"BABE, I WANT you to scream out of my name while moaning.." Xanth huskily said while busy biting my thing in between my thighs! Naninindig ang mga balahibo ko kaya't mas lalo pang tumindi ang sikdo ng dibdib ko. Gumapang ang kiliti sa kaibuturan ng mga laman-laman at mga buto-buto ko lalo pa't walang sawa niyang inilalabas-masok ang mahaba at malaki niyang daliri sa namamanhid ko ng entrada. "Just moan, babe. I want to hear it, please.."
Sinadya kong sabunutan ang buhok niya ng may kalakasan. "You don't have to say that!" mariing bulong ko habang habol ang hininga dahil ramdam ko na naman na malapit na akong labasan! "Ahh.. Xanth!"
Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses na ba kaming nakarating sa alapaap dahil pakiramdam ko ay halos maya't maya akong labasan! Xanth didn't stop and never get tired pumping on top of me. Kung ano-ano na ring posisyon ang ginawa namin dito sa loob ng kotse niya at inaamin kong nananakit na ang ibang parte ng katawan ko! Pero, siya pa rin naman ang halos nagtatrabaho at minsan lang akong gumalaw. Ngayon naman ay daliri naman niya ang pinagtatrabaho niya! Wala akong ginawa kundi ang kagatin na lamang siya sa balikat at kung saan-saan saka humiyaw ng humiyaw sa tindi ng ginagawa niya sa akin.
"Xanth.. Uhmm.. Bilisan mo pa! Faster, please!" muli akong napatili ng mabilis niyang ilabas-masok ang daliri niya sa entrada ko at kalikutin ng dila niya ang c**t ko. Minsan pa akong napa-ungol ng malakas at napaliyad ng matindi sa biglaang pagsirit ng likido sa entrada ko. Hindi ko na kinaya pa kaya naghahabol na ako ng hiningang napasandal sa dibdib niya. Napapikit ako ng mariin kaya't hindi ko na rin alam kung anong sunod na ginawa ni Xanth. "Pagod na ako.. Magpahinga ka na rin. Tama na." saad ko habang nananatiling nakapikit at sumasagap ng hangin dahil sa halos mapugto ang hininga ko. Nanghihina na ako.
Subalit nagulat ako nang pumaibabaw siya sa akin at ipasok ang tayong-tayo na naman niyang espada sa kumikibot-kibot ko pang entrada! Nagsimula na naman siyang gumalaw sa ibabaw ko! "I'm not, babe. Kaya ko pa. Hindi pa ako tapos." anya at pinagpatuloy ang pagbayo hanggang sa naninigas na lamang siya sa dahil muli na naman niyang nailabas ang espirito ng kapusukan! "Ang sarap mo, babe.. Hindi ako magsasawang angkinin ka." naghahabol rin ng hiningang bulong niya sa tenga ko na nagdudulot ng kiliti sa akin.
Ngunit agad ko ng kinalma ang sarili ko dahil malapit ng magbukang-liwayway! Mahahalata na kami rito sa kotse niya kahit pa tinted ang mga bintana. At siguradong hinahanap na rin ako ni Camille!
'Tsk! Sigurado 'yon dahil ilang oras na akong nawala! Sangkaterbang katanungan na naman ang kahaharapin ko sa babaeng 'yon!
Humiga si Xanth sa tabi ko at mahigpit akong niyakap! Sobrang higpit na animo'y isa akong stuffed toy na hindi magrereklamo sa higpit ng pagkakayakap niya!
"X-Xanth, I can't breath.. Let go of me!" pagpupumiglas ko ngunit hindi niya ako pinakinggan. Lumuwag lang ng kaunti ang pagkakaakap niya sa akin ngunit hindi niya ako pinakawalan. Isiniksik pa niyang maigi ang mukha niya sa leeg ko at marahan niya itong hinalik-halikan! Damn it! Umiinit na naman ang katawan ko! "Xanth, tama na! Pagod na tayo!" mariin kong sambit.
