"YOUR KIDDING right?" pagak akong napahalakhak sa kahilingang iyon ni Xanth Eadric!
I know he was just kidding! Or baka inaasar lang talaga ako? Bakit naman iyon ang hihilingin niya sa tatay ko gayong ikakasal na nga siya kay Vixen? The nerve! Subalit seryosong nakatingin sa akin si Xanth at gano'n din sa tatay ko na napanganga rin sa narinig.
"What if I'm not, Zekeilah?" walang prenong tanong ni Xanth. Seryoso talaga siya at ni walang bahid ng kalokohan sa aura niya! Agad siyang bumaling kay tatay na napapalunok na rin. "Mr. Mauricio, I know this is too much to ask from you but I hope you will grant it. Please, I'll marry your daughter— Vixen."
'Yong kaninang inis ko ay biglang napalitan ng pagkahiya at pagkagulat! Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumulpot sa kung saan si Vixen pagkabanggit ng kanyang pangalan!
"Hi, babe! I've heard my name?" Napakalawak ng ngiti nito habang papalapit sa kinauupuan ni Xanth. Sinalubong naman ito ng halik ni Xanth na nagpainis sa 'kin! "Hi, Dad! Hi, Zekeilah!" kumaway lang ito sa amin ni tatay dahil mukhang hindi na ito makawala kay Xanth!
Hindi ko na sila tinignan pa! Ayaw kong bumulwak ang inis ko sa mismong harapan nila! At 'yong inakala kong AKO ang hinihiling ni Xanth na pakakasalan niya?? Syete! Nakakamatay pala talaga ang maling akala! Napahiya ako ng sobra-sobra!
Ngunit mas lalo akong naguluhan sa huling sinabi ni Xanth kanina at sa itinawag din ni Vixen kay tatay!
'Dad? Anak ng tatay ko si Vixen? Ibig bang sabihin no'n ay kapatid ko si Vixen?? Iisa lang din ba ang nanay namin? Bakit di ko siya kilala?'
Tuloy ay muli na namang nagulo ang utak ko!
Agad akong bumaling sa tatay ko na balisa sa kinauupuan at hindi makatingin sa akin. "A-Anak niyo rin po si V-Vixen?" ngunit tanging tango lang ang isinagot niya sa akin at saka bumaling siya sa dalawa. Napayuko ako at agad na kumuyom ang mga palad ko.
"Kung iyon ang kapalit ng pagliligtas mo sa akin ay ibibigay ko ang anak ko sa 'yo. Ibibigay ko sa 'yo ang basbas ko ngayon din mismo, Mr. Segovia." ani tatay. Sinulyapan ko siya at hindi pa rin siya mapakali sa kinauupuan. Hindi ko malaman kung bakit! "Ngunit, maaari bang iwanan niyo muna kami ng anak kong si Zekeilah? Nais ko sana siyang kausapin upang ipaliwanag sa kanya ang lahat."
Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Xanth at maging si Vixen sa pakiusap na iyon ni tatay dahil hindi ko na sila tinatapunan pa ng tingin pagkatapos kong mapahiya. Halo-halo ngayon ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung ano ba ang una kong reresolbahin ng mabawasan ang mga isipin na pumupuno ngayon sa utak ko! Siguro nga ay kailangan kong makausap ng sarilinan si tatay tungkol sa lahat-lahat. Kung papaano kong naging kapatid si Vixen? At ano pa ba ang mga hindi ko nalalaman tungkol sa pagkatao ko? I want to know everything about my real identity!
"Thank you so much, Mr. Mauricio, Tito. Maybe I'll be back here to talk about our plan." dinig kong saad ni Xanth. "Zekeilah, I'll go ahead—"
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo at parang hinahalukay ang tiyan ko nang may maamoy akong hindi gusto ng tiyan ko!
'Oh my god! Not now baby!'
Agad akong tumayo at tumalilis papasok ng kusina at kung bakit doon ko pa naisipang pumasok gayong naroon ang naaamoy kong niluluto ni Nanay Suling!
Gabing-gabi ay nagsasangag ito ng kanin!
