Nathalie Grace Sarmiento Agad niyang sinundan sina Isaac at Nicolai. Dali-dali siyang pumasok sa kotse at agad na pinaandar naman iyon ni Manong Julian. "Saan tayo, hija?" agad na tanong sa kan'ya ng matanda. "Sundan niyo po ang kotseng iyon, Manong Julian. Bilisan po natin," sagot niya kaya agad na pinaandar ni Manong Julian ang kotse. Hindi na nag-abalang magtanong si Manong Julian kaya nakahinga siya ng maluwag, hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin niya sa matanda. Napunta sila sa isang Super Mall dahil doon pumarada ang kotse na sinusundan nila. At nang makahanap din sila ng parking space ay mabilis siyang bumaba. "Manong, dito po muna kayo, may susundan lang po ako," utos niya sa matanda kaya tumango lamang ito. "Mag-iingat ka, hija." Nasa malayo na ang dalawang si

