Kabanata 24 "HANNAH, are you okay?" untag sa akin ni Henry ng maka-uwi na kami. Boung maghapon akong lutang kanina sa school. Laman ng utak ko ang mga sinabi ni Venus sa akin. Kaya't di ko mapigilang mag-alala ng husto. Paano kung magkabalikan nga sila ulit ni Karen? Paano na ako? Paano na ang pag-aaral ko? Paano na ang pangarap nila Tita para sa akin na makapagtapos ng pag-aaral. At higit sa lahat paano na kami ni Henry? Paano ang pagmamahal ko para sa kanya. Ang isiping 'yon ay nagdudulot ng matinding pag-aalala sa isipan ko. Gusto ko mang baliwalain pero sa nakita kong reaksyon niya ng magkita sila ni Karen sa grocery. Hindi ko maiwasang magpanic. "Hannah," untag ni Henry, saka ko siya nagawang balingan. "Ah, bakit?" wala sa sariling tanong ko. "Kanina pa ako nagsasalita? May prob

