Chapter 5

1674 Words
"ZEKEILAH!" Rinig ko pa ang malakas na pagtawag sa akin ni Xanth Eadric ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Dere-deretso lang ako sa paglalakad at halos takbuhin ko na pabalik sa cottage na may kalayuan din mula sa parking lot. Subalit, ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang ang dalawang kamay na mabilis na pumulupot sa beywang ko at saka ako iniharap sa kanya. And there I saw the saddest face on earth. Xanth is crying in front of me! Napalunok ako at parang dinurog ang puso ko pagkakita ko sa kanya. Lalo na ngayong tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha sa mga mata niya para akong hindi makahinga. I can't breath! Hindi ko siya kayang tignan nang ganyan. Tila kinukuyumos ang dibdib ko kaya't napapikit ako at yumuko. "Babe... bumalik ka na sa 'kin.." nanginginig ang boses na sambit niya. Muli akong napalunok. Bumikig ang lalamunan ko. "A-Ayusin natin 'to..." napapitlag ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at maagap akong hinalikan sa labi. "Please.." pakiusap niya sa gitna ng mapusok na paghahalikan namin. Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit na ninanamnam ang halik niya ngunit hindi ko magawang masiyahan sapagkat patuloy na bumabagabag ang mga bagay-bagay sa utak ko. Masyado ng kumplikado ngayon ang sitwasyon. Imposible ng magkabalikan kaming dalawa! Ngayon pa na malapit na silang ikasal ni Vixen. Napasinghap ako saka marahan kong itinulak si Xanth. Nakaawang pa rin ang mga labi niyang at nagtatanong ang mga paningin habang nakatitig sa akin. Umatras ako ng dalawang hakbang palayo sa kanya at saka bahagyang umiling-iling. "I'm sorry.. Pero, eto na ang pasya ko, Xanth. Tapos na tayo. Ayoko na. Umalis ka na at huwag mo na akong guguluhin pa." sunod-sunod kong saad habang hindi inaalis ang paningin sa mga mata niya. "No! I can't, babe!" Ngunit talagang sutil ang lalaking ito. Tinakbo niya ang dalawang dipang pagitan namin at saka ako ikinulong sa mga braso niya at niyakap ako ng sobrang higpit. "Ano ba, Xanth!" pagpupumiglas ko. "Babe! Mahal na mahal kita! Please! Hindi kita kayang bitawan ng ganon-ganon na lang! Bakit mo ba ako pilit na itinutulak papalayo?" humihikbi niyang sambit at isinisiksik ang mukha sa leeg ko. Napabuga ako at bumuntong hininga. "Dahil hindi na nga kita mahal, eh!" hinawakan ko ang dalawang braso niya at malakas ko iyong itinabig saka ako kumalas sa pagkakayakap niya. Nang tingnan ko siya ay patuloy pa rin sa pagtulo ng luha sa mga mata niya. "Paulit-ulit na lang tayo, Xanth, eh! Please lang.. Tama na! Huwag mo ng pahirapan ang mga sarili natin. Layuan mo na ako! Dahil iyon ang mas makakabuti sa 'ting dalawa!" isinigaw ko na iyon sa mismong mukha niya upang maintindihan niya. Pero tanging iling lang ang tugon niya. Napangisi pa siya ng mapakla at saka pinahiran ang pisnging basang-basa ng mga luha niya. "Zekeilah.. you're torturing me, babe." ngumingisi ngunit nakayukong sambit niya. "S-Sorry.." iyon lang ang tanging masasabi ko sa kanya, ang humingi ng kapatawaran. Dahil ako naman talaga ang may nais nito... ang maghiwaly kami. "Makakapag-move on ka rin naman, eh. Lalo pa't malapit ka na namang ikasal." paulit-ulit ko iyong binabanggit sa kanya kahit pa parang tinutusok ng walong libong karayom ang dibdib ko. Napaangat siya ng tingin sa akin at bumalatay ang galit sa mukha niya. "Yeah.. you're right.. I've forgot that I had Vixen now." sarkastiko siyang ngumisi saka bumuntong hininga ng malalim. Tiim ang mga bagang habang nakaharap sa akin. "So, what do think of my act?" "Act?" Nangunot ang noo ko sa naging tanong niya. "W-What do you.. mean?" Ngumisi siya ng nakakaloko, nangaasar. "You know I was just acting like a man in pain because of break up and heartbreak." humalakhak pa ito. 