"DAHIL BUNTIS AKO.." pikit-mata kong inamin iyon sa natigagal na si Camille. "Gusto ko sana munang sarilinin 'to ngunit dadating ang oras na malalaman at makikita ninyo ang sitwasyon ko. Hindi ko na maitatago ito paglumaki ang tiyan ko." Muli pa akong napabuntong-hininga at saka iminulat ang mga mata dahil hindi ko pa rin madinig ang mala-armalite niyang boses. Expected ko na, na raratratin niya ako ng tanong at kung ano-ano pa pero laking gulat ko ng makita ko siyang tahimik at bakas ang lungkot sa napakaamo niyang mukha. Pagkagulat at pagaalala rin ang makikita mo roon. Nakatingin lamang siya sa akin at ni walang salitang lumalabas sa bibig niya. Kaya naman, tipid ko siyang nginitian saka marahang tinapik sa baba. "Tatlong buwan na akong buntis at si Xanth ang ama ng dinadala ko."
Doon lang siya biglang natauhan at nahimasmasan. "A-Alam ba ng lalaking 'yon ang tungkol sa d-dinadala mo?" kandautal pa rin niyang tanong.
Napabuntong hininga akong muli at saka umiling. "Hindi niya alam.. Hindi ko rin alam kung magagawa ko pa 'tong ipaalam sa kanya."
"Bakit di mo sabihin sa kanya? Karapatan niya ring malaman 'to, Zekeilah.. anak niya rin 'yang dinadala mo!" histerikal niyang suhestyon.
Muli pa akong napailing. "Gustuhin ko man pero... hindi 'yon magugustuhan ng Mommy niya." bumikig ang lalamunan ko at handa na namang tumulo ang luha ko.
Nangunot ang noo niya. "Ha? Bakit naman hindi magugustuhan ng Mommy niya? Eh, magiging apo niya 'yan, eh? Mas magiging masaya pa nga yata 'yon, Zekeilah!"
"A-Ayaw kasi sa akin ng M-Mommy niya.. Against siya sa relasyon namin ni Xanth. A-Ayaw niyang magkatuluyan kami ng anak niya dahil ayaw daw niyang dumaloy ang maruming dugo ko sa magiging apo niya." doon na bumuhos ang luha sa mga mata ko at hinayaan ko iyon. "Ayaw niya sa akin dahil sa kilala niya raw ang totoong nanay ko na ni minsan ay hindi ko man lang nakilala o nakasama."
"Grabe naman 'yon. Pero papaano naman niyang nakilala ang nanay mo? Inimbestigahan ba niya ang buong pagkatao mo? Nasabi ba niya kung sino at kung nasaan ngayon ang nanay mo? At kung bakit idinahilan niya ang nanay mo para disgustuhin ka?" anya habang hinahaplos ang likod ko.
"A-Ang sabi niya sa 'kin, pornstar daw ang nanay ko at s-siyang lumandi at umagaw sa unang n-nobyo niya. Marumi daw ang nanay ko kaya't sigurado niya raw na gano'n din sa akin. Pero hindi niya sinabi sa akin kung nasaan ngayon ang nanay ko ngunit may kutob akong may alam siya." utal kong tugon habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko.
Natutop niyang bigla ang bibig niya. "Oh my gosh! Si Tito Zandro ba ang tinutukoy mong dating nobyo ng mommy ni Xanth?"
Tumango ako. "Oo. Si tatay nga."
"Jusko! Kaya pala ayaw niya sa 'yo, no? Dahil ikaw ang bunga ng lalaking nangiwan sa kanya. At saka, totoo pala talaga 'yong bali-balita dito noon na sikat nga raw na pornstar ang nanay mo, Zekeilah.."