Mas lalo akong nahilo at mas tumindi pa ang paghalukay ng tiyan ko! Kaya naman ay dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo at doon idinuwal ang lahat ng laman ng tiyan ko! At kahit pa wala na akong maiduwal ay patuloy pa rin ako sa pagsusuka. Ilang minuto rin akong pumirme doon bago ako nahimasmasan. Pero hindi ko namalayan na nakabukas pala ang pinto ng banyo sa taranta kong huwag magsuka sa labas! Biglang nanlamig ang buong katawan ko nang makita kong nakahilera ang apat sa labas at nakatulalang nakatingin sa akin! Subalit, agad kong kinalma ang sarili ko at tipid na ngumiti sa kanila maliban lamang kay Xanth at Vixen na palipat-lipat ng tingin sa mukha at sa tiyan ko!
"Anak, anong nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ng tatay ko.
"G-Ganito ako kapag masama ang pakiramdam ko. 'Wag kayong magalala sa 'kin. Walang ibig sabihin iyon." pagsisinungaling ko dahil ayokong ipaalam ang totoong sitwasyon ko lalo't nandito si Xanth!
"A-Are you sure?" paniniguro ni Xanth. "I can drive you to the hospital or even in the clinic just to check you up, Zekeilah." may himig ng pagaalala sa boses niya.
Pero matalim akong tumitig sa kanya. "Okay lang ako! 'Wag kang OA! Umuwi ka na nga! Umalis ka na dito! Umalis na kayo!" inis kong tugon sa kanya pati na rin kay Vixen. Wala akong pakealam kung kapatid ko man siya! Naiinis ako ngayon!
"Anak.." pananaway ni tatay sa iniasta ko. Agad itong bumaling kay Xanth. "Mr. Segovia—hijo, pasensya na. Marahil masama lang talaga ang pakiramdam ng anak ko." hinging paumanhin ni tatay na ikinainis ko lalo. Agad naman itong bumaling kay Vixen na nakahalukipkip. "Anak, umuwi na muna kayo, sa susunod na lamang tayo magusap-usap kapag maayos na ang pakiramdam ng ate mo."
Hindi ko na tinapos ang kadramahan nila. Dali-dali akong lumabas ng banyo at tumalikod sa kanila. Habol pa rin nila ako ngunit dumeretso na ako sa kwarto ko at agad iyong ini-locked. Isasalya ko na naman sana ang katawan ko sa kama kung hindi ko lang naalala na may laman pala ang tiyan ko.. Hindi ako nagiingat! Syete!
Dinig ko ang sunod-sunod na katok sa labas ng kwarto. "Zekeilah, talk to me." boses ni Xanth! Mariin akong napapikit sa kairitahan! Bakit hindi na lang si Vixen ang kulitin niya? Bakit di na lang siya umalis!? Ayoko na siyang makita! "Zekeilah! Babe! I know your pregnant! You can't hide it from me!" dinig kong sigaw niya sa labas na mas lalo kong ikinainis! Naroon ang tatay ko at si Nanay Suling! Mas lalong naroon si Vixen! Anong ginagawa niya!? At isa pa, paniguradong dudumugin kami ng mga usisero at usisera dito ngayon! Lalo pa't sikat at kilalang tao itong lalaking 'to! Kapag nalaman ng mga tao dito na nandirito siya ay dadagsain siya ng mga tagarito!
Bumangon ako at inis kong pinagbuksan ang mga ito. Ngunit wala roon si Vixen at maging ang tatay ko! Galit akong tumingin kay Xanth na hindi ko magawang ipaliwanag ang mukha pagkakita sa akin. "Ano bang pinagsasasabi mo? Kanina lang ay hinihingi mo ang kamay ni Vixen sa tatay ko para pakasalan, tapos ngayon, magsisisigaw ka ng gano'n? Ginagago mo ba ako, Xanth?!" itinulak ko siya gamit ang dalawang kamay kaya napaatras siya ng kaunti. Nagagalit ako ngayon dahil pinagmumukha niya akong tanga! "Sa harapan ko mismo, hiningi mo ang kamay ng babaeng 'yon! Tapos sasabihin mong buntis ako at hindi ko maaaring itago 'yon sa 'yo? Bakit? Ano ba kita, ha? Walang tayo! Kung may nangyari man sa atin, hindi nagkabunga 'yon! Hindi ako buntis!!"
