*****Prologue******
!!!WARNING MATURE CONTENT!!!!
****Prologue******
"ARE YOU Hannah Grace?" napaangat ako ng tingin dala ng baritonong tinig mula sa aking likuran. Hindi ko maiwasang mapasinghot dahil sa mabangong amoy mula sa panauhin sa kabila ng mugto kong mga mata dala ng labis na pag-iyak.
Lumunok ako sabay kurap ng sa wakas nagtagpo ang mga titig namin ng may-ari ng magandang tinig. Muntik pa ako mapanga-nga nang mapagtanto kung gaano kaguwapo ang lalaking may magandang tindig at katawan. Kaya kinailangan kong tumuwid ng upo upang tingalain siya.
"Ye---yes po." magalang kong sagot sa basag na tinig. Mag-isa na ako sa bahay dahil nakaalis na ang mga nakiramay sa aking Tita Helen. Malinis na rin ang bahay na walang bakas na may nangyaring burol doon. Maliban na lang sa mabigat kong pakiramdam. Nagkaroon kasi ang Tita Helen ko ng malubhang sakit dahilan ng maaga nitong kamatayan, kaya naiwan na akong mag-isa ngayon.
Nag-iisa na lang ako.
Labing apat lang ako ng maulila sa magulang ko noon dahil sa isang aksidente. Tapos heto na naman ngayon. Sa isiping 'yon ay muling nag-init ang sulok ng aking mata.
Napatitig pa ako sa lalaking ngayon ay kaharap kong nakaupo sa lumang sofa saka ako inabutan nang panyo. Nakakahiya man ay nagawa kong tanggapin 'yon.
"Ano pong kailangan n'yo?" naitanong ko pagkalipas ng ilang sandali.
"I'm sorry kung nahuli ako ng dating, Hannah..." seryosong saad nito na ipinagtaka ko. Close ba kami ng lalaking 'to? Pero bakit parang pamilyar sa aking ang matangos nitong ilong at matang may kalaliman pero kita ang pagkabrown noon. "Ako si Henry, tanda mo pa ba ako?" pakilala nito.
Saglit akong nag-isip dahil hindi ko mahagilap sa isipan ko ang pangalan niya. Pero pamilyar siya sa akin---pero bakit parang napakaseryoso naman ng mukha nito. Nakapagtataka na sa ganun ka guwapong lalaki hindi ko matandaan ang pangalan. Kita ko ang pagkunot ng noo niya na tila hindi nasisiyahang hindi ko siya nakilala o ewan ko kung para saan.
"Ako Henry Park..." ulit nito pagkalipas ng ilang sandali na hindi ako nakapagsalita. Saka ito tipid na ngumiti. Dahil sa ngiting 'yon ay saka sumagi sa isipan ko kung sino ang guwapong lalaking kaharap ko ngayon. Anak ng amo ng aking Tita Helen. Ito ba talaga si Henry na madalas na ikuwento ng Tita ko?
Bumuntong hininga ito at ipinaliwanag ang sitwasyon. Noong nakaraang lingo pa umano nito natangap ang sulat mula sa Tita ko. Pero dahil busy umano ito kaya hindi kaagad nakapunta.
"Nailibing na po kaninang umaga ang Tita ko, kaya...." muli na naman nag-init ang sulok ng aking mga mata. Paanong hindi ako maiiyak ngayong wala na akong mapupuntahan. Wala akong pera. Dapat college na ako sa pasukan. Pero heto at tinamaan na naman ng kamalasan ang buhay ko. Lagi na lang atang ganun.
Nang magsaboy ata ng kamalasan sa lupa sinalo kong lahat. Sa isip-isip ko sabay buntong hininga.
"Salamat po sa pagpunta, pero nahuli na po kayo ng dating. Nailibing na po ang Tita Helen ko kanina." nasabi ko. Ano bang dapat kong sabihin sa lalaking kaharap ko ngayon. Na isa na akong ulila at kapag naubos ang imbak na supply ng bigas at de lata. Kailangan ko mamalimos o kaya magtrabaho sa beerhouse sa may pier para mabuhay. Dahil ano bang trabaho ang nakukuha ng mga nagtapos ng senior high sa bansang 'to? College graduate nga walang mga trabaho, ako pa kaya.
"Ibinilin ka sa akin ni Yaya Helen sa sulat niya." anito at inabot sa akin ang isang papel. May pagka-old fashion kasi ang Tita ko kaya kahit uso ng ang phone mahilig pa rin ito sa sulat. "Isasama na kita pabalik ko ng Manila. Wala ka na daw ibang kamag-anak na mapupuntahan."