"Narinig ko na rin 'yan noon pero hindi naman ako naniwala.. Pero no'ng dumating sa punto na paulit-ulit 'yong sabihin at ipamukha sa akin ng mommy ni Xanth ay nakukumbinse na rin ako na totoo ang balitang iyon. Kaya, iyon din ang dahilan kung bakit pinili ko na lang na makipaghiwalay kay Xanth. Hindi ko rin kasi kayang makita na pandirihan niya ako oras na malaman niya ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Marumi ang nanay ko at dumadaloy ang dugo niya sa akin.. Wala na akong magagawa do'n. Hindi ko rin alam kung matatanggap ni Xanth ang bata sa sinapupunan ko oras na malaman niya 'to. Kaya lumayo ako.. Pero hindi ko naman akalain na magkikita pa rin kami rito. O coincidence lang dahil nga sa tagarito rin si Vixen."
"Pero paano naman pala kung kabaligtaran naman 'yang iniisip mo sa gagawin ni Xanth? Paano kung mas tanggapin ka niya at ang magiging anak niya? Hindi mo pa nga nasusubukang aminin sa kanya."
"Ikakasal na siya, Camille. Ayaw ko ng hadlangan 'yon. Mas makakabuti 'yon para sa aming dalawa, sa kanya. Gusto ko kasing maging tahimik ang buhay ko—kasama ang magiging anak ko."
"So, ano ang plano mo ngayon..? Syempre, lalaki 'yang tiyan mo." nagaalala niyang sambit at hinaplos-haplos ang tiyan ko. "Sasamahan kitang magpa-check up sa off natin. At syete ka! Alam mo na palang buntis ka, eh, uminom ka pa no'ng nagswimming tayo! Naku! Baka makaapekto 'yon sa baby mo! Siraulo ka.."
Nataplak ko rin ang sarili ko. "Kung bakit kasi hindi ko naisip 'yon. Ang nasa isip ko din kasi no'ng mga oras na iyon ay 'yong hindi niyo mahahalata na nagdadalantao ako. Lalo pa't naroon din sa lugar na iyon si Xanth. Sa ngayon, siguro, habang hindi pa gaanong umuumbok ang tiyan ko, magtatrabaho pa rin ako para pandagdag ko rin sa pangangailangan ko. Sabagay, may naipon na rin naman ako sa bank account ko kaya hindi ako masyadong magaalala sa pinansyal na pangangailangan ko after ko manganak."
Tumango-tango siya at pagkuway tipid na ngumiti. "Wala na akong ibang masasabi sa 'yo ngayon kundi lakasan mo ang loob mo.. para sa baby mo, Zekeilah. 'Tsaka, promise ko dito ako lagi para samahan ka, damayan ka. Di na kita kukulitin kasi baka maging kamukha ko pa ang magiging baby mo hehe."
Napangisi ako bigla. "Okay lang naman sa 'kin. Para kapag nakita ni Xanth ang anak niya, hindi niya agad malalaman na anak niya iyon dahil kamukha mo. Iisipin niya na anak mo 'yon, hindi akin."
Muling lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko. "Ayaw mo ba talagang sabihin kay Xanth na magiging daddy na siya?"
Tuloy ay muli ring lumukob ang lungkot sa dibdib ko. "Natatakot akong pandirihan niya kami.. At pagkatapos ay itatakwil niya kami. Mas hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon, Camille. Hindi ko kaya."
Kinabig ako ni Camille at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Yumakap ako sa kanya pabalik at nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit papaano ay ramdam ko na may dumadamay pa rin sa akin. Simula noong mawala ang tatay at lolo ko ay pakiramdam ko ay magisa na lang ako. Nagkaroon lang ako ulit ng karamay noong maging kasintahan ko si Xanth pero di ko naman akalaing susundan pa rin ako ng kalungkutan.
"Salamat, Camille. Kahit papaano ay nandyan ka para damayan ako." sabi ko nang maghiwalay kami at parehong nagpupunas ng luha sa mga mata at sabay ngumiti sa isa't-isa.
"Tsk! Syempre naman! Para saan pa't naging magbesprend tayo no'ng mga uhugin pa tayo?" anya at natawa kaya natawa din tuloy ako. "Sabi ko nga sa 'yo kanina, promise ko sa 'yo nandito lang ako para damayan ka."
Tumango ako at saka ngumiti. "Thank you."
"O sige na. Uuwi na ako sa amin at baka nagrarambol na naman 'yong mga magulang ko, e, wala pa 'yong referee nila! Bwahahaha! Mga isip-bata kasi mga magulang ko, eh, hehehe!"
