crowd ay naging tahimik. Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid. Pagtingin ko ay kanya kanyang kuha na sila ng pictures at videos sa nangyayari. "No. No please! Stop taking us videos," sigaw ko. "I-It was an accident!" Kinuha ko ang cellphone ng isa at itinapon ito.
"Sh*t! Are you out of your mind?" tangkang sasampalin ako ng lalaki nang humarang si Marco. "Not my girl, bro." The guy walked out and then my sight went black.
••———————••
"Linea, wake up! wake up!" Nagising akong pawis na pawis at nanginginig. Nakita ko si Lizel na may halong pag-aalala sa kanyang mukha.
"You're having a bad dreams," saad niya habang inaabutan ako ng tubig at pinunasan bahagya ang pawis ko sa noo. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at pilit na kinakalimutan ang napanaginipan. Napanaginipan ko na naman ito.
"What happened?" Ang huli kong natatandaan ay dapat sasampalin ako ng lalaki. "Hinimatay ka after you saw the girl bleeding."
Inayos ko ang aking sarili. "Is she okay? What about those who took pictures and videos?" kinakabahan kong tanong.
"The girl is fine. Ang mga pulis na ang kumausap sa mga tao doon. Don't worry. Everything is fine." I sighed in relief from what Lizel said.
"Uuwi na tayo," dugtong pa ni Lizel. Now here we go again. "Will you stop? Malapit na akong mapikon," inis na sambit ko sa kaibigan. Bumalik ako sa pagkakahiga. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Pagtingin ko ay sina Maan, Nalla, at Marco pala. Akala ko umalis na si Lizel. May bitbit na pagkain si Marco.
"I think it's time to go home." Nalla sat at the edge of my bed. "Yeah, hindi na maganda nangyayari sa'yo here," dugtong ni Maan.
Hindi ko na napigilan ang inis ko at sinamaan sila ng tingin. "Simula nang dumating kayo rito nagkaganito na lahat!" sigaw ko sa kanila.
"I will tell your parents, kung nasaan ka para masundo." Mabilis akong tumayo mula sa kama at hinablot ang cellphone ni Lizel.
"Back off! Umuwi na kayo sa probinsya if you want! I don't need you here." Nagulat sila sa inasal ko at maging ako ay nabigla pero hindi ko na mababawi ang mga sinabi ko.
"Nagkaganito ka dahil sa lalaking 'yan! Sinabi ko na sa'yo na huwag ka papaloko sa kanya!" turo ni Lizel kay Marco. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang husga niya sa lalaki samantalang hindi pa niya ito nakakausap ni minsan maliban lang sa rest house sa kabilang isla.
"I'm tired of your bullsh*ts, Lizel.. Please leave me alone." Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit tila walang narinig ang mga ito.
"I.said.leave.me.alone!" isa-isa at may kasamang diin ang mga salitang binitiwan ko. I am starting to have an emotional breakdown. They need to leave so I can take my medicines. "You girls calm down," singit ni Marco sa'min.
"You know what? I hate you!" sigaw ni Lizel. "Hate me all you want. The hell I care!" sigaw ko.
"Walang magandang solusyon kung magsisigawan kayo." Lumapit sa akin si Maan para yakapin ako pero kusa akong umiwas. Ayokong maramdaman niya panginginig ko. Tinalikuran ko ang mga ito at pasimpleng pinipisil ang aking mga kamay. "Iwan niyo na lang muna ako. I need to rest."
"Fine! Just don't go back to your old self," kalmadong saad ni Lizel bago sila tuluyang umalis sa kwarto ko. I started scratching and pinching my neck down to my chest. I can see the red lines my nails did.
"What are you doing?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Marco. Hinarap ko ito na may halong pagtataka, "W-Why are y-you still here?"
Kunot-noo itong lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Shh. I'm here just cry." Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Binuhat niya ako at dinala sa kama. I snuggled down in his comfort and he let me cry until I fell asleep.