"Z-Zekeilah... Y-Your pregnant with my baby.. Please, 'wag mo ng itago sa 'kin." pagmamakaawa ni Xanth na ikinabigla ko. Subalit nagmatigas ako!
"Umalis ka na, Xanth! Ayoko ng makita ka! Umalis ka n—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang dumilim ang paligid ko. Bago pa man ako panawan ng ulirat ay napahawak muna ako sa tiyan ko dahil sa tindi ng sakit. Hanggang sa hindi ko na makita ang buong paligid at mawalan ng malay..
"ZEKEILAH, kumusta na ang pakiramdam mo?" dinig kong tanong ni Camille ng siya ang una kong masilayan pagkamulat ko ng mga mata ko.
Nailibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Purong puti iyon at mas malaki pa sa sarili kong kwarto!
"Nandito ka ngayon sa hospital, Zekeilah. Syete ka! Kinabahan ako sa 'yo.. 'Kala ko di ka na gigising, eh! Kagabi ka pang tulog, eh! Hapon na, oh!" anya at tinapik-tapik pa ako sa braso.
Agad kong inalala ang nangyari kagabi. Matindi 'yong galit ko kay Xanth kaya siguro gano'n na lang ang naging epekto sa akin. Pero, agad akong nilukuban ng matinding kaba!
"Ilang oras na ba akong tulog? K-Kumusta ang baby ko, Camille? Bakit pala ikaw ang nandito? Nasaan 'yong mga nagdala sa akin dito? Nasaan sina tatay at si.." hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil sa biglang bumukas ang pinto at iluwa doon ang taong huling itatanong ko! Kasunod nito ang doktor at ang tatay ko.
Dumeretso silang tatlo sa kinahihigaan ko ng malalawak ang ngiti sa labi. I know they had a good news based on their smile! Napabuntong hininga ako ng malalim. Lumuwag ng kaunti ang dibdib ko.
"We're happy that you're awake. How are you feeling?" nakangiting hinaplos ni Xanth ang buhok ko.
Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko na magagawang i-deny ang tungkol sa pagbubuntis ko. Siguradong alam na niya ang totoo! Ngunit—matatanggap din kaya niya kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ko? Kung saan ako galing? Kung sino ang nanay ko? Marahil ay pandidirihan niya lang ako katulad ng mommy niya! Pero, ikakasal na nga pala ito! Bakit ko pa pilit na isinisingit ang sarili ko! Eh ano naman kung hindi niya ako matanggap? Wala na kami! At nasa sa kanya na rin kung tatanggapin niya ng buong puso ang anak niya sa 'kin! Malalim na naman akong napabuntong-hininga.
"Anak, mabuti naman at gumising ka na. May masakit pa ba sa 'yo?" ani tatay. Umiling ako. Ngumiti siya sa akin bago bumaling sa doktor. "Dok, maayos na ba ang kalagayan ng anak ko?"
"She's fine now and the baby. Medyo maselan nga lang ang pagbubuntis niya kaya kailangan niya ng matinding pagiingat dahil baka duguin na naman siya. Hindi siya maaaring gumawa ng mabibigat na trabaho at higit sa lahat hindi siya maaaring ma-stress. Iyon ang naging dahilan kung bakit siya dinugo. Ingatan niyo siyang mabuti. Maaari na rin siyang i-discharge ngayon." anya at bumaling ito sa akin. "Mrs. Segovia, you have to take care of yourself and your baby. Eat healthy foods and take your vitamins everyday, okay?"
Nanindig ang mga balahibo ko sa itinawag sa akin ng doktor. Ni hindi ko na halos natandaan ang mga sinabi niya! Pagkuway tumango na lamang ako at saka tipid na ngumiti.
"Thank you, Doctor Velasquez." si Xanth. Nakangiti habang nakikipagkamay sa doktor na halos kasing edad niya lang. "Thank you for taking care of her."
Ngumiti rin ang doktor pabalik sa kanya. "It's my duty, Mr. Segovia. Take care of your beautiful wife and your baby."