Napaikot na naman tuloy ang mga mata ko. "Saan ka pa ba naman magmamana? Gano'n ka din naman minsan, eh."
Sa kaartehan ipinitik pa niya ang mga daliri niya sa hangin. "Duh! Mas matino yata isip ko sa dalawang 'yon na palaging may Lover's Quarrel! Hehehehe!"
"Loko! Marinig ka nga nila, eh. Sige na. Ingat ka paguwi, ginabi ka na, eh." pagtataboy ko sa kanya gamit ang kamay ko. Hindi na kasi ako bumangon dahil sa pakiramdam ko ambigat-bigat ng katawan ko.
"Sabay na tayong pumasok sa boutique bukas. Sunduin kita dito!" anya at kumaway pa habang nasa hamba na ng pintuan.
Tumango ako. "Sige."
"Bye!" muli siyang kumaway bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Napabuntong-hininga ako at sumagap ng sariwang hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kwarto. Madilim na. Naisip ko, kailangan kong ingatan ang baby ko lalo pa't nandito ako sa probinsya kaya bumangon ako para sarhan ang nakabukas na bintana. Subalit nang sasarhan ko na ito ay natanaw ko ang humaharurot na sasakyan at huminto iyon sa harapan ng mismong bahay namin. Nangunot ang noo ko. Dali-dali kong isinarado ang bintana at nagmadali sa pagbihis saka ako lumabas ng kwarto para tignan kung sino ang nagmamayari ng sasakyan na iyon. Muli na namang dumagundong ang dibdib ko na hindi ko magawang ipaliwanag.
Naabutan ko sa sala si Nanay Suling na nagpupunas ng kamay sa suot-suot nitong apron at nagkakandarapang buksan ang pinto ng sala. Marahil nakita niya rin 'yong sasakyan sa harapan namin.
Hinayaan kong si Nanay Suling ang magbukas ng pintuan at dinig ko na ang pakikipagusap nito sa kung sino man ngunit hindi ko nga lang masyadong marinig ang boses dahil mas nangingibabaw ang sound system ng kapitbahay!
Nananatili ako sa likod ng pinto nang madinig ko si Nanay Suling na tinatawag ang pangalan ko kaya't agad na akong nagpakita at lumapit. Hindi ko pa man nakikita ang lalaking nakatayo sa harapan ni Nanay Suling ay pamilyar na pamilyar na ito sa akin! Hindi ko na itinuloy ang paglapit dahil para na akong hihimatayin!
"Thaileen Zekeilah."
Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Natutop ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili na mapahagulhol.
Lumapit siya sa akin at agad akong kinabig upang yakapin. "Kumusta ka na, anak ko?" anya sa baritonong boses.
Ako na mismo ang kumalas sa ilang minuto naming pagkakayap upang pakatitigan ang tatay ko na halos labinlimang taon ko ng hindi nakikita at inakala kong wala na.
"H-Hindi po ako m-makapaniwala... Akala ko ay p-patay na po kayo? Madami po ang nagsabi na namatay ka sa engkwentro. A-At paano pong ngayon ay nandito ka—" napasulyap ako sa magarang sasakyan na ipinarada niya sa harapan ng bahay. Pero nagulat ako ng makita ang isa pang lalaking umibis ng sasakyan! Namilog ang mga mata ko at nilukuban ako ng matinding kaba! "X-Xanth??"
Natigagal ako sa kinatatayuan ko habang nakatulalang nakamasid sa papalapit na si Xanth Eadric! Paanong magkasama sila ng tatay ko? At bakit siya nandito? Nangako siya na hindi na siya magpapakita pa sa 'kin! Ba't ang hilig niyang baliin ang pangako niya?!
"Zekeilah.." si Xanth habang nakangiting inaabot ang bungkos ng bulaklak sa akin. "For you.." ngunit hindi ko magawang abutin iyon dahil sa halos manigas na ako sa kinatatayuan ko! "Please, accept this." malumanay niyang pakiusap.
Wala na akong nagawa nang ipatong niya iyon sa dalawang kamay ko kaya doon pa lang ako natauhan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatay ko at kay Xanth. "Bakit magkasama kayo?"