Umungol ito. "Isa pa..babe." aniya at tumingin sa relos niya na sinundan ko naman ng tingin. "May isang oras pa tayo, Zekeilah. Let's make it memorable." sinisimulan na naman niya akong halik-halikan sa leeg at muli na namang naglakbay ang isang kamay niya!
"Xanth!" Hindi ko na naman malaman ang gagawin! Nanlalambot na ako at mukhang pagkatapos nito ay hindi ako makakapaglakad nito ng maayos! Ngunit, wala na akong nagawa nang muli na naman niya akong kubabawan at magsimula na naman siyang gumalaw sa ibabaw ko. Pero ibang-iba ang galawan niya ngayon. Naroon ang respeto at pagmamahal na una kong naramdaman noong unang beses niya akong makuha! Patuloy siya sa paghalik sa labi ko na bukal naman sa loob kong tugunin. Sobrang sarap at hindi ko na naman maiwasang huwag magpakawala ng impit na ungol.
"X-Xanth.. A-Ang sarap..." napapakagat-labi kong saad na halos tumirik na ang mga mata ko at mangisay na ako sa tindi ng salpukan ng mga katawan namin. "Sagarin mo pa.. Ganyan nga.. Ahh sige pa! Uhmm s**t! Xanth!" hindi ko na malaman o maintindihan ang pakiramdam ko nang simulan na naman niyang bilisan ang pag galaw sa ibabaw ko.
"I will and you will never forget this, babe. You will never forget me!" dinig kong bulong niya sa paos na paos na boses ngunit halos binalewala ko na ang sinabi niyang iyon dahil sa sensasyong idinudulot niya sa akin. Nakakabaliw!
Ilang sandali pa ay halos sabay na naman kaming nakarating sa alapaap at pagod na pagod na sumasagap ng hangin! Nakadagan pa rin siya sa akin at mahigpit na nakayakap. Hinayaan ko ang sandaling iyon. Dahil iyon na rin ang huling beses na magkakaroon kami ng ugnayan.
Two weeks later......
"NAKAKAINGGIT ka naman, Zekeilah! Andami mong costumer sa buong linggo, ah?" untag sa akin ni Camille no'ng mag out na kami sa trabaho. Sabay ang oras ng out namin dahil pareho kaming closing kaya sabay kaming uuwi.
Ngayon lang kami nagkaroon ng oras para magkausap. Iniiwasan ko kasi na pagusapan ang nangyari sa resort. No'ng mga nakaraang linggo kasi ay halos nagkukulong lang ako sa kwarto ko at kapag nasa trabaho naman ay itinutuon ko lamang ang pansin sa ginagawa. Idinahilan ko na lang sa kanya na wala ako sa mood makipagchikahan.
Sa isip ko ay kung anuman ang nangyari sa resort... Mananatili na lang din doon ang lahat ng nangyari. Kailangan kong kalimutan ang lahat. Lahat-lahat tungkol sa amin ni Xanth.
Tipid akong ngumiti kay Camille na hindi mapigtas ang mata katitingin sa akin. Napailing na lang ako. "Oo nga, eh. Di ko akalain na dudumugin ang pwesto ko ng mga teens na costumer. Uso daw kasi ngayon ang mga nakalatag sa pwesto ko, e." sabi ko habang pumapara ng jeep na sasakyan namin pauwi. Sakto namang huminto iyon sa mismong harapan namin. Agad na kaming sumakay at doon pinagpatuloy ang naunsyaming chikahan.
"Ang swerte mo nga nitong nakaraang linggo, eh! Andami mong nagiging costumer at pwesto mo talaga ang hinahanap nila gayong meron din kami ng mga panindang meron ka! Anong klase ng anting-anting meron ka, ha? I-share mo naman sa 'kin! tuwang-tuwa niya akong dinunggol-dunggol ng siko sa tagiliran ko kaya naman napaigtad ako.
