Kanina pa halos palakad-lakad at pabalik-balik si Sonya sa loob ng kwarto kung nasaan naroon ang kambal. Tahimik lamang itong kumakain, kanina pa nito hinahanap ang kanilang ina. Ang natatandaan lang daw nila ay sumama sila sa Tito nilang si Luke para makita ang surpresang regalo nito sa kanila at pinainom daw sila ng paborito nilang juice. Hindi naman niya kilala kung sino iyong Tito Luke nila. Sinabi niya na lang na pagkatapos nilang kumain ay iuuwi niya sila kay Nathalie. Ang kaso nga lang hindi niya alam kung paano kokontakin ang pamangkin niya. Kinagat niya ang kan’yang labi saka napaisip ng malalim hanggang sa nakaisip siya ng ideya. Agad niyang nilapitan ang kambal saka kinausap ang mga ito. “Mga apo, alam niyo ba ang numero ng nanay niyo?” tanong niya kaya napalingon ang kamb