'Anong pinagsasasabi nila? Anong wife? Hindi niya ako asawa!' Ngunit hindi magawang isatinig iyon. Nanatili akong tahimik na nakatingin sa kanila.
"I will." saglit pang napasulyap ng tingin si Xanth sa akin kaya't unti-unti na naman akong nilukob ng kaba! "Thank you."
"I'll go ahead." ani doktor at lumabas na.
Bumalik sa kinahihigaan ko si Xanth at naupo sa silyang nasa katabi ng kama. Nakangiti siyang tumingin sa akin. Hindi ko siya pinansin bagkos ay itinuon ko ang paningin kay Camille na abala sa pagi-empake ng mga gamit ko at kay tatay naman na abala rin sa paghahanda ng pagkain ko.
Nang lumapit si tatay sa akin upang pakainin ako ay agad naman akong tunulungang makaupo ni Xanth. Hinayaan ko na lamang ito dahil sa matindi na rin ang gutom na nararamdaman ko.
Kukunin ko na sana ang mangkok ng pagkain ko ng kunin iyon ni Xanth kay tatay at sinimulan akong subuan. Papalag pa sana ako kung hindi lang nakakahiya sa dalawang naroon. Labag man sa loob ko ay kinain ko na lang ang pagkaing isinusubo niya sa akin. Pagkatapos no'n ay iniabot niya sa akin ang isang baso ng gatas na sa tanang buhay ko ay hindi ko kailanman tinitikman! Kape ang gusto ko, eh! Pero, dahil nga sa buntis ako ay kailangang iyon ang iinumin ko! Maging ang prutas na binalatan ni Xanth ay mabilis ko ring naubos. Gutom na gutom ang baby sa tiyan ko!
"Gusto ko ng umuwi. Gusto kong magpahinga ng maayos at matulog ng maaga dahil may trabaho pa ako bukas." sabi ko habang inaalis ng nurse ang dextrose sa kamay ko. "Thanks, nurse." baling ko sa nurse at agad na tumango saka agad ding lumabas ng kwarto.
"Maselan ang pagbubuntis mo, Zekeilah. Mabigat ang trabaho mo doon. Walong oras kang nakatayo. Hindi na kita papayagan pang pumasok do'n." ani Xanth.
Tumaas ang kilay ko sa huling sinabi niya. "Desisyon ko pa rin ang masusunod, Xanth. Hindi ikaw."
Nakita kong natigilan si tatay at Camille. "Anak, 'wag ka ng bumalik doon. Alagaan mo na lang muna ang bata sa tiyan mo. Para maiwasan mo din ang stress at pagod."
Umiling ako. "Mas mai-stress po ako kapag wala akong ginagawa, tay." tugon ko at saka tumingin kay Camille. "Nandiyan naman po si Camille, eh. Lagi niya akong sasamahan."
"Anak.." si tatay.
Dinig kong humugot ng malalim na buntong hininga si Xanth. "Okay, sige. Papayagan ka na namin pero kakausapin ko ang boss mo."
Kunot noo akong napatingin ako sa kanya. "Bakit? Hindi naman niya ako pinahihirapan, eh. Special ang treatment sa akin no'n."
Nakita kong tumiim ang tingin ni Xanth sa akin. Hindi ko alam kung selos ba ang bumalatay sa mukha niya. But I ignore it. "I'll talk to him and I'll tell him that you are pregnant with our baby, Zekeilah."
"Whatever, Xanth Eadric!" inis kong singhal sa kanya at saka agad na bumaba ng kama. Mabilis naman niya akong inalalayan papasakay sa wheelchair.
Nakalabas na kami ng hospital at maingat pa rin akong inaalalayan ni Xanth papasok ng kotse niya. Hindi niya ako nilulubayan. Maging sa sasakyan ay magkatabi kami! Si tatay na ang nagdrive ng kotse. Nasa passenger seat naman si Camille. Kaya naman, inis na lang akong nagtulog-tulugan! Ang siste, naging dahilan naman iyon para muli kaming magkadikit! Kinuha niya ang ulo ko at inihiga niya iyon sa dibdib niya. Tuloy ay yakap-yakap niya ako. Syete!
'Nasan ba kasing Vixen na 'to! Ilayo mo na 'tong mapapangasawa mo!'
Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.