Kabanata 27 NASA kumedor kami at kumakain. Hindi na ako nakatangi ang buhatin ako ni Henry kanina palabas ng kuwarto. Kung bakit kasi pahamak ang t'yan ko eh. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. "Sweetheart, gusto mo ng ice cream, pampawala ng tampo 'yon." napa-irap ako sa sinabi ni Henry. Tahimik lang kasi akong kumakain at hindi ko talaga siya tinapunan ng tingin. Paborito ko kasing adodo ang ulam namin ngayon. Tira namin noong lunch na ininit nito kanina. Ewan patay gutom ako sa adobo lalo na kung nagmamantika. Kaya ayon kumain ako ng magana kahit hindi ko siya pinapansin. "Gusto mo pa ba?" aluk nito ng paubos na ang kanin sa plato ko pero madami pa akong ulam na nilagay rin niya sa plato ko kanina. "No... saka, bakit sabi mo paborito mo rin ang adobo. Sabi ni Venus kare-kare ang p

