Nathalie Grace Sarmiento "Saan ka pupunta?" tanong ni Nathalie nang magising siya sa tunog ng shower sa loob ng C.R. Kakalabas lang ni Isaac nang tanungin niya ito. Napalunok siya nang makita ang nakalantad na abs ng lalaki habang nagsisituluan ang butil ng tubig sa katawan nito. Iniwas niya ang tingin sa lalaki saka umupo. Sobrang sakit ng kan'yang katawan kaya napapainat siya. "Uh, may aasikasuhin lang ako, Baby. Babalik din naman ako kaagad kapag tapos na ako sa gagawin ko," sagot nito kaya napatango siya. Doon niya lang nahalata ang pagbagsak ng katawan at pagka-haggard ni Isaac. Bigla siyang nalungkot dahil doon. Sobrang laki ng problema nito kaya hindi na siguro nito naasikaso ang sarili. Napahinga siya ng malalim saka lumapit kay Isaac. Biglang nanigas ang katawan ng lalaki nang