"Loka-loka! Anting-anting ka diyan! Saan naman ako kukuha no'n!" nangingisi ngunit nahihiya kong bulong.
Napakalakas kasi ng boses niya! Ayoko na sana siyang sagutin kaso baka mapahiya naman siya. Ang kaso rin nakakahiya sa mga kasabayan namin sa jeep. Pinagtitinginan kasi kami!
"Bongga ka gurl! Napakalaki ng kumisyon mo ngayong sahuran! Syete ka!" anya habang iniikot-ikot sa daliri niya ang buhok kong nalaglag sa pagkakatali ko.
"Hinaan mo nga 'yang boses mo, Camille. Tsk! Doon na nga lang tayo magusap sa bahay. 'Wag dito nakakahiya, eh!" mariin kong bulong sa kanya na ikinangisi niya ng todo. Napaikot tuloy ang eyeballs ko sa kanya. Mabuti na rin lang ay nakatulong ang facemask at faceshield ko kaya hindi rin kita ang kabuuan ng mukha ko. Kaya't inignora din kami ng mga kasabayan namin.
"Okay, fine! Sabi mo 'yan, ah?" nakangiting anya at natahimik. Buti na lang ay nakinig naman ito sa akin.
Ilang sandali lang ay biglang huminto ang sinasakyan naming jeep at agad na umingay nang may magsisakay na mga teenager na mukhang mga hype beast, nasa anim ang bilang nila. Napuno ng mga ito ang jeep at biglang umingay ang paligid. Naghahagalpakan at sabay-sabay na nagkukwentuhan ang mga ito na hindi na halos maintindihan dahil sa anlalakas ng mga boses nila.
"Vrena, look! Trending ngayon sa social media si Xanth Eadric Segovia!" dinig kong tili ng katabi kong babae na mukhang nasa desisais pa lang yata. Napatingin naman sa cellphone nito ang babaeng tinawag at agad na natutop ang bibig nito at nanalalaki pa ang mga mata. "Cover siya sa magazine!"
"Oh my gosh! Super hot niya! Kyaaaaahhh! But, uhhhhh... Is he really getting married na talaga? My God! That girl is so lucky!!" tili no'ng Vrena.
Agad akong nilukuban ng matinding kaba kaya't pasimple kong sinilip ang post tungkol kay Xanth sa cellphone na hawak nong katabi kong teen. Pero hindi ko makita ang mukha no'ng babaeng kayakap ni Xanth dahil natatakpan iyon ng kamay no'ng Vrena. Tanging mukha lang ni Xanth ang nasisilip ko.
Napapikit ako at sabay napabuntong hininga! Kahit naman hindi ko makita kung sino 'yon ay sigurado naman akong si Vixen iyon! Biglang sumidhi ang kirot sa dibdib ko sa isiping iyon.. Napayuko ako at nangilid ang luha sa mga mata ko.
'Tuluyan ka ng makakalaya sa 'kin, Xanth.. Ikakasal na kayo ni Vixen... Sana maging masaya ka sa kanya...'
Sa wakas ay huminto na ang jeep at wala akong lingong likod na tumayo at bumaba. Habol naman ako ni Camille na dinig kong tinatawag ang pangalan ko. Ngunit mukha akong bingi na hindi ito magawang lingunin. Dere-deretso akong pumanhik sa loob ng bahay at matamlay na pumasok sa kwarto ko. Agad kong sinalya ang katawan ko sa kama at sumubsob sa unan. Tahimik akong umiyak..
"Zekeilah! Syete ka naman, oh! Nag-wantutri ka doon sa jeep!" hingal na hingal na untag ni Camille na sumunod pa rin sa akin hanggang dito sa kwarto ko. "Binayaran ko na, nakakahiya naman sa 'yo, eh!"
Napamulagat ako! Oo nga pala!
Ngunit kinalma ko muna ang sarili ko at pagkuway tumihaya saka tumingin sa hindi maipintang mukha ni Camille.
"Sorry.. Nakalimutan ko 'yong pamasahe ko." walang emosyong sambit ko.
Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Lumukot ang mga kilay niya at lumambot ang awra niya. "Anong nangyari? May problema ba? Bakit mugto 'yang mata mo?"
Umiling ako. "Wala 'to. Napuwing lang ako."
Ngumuso ito. "'Yan! Akala ko ba maguusap tayo dito ngayon? Andami kang hindi sinasabi sa akin, Zekeilah! Hindi na nga kita kinulit matapos ang nangyari sa resort, eh, tapos ngayon tatakasan mo naman ako!" nakasimangot niyang sambit at naupo sa gilid ng kama ko. Pero, muling lumambot ang mukha niya at hinaplos ang buhok ko. "Zekeilah, kung may pinagdadaanan ka o kung may mabigat kang problema, pwede mo 'kong sandalan. Pwede mong i-share sa akin ng mabawasan naman 'yang lungkot sa mukha mo. Hindi nakakaganda 'yan, eh."
Iniiwas ko ang tingin sa kanya at muling napabuntong-hininga.
"Zekeilah.. Sabihin mo sa akin nang lumuwag-luwag ang dibdib mo. Alam ko at ramdam ko na may dinadamdam ka. Spill it out, gurl! 'Wag mo 'yang kimkimin.."
Iniiwas ko ang tingin sa kanya at napabuntong-hininga. "Ikakasal na siya, Camille.."
Nakita kong nangunot ang noo niya. "Huh? Sino? Sinong ikakasal?"
Inis ko siyang tiningnan. "Hindi mo ba narinig 'yong usapan sa jeep kanina?"
Umiling siya at mas lalong kumunot ang noo niya. "Hindi, eh. Naka-headset ako, Zekeilah."
Napalatak ako. Bumangon muna ako sa kama saka naupo at sumandal sa headboard. "Ikakasal na si Xanth Eadric Segovia. Ikakasal na sila ni Vixen."
Namilog ang mga mata niya. "Really? 'Yong ex-boyfriend mo at—oh my gosh! Kaya pala hindi na pumapasok si Vixen this past few days. Ni wala man lang sinasabi si Sir Kleint about Vixen's resignation. So, baka nag-Awol? At... Syete! Ikakasal na pala sila? Kelan? Saan? Invited ba tayo? Hala! Sigurado 'yon! Maghahanap na ako ng dress sa barter!" niyugyog pa niya ang balikat ko kaya mabilis kong natampal ang mga kamay niya!
"Lokaret ka! Akala ko pa naman sa 'yo, eh, pagagaanin mo ang kalooban ko! Iyon pala, bubwisetin mo pa ako!" nagngngitngit kong sabi.
Marahan niyang hinaplos-haplos ang braso ko. "Ahh hehehe.. Pinapatawa lang kita..." anya at nag-peace sign pa.
Umikot ang mga mata ko. "Alin ang nakakatawa do'n? Kurutin kita diyan, eh! Umuwi ka na nga sa inyo at ng makapagpahinga na ako!"
"Eto naman! Di na mabiro.. Mas gusto ko kasing ganyan ka kesa do'n sa kaninang itsura mo.. Di ko kayang tingnan ka ng gano'n, eh. Para din kasing binibiyak ang heart ko." anya sa malumanay na boses. "Hindi ko alam kung bakit mo pa iniiyakan 'yong Xanth na 'yon. Ex mo na 'yon, eh! Sabagay.. Di ko naman alam ang story niyo."
Napatungo ako sa kanya at mahinahon ko na rin siyang tinitigan. "Gusto mo bang malaman kung bakit apektado pa rin ako at nasaktan ako sa narinig ko? At kaya hindi ko mapigilan ang emosyon ko ngayon?"
Marahan siyang tumango at saka muling umupo sa tabi ko.
"Dahil buntis ako."
A-N: Di ako masyadong makapag-update kasi inaagawan na ako ng baby ko ng CP! Di ako makapagsulat ng maayos. Hehehe!