"May... may mga kamag anak ako sa side ng mama ko. Pero hindi ko po alam kung nasaan sila." napapayukong saad ko. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa sarili ko. Oo pamilyar sa akin ang lalaking 'to pero hindi ko siya matandaan.
"Noong mga seven or eight ka ata dinala ka ni Yaya Helen sa bahay namin, summer 'yon." anang nitong muli kong ikina-angat ng tingin. My mga picture na ipinakita sa akin si Tita Helen sa alaga umano nito noon. Pero bata pa ito doon. Nasira kasi sa sunog ang mga gamit namin noon sa bahay kaya di ko na makita ang mga picture na 'yon. "I see you remember." saad nitong tila nahuhulaan ang iniisip ko.
"Ikaw po pala 'yon 'yong magiging doctor na playboy." ani kong ikina-isang linya ng kilay nito.
"Doctor na ako ngayon, Hannah. Pero hindi ako playboy." pagtatangol nito sa sarili.
"Ah..." nasabi ko na lang. Problemado na nga ako taklesa pa rin. Saway ko sa aking sarili. "pasensya na po, 'yon kasi ang sabi ni Tita."
"It's fine. Mag-empake ka na. Para makabiyahe na tayo pabalik ng Manila." seryosong saad nitong nakatitig sa aking mukha. Isang malalim na paghinga ang pinawalan ko.
"Pero kasi po..." nag-aalangang saad ko. Ngayon ko lang ulit ito na kita. Hindi ko na nga matandaan ang nangyari noong 7 o 8 taong gulang lang ako, Eighteen na ako one month ago lang. Ilang taon na ang lumipas. Tapos basta na lang ako sasama sa lalaking hindi ko maalala. Naroon ang kaguluhan sa utak ko na di ko mawari kung para saan.
Nakuyom ko ang aking kamao. At muling napatitig sa sulat na hawak ko pa rin. "Tuparin mo ang pangako mo Henry. Huwag mong pabayaan ang pamangkin kong si Hannah. Ipinagkakatiwala na ko siya sa'yo. Paki-usap alagaan mo siyang mabuti. Ituring mo siyang pamilya mo. Tuparin mo ang pangako mo, paki-usap." muling nag-init ang sulok ng aking mga mata dahil doon. Hanggang sa huli ako pa rin ang inaalala ng Tita ko.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao Hannah, gusto ko lang tuparin ang pangako ko kay yaya Helen. Pag-aaralin kita. Dahil iyong ang pangarap ni Yaya para sa'yo." nakadama naman ako ng labis na excitement sa sinabi ng lalaki.
Pero naalala ko rin ang sinabi ng Tita ko. "Kung gusto mong umunlad ang buhay mo, magsikap ka at huwag kang umasa sa tulong ng iba." at nakatatak 'yon sa aking isipan. Pero sa pagkakataong ganun, anong choice ba ang mayroon ako?
"Wala naman po akong pagpipilian di po ba?"
"Wala, but stop saying po, I'm not that old yet." nagsalubong pa ang makapal nitong kilay sa sinabi. Pansin kong nag-iwas ito ng tingin saka lumunok. Nagawa ko pa talagang pansinin 'yon. Pero habang tumatagal akong napapatitig kay Henry....ay Dok Henry pala kasi Doctor na daw siya. Parang lalo siyang gumaguwapo sa paningin ko. Ang suwerte siguro ng girlfriend o asawa niya.
"Dok Sir, tanong lang ho? Paano ko babayaran ang pagpapa-aral at pagpapatira mo sa akin sa bahay n'yo. Saka baka magalit po ang pamilya n'yo kapag nag-ampon kayo ng tulad ko." lintaya ko. Ang dami ko na kayang nabalitaang mga babaing dinadala sa Manila tapos pinagmamalupitan lang ng amo nila. O kaya ginagawang hostess sa bar.
Mukha namang mabait si Doc Sir, at guwapo pa. Pero mahirap nang madala sa hitsura. Saka baka taken na siya. Kaagad kong sinaway ang sarili ko. "Ano naman kung taken na siya Hannah?" Sermon ng utak ko.
"Hindi mo kailangang isipin----"
"Kailangan ho," sabat ko. "kasi 'yon ang turo ng Tita Helen ko sa akin. Marunog ho pala akong magluto at maglinis ng bahay." Muling nagsalubong ang kilay nito sabay iling.
