Kabanata 33 KAREN's CONDO "LAYDA," tila batang tawag nito sa kaibigan na napasigaw pa sa pagkagulat sa hitsura ni Karen ng lumabas sa kuwarto. Gulong-gulo kasi ang buhok nito at nagkalat ang make up sa mukha. "Diyosko naman Karen, muntik na akong atakihin sa puso sa'yo." singhal ni Layda dito. Saka ibinaba ang baso ng tubig na hawak nito. "Saan ka ba galing wala akong maka-usap kagabi, Mababaliw na ata ako eh." nakangusong sermon nito sa kaibigan. "Sira ka ba, sabi mo umuwi ako kasi magkasama kayo ni Henry. Ano bang nangyari? Akala ko magpu-proposed ka na?" tinawanan nito kahapon ang kaibigan dahil para itong baliw sa katuwaan dahil hinalikan umano ito ni Henry. Kaya nagtataka si Layda kung bakit mukhang binagsakan ng langit at lupa ang kaibigan nitong kahapon ay parang paru-paro sa

