“Tangina mong matanda ka, mabuti na lang at nakita namin kayo kung hindi baka mabulilyaso pa ang mga plano namin,” galit na sigaw ni Isagani nang makapasok sa ikaw madilim na kwarto. Naroon sina Nathalie at Sonya na nakagapos at nakaupo sa sahig. “Hindi ko maatim ang pinaggagawa ninyo ng anak ko! Hindi ba kayo nakokonsensya sa mga pinaggagawa niyo? Halos ginamit mo na ang anak ko sa kasamaan mo, pinabilog-bilog mo’t nais lang naman nito ang makapiling ka at mahalin mo. Sinira mo si Sabrina! Hayop ka!” sagot naman ni Sonya nang makita si Isagani na nakatayo sa pinto. Ngumisi lamang ang lalaki saka nagbuga ng sigarilyo. “Hindi ko naman kasalanan na sobang tanga ng anak mo. Mahal na mahal niya ako kaya kung ano ang gusto ko’y susundin niya. Nagawa pa nga niyang gamitin ka, ‘di ba?” nakang