"Okay sige, para fair sa'yo. You can work for me kapag nasa bahay ka at wala kang pasok, ayos na ba 'yon?"
"Hmm... okay ho. Marami pong salamat." sagot ko na nagawa kong ngumiti ng tipid. Akala ko malas ako pero hindi pa naman pala.
Labag man sa loob kong umalis sa lumang bahay namin ay wala akong magagawa. Wala naman ako pagpipilian kundi ang sumama na lang sa lalaking hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan. Pero ano pang choice ang mayroon para sa akin. Iniwan na ako ng mga taong mahalaga sa buhay ko. Sukat doon ay kaagad na pumatak ang aking luha sa huling pagkakataong sinulyapan ko ang bahay ng Tita ko.
ISANG malalim na paghinga ang pinawalan ni Henry bago lumabas ng bahay ni Hannah. Dapat ang ama ng binata ang pupunta para sa dalagang pamangkin ni Yaya Helen. "Ikaw na ang bahala sa pamangkin ni Helen. You made promised to her. Kaya tuparin mo."
"Promise?" ulit ng utak niya saka sinulyapan ang dalagang tila kinakabahang sumakay sa kotse. At muling lumingon sa bahay nito. Kita niyang pagpatak ng luha ng dalaga. Subalit isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi nito, tila pinalalakas ang loob.
At some point naiinis siyang hindi siya maalala ni Hannah. Pero pinagalitan rin niya ang sarili. Anong muwang ng isang batang walong taong gulang pa lamang. Yet she was still wearing his gift.
"Dok Sir," tawag nito. Kasunod nang pagtunog ng t'yan nito. "Ahmmm..." nahihiyang napangiwi ito sabay hawak sa tiyan. "Baka po puweding kumain muna ako. Bibili lang ako ng biscuit at tubig sa tindahan d'yan sa may labasan." paki-usap nito.
"Dapat kahit gaano ka kalungkot, kumain ka pa rin." paalala niya dito saka binuhay na ang makina ng kotse. "Masama sa kalusugan ang nagpapalipas ng gutom. Kung malungkot ka na gutom ka pa... papangit ka." nagawa niyang biruin ito pero tumango lang si Hannah, saka ibinaling sa labas ang tingin.
Mukhang wala ata sa hulog ang joke niya. Wala siyang nagawa kundi ang ituon na lang ang tingin sa daan sabay buntong hininga. Nakarating sila sa isang food chain na nadaanan niya. Iyon lang kasi ang puwede niyang mabilhan ng pagkain. Tuwang tuwa naman si Hannah dahil doon.
Sa edad nito parang napakababaw ng kaligayahan ni Hannah. Pero sa kung anong dahilan nagawa niyang ngumiti dahil sa kasiyahang nakikita niya sa dalaga.
"Mas maganda ka pala kapag nakangiti." di niya mapigilang komento. Dahilan upang lingunin siya ng dalaga habang subo ang hotdog sandwich na binili niya para dito. And his reaction was not good. Kaya't lihim siyang nagmura.
"Ano hong sabi mo Dok Sir?" inosenting tanong nito habang ngumungya at dumila pa para sinutin ang sauce ng sandwich na kumalat sa bibig nito.
"Wala, can't you eat a little cleaner." aniyang pilit kinakalma ang boses niya na hindi niya inaasahang tataas ng bahagya. Kaya napalunok siya saka magbaba ng tingin. Nakaipit sa pagitan ng hita nito ang bottled water. Nakapalda itong maiksi kaya kita niya ang maputing hita at binti ni Hannah.
"Pasensya na Dok Sir, gutom na kasi talaga ako eh." paumanhin nito. Saka kinuha ang tubig at uminum. At kung hindi siya nagdidrive parang gusto na lang niyang titigan si Hannah. Napakaganda naman kasi talaga nito. Lumaking maganda si Hannah. Hindi ganun katangkad pero maganda ang hubog ng katawan. Maganda at makinis rin ang balat nito. At bagay dito ang messy look nitong buhok. Basta na lang kasing itinatali nito pataas ang buhok nito. Kaya kita niya ang makinis at mahabang leeg ng dalaga. Lihim na napamura siya nang naglakbay pababa ang saglit niyang sulyap sa dalaga.
"What the hell, ano to? Nalil!bvgan ako sa isang bata?" sermon niya sa sarili. Sabay lunok at ibinaling na lang ang tingin sa daan. Pero aminado siyang naagaw ni Hannah ang kanyang atensyon. She had grown prettier since the last time he could remember. Akalain ba naman niyang ganito kaganda ang magiging ampon niya.