Marahan akong hinawakan ng tatay ko sa balikat at hinaplos ang pisngi ko. "Hindi ko alam na magkakilala kayo pero ipapaliwanag ko lahat-lahat sa 'yo kung paanong magkasama kami, anak. Siguro, doon na tayo magusap-usap sa loob?" nakangiting anya at tinanguan si Xanth na sumabay papasok ng bahay na ikinapitlag ko dahil imbes na ang tatay ko ang sumabay sa akin ay ipinasa niya ako kay Xanth na ubod sa lawak ang ngiti! Hinawakan naman niya ako sa beywang na ikinataranta ko lalo!
"H-Hindi mo na ako kailangang alalayan." naiilang at kinakabahan kong palag sabay distansya. Natatakot akong mahawakan niya ang umbok sa tiyan ko!
Hindi ko na malaman ang mga naging reaksyon nila dahil sa nagpatiuna na akong pumaroon sa dulong sala. Nakasunod naman sila sa akin agad. Si Nanay Suling ay nakita kong pumasok sa kusina kaya kaming tatlo na lamang ang nandirito ngayon. Sa kaharap kong upuan umupo ang tatay ko at naging seryoso na ang mukha. Laking gulat ko naman ng tumabi si Xanth sa sofa na inuupuan ko! Hindi ko napansin na 'yong mahabang sofa pala ang inukupa kong upuan! Hindi ko na magawang lumipat dahil nakakahiya naman sa tatay ko at baka kung ano pa ang isipin sa aming dalawa ni Xanth Eadric. Kaya nanahimik na lang akong nakatingin ng deretso sa tatay ko.
"So, pwede niyo na po bang simulan, tay? Ano pong nangyari sa inyo? Bakit ngayon lang po kayo nagpakita sa akin? Sa loob ng labinlimang taon po, bakit ngayon lang?" mahina ngunit may diin ang pagkakatanong ko sa tatay ko na nakita ko na naging balisa.
Lumunok ito. "N-Naging bihag ako ng mga terorista sa loob ng labingapat na taon, anak." nagitla ako sa unang kwento pa lang. Ngunit nakinig pa rin ako. "Sa loob ng labinlimang taon ay naging alipin ako at nagmukhang daga sa kamay ng mga iyon! Pinahirapan, ginutom, sinaktan, at kung ano-ano pa ang ginawa nila sa akin.. Ninais ko ng mamatay noon pero sa tuwing naiisip kita ay lumalakas ako. Lumalakas ang loob ko. Lumalaban ako. Hanggang sa dumating ang panahon na palayain na nila ako. Ngunit akala ko ay magiging maayos na ang buhay ko pero nagkamali ako.. Dahil noong palayain nila ako ay pinainom pa nila ako ng bawal na gamot na nagpabaliw sa utak ko kaya't nawala ako sa sarili. Nagpagala-gala ako sa kalye ng isang taon hanggang sa makita at matagpuan ako ng lalaking katabi mo ngayon. Sinagip niya ako, anak." umiiyak na kwento ng tatay ko at gano'n na lang din ang sikdo ng damdamin ko. Umiiyak na rin ako habang lumalapit sa tatay ko para yakapin.
"Salamat po sa Diyos at iniligtas ka niya.." umiiyak kong saad.
"Iniligtas ako ni Mr. Segovia, Zekeilah."
Tumango ako at hinaplos-haplos ang kanyang likod. "Kinasangkapan lang po siya, tay. Pero, nagpapasalamat din tayo sa kanya." sabi ko ng nakayakap pa rin sa tatay ko.
Kumalas sa akin si tatay at saka tumingin kay Xanth. "Mr. Segovia, kung mayroon kang gustong hilingin sa akin ngayon kapalit ng pagkakaligtas mo sa akin, sabihin mo.. Ibibigay ko ng buong puso." gulat akong napatingin sa tatay ko sabay baling ko ng tingin sa nakangiti ng si Xanth at deretsong nakatingin din sa akin!
"Can I have your daughter's hand, Mr. Mauricio? I want to marry her.."