Kabanata 17 HINDI ko na alam kung anong oras ako nakatulog kaninang madaling araw. Namimigat pa ang talukap ng aking mata ng magising ako. Maliwanag na ang paligid ko kaya alam kong tangahali na. Pero sa halip na bumangon ay namaluktot pa ako. Nilalamig kasi ako at masakit ang boung katawan ko. "Good afternoon, sweetheart!" anang tinig ng bumukas ang pinto. May dala itong tray na hula ko ay pagkain ang laman. Teka, afternoon na ba ang sabi niya? Sukat doon ay napabangon na lang ako subalit para mapangiwi dala ng sakit ng aking boung katawan. Para akong tumakbo ng boung araw sa bigat ng aking pakiramdam. "Siguradong gutom ka na kaya nagpa-room service na rin ako. Nandiyan na rin ang dress mo." malambing nitong saad saka ako inalalayang maka-upo ng maayos. Grabe naman kasi si Dok Henry,