'What the hell?' Medyo nagitla ako sa sinabi niya ngunit agad din akong natauhan. Hindi ko akalain na umaacting lang siya! "But, seriously babe.. I'm not affected on our break up. Because, you know that I can own you whenever I want." napangiwi pa siya. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. "You know who I am, right?" nakangising tanong niya at saka inilapit pa sa mukha ko ang mukha niya. Nanginig ang kalamnan ko. "I am Xanth Eadric Segovia—" "Tsk! I know and I don't care who you are!" muli kong isinigaw iyon sa mismong mukha niya habang nakikipagtitigan sa kanya ngunit hindi man lang talaga matinag ang isang ito. At hindi ko talaga akalain na gagamitin niya sa akin ang pagiging batikan niya sa pagarte na madalas naming pagawayan noon. "Wala na akong pakealam ngayon kung sino ka man. Wala na tayo!" Natawa siya sa sinabi ko. "For five long years, babe? Really, huh?" mas lalong lumakas ang tawa niya. Muli akong nagpalinga-linga sa paligid at sinigurong walang ibang nakakarinig sa pinaguusapan namin. Sandali akong nakahinga ng maluwag ng makitang wala pa ring ibang tao dito sa parking lot kundi kaming dalawa lang ni Xanth. May kadiliman din dito sa kinatatayuan namin. "You know I can get what I want. I can get you and make love with you whenever or wherever I want and you have nothing to do with that, Zekeilah." muli niyang sambit na natatawa pa. Nagkiskisan ang mga bagang ko at tumitig ng matalim sa kanya. "Leave me alone!" Sa isip ko ay kung papaano ko bang matataguan ang isang 'to? Ayoko ng makita pa niya ako! "You know I can't." pilyo siyang ngumiti habang kagat-kagat ang pangibabang labi. "So, am I really a best actor, babe? What can you say about my act? Bilib ka na sa akin ngayon na ipinamalas ko sa 'yo ng personal?" Napangiwi ako. "Tsk! Siguro nga.. sa loob ng limang taon nating magkarelasyon, hindi ka kailanman naging totoo! Sa galing mong umacting, imposible ngang sineryoso mo 'ko! Kaya.. tama lang ang naging desisyon ko, Xanth. Tapusin na natin 'to at ayaw kong may iba pa akong masabi sa 'yo na hindi mo na magugustuhan. Sawang-sawa na akong makipag-diskusyon sa 'yo!" Dinig ko ang malakas niyang pagbuga at dinig ko rin ang pagtiim ng mga bagang niya. Para siyang may dinudurog na cornbits sa loob ng bibig. Napabuntong hininga ako ng malalim saka sumagap ng malamig na hangin dahil parang aatakehin pa ako ng hypertension ngayon kahit sobrang lamig na dahil madaling araw na. Isa pa ay wala akong ibang suot kundi ang two piece swimsuit ko na halos natuyo na. Muli akong tumitig kay Xanth na ngayo'y madilim ang mukha at seryosong nakatitig sa akin. "You know I'm tired of explaining my side, Zekeilah. But, seriously I'm not really affected. I was using my acting skills to you just to prove my self if you're still into me even if we're over." "Hindi ka naman pala apektado sa hiwalayan natin, eh, kaya, hindi naman siguro mahirap sa 'yo na tantanan ako? Gusto ko ng maging tahimik ang buhay ko, Xanth. Please lang." "Bakit? Naging magulo ba ang buhay mo sa piling ko? Ginulo ko ba ang buhay mo??" seryoso niyang tanong at matiim na tumitig sa akin. "Oo! Ngayong narinig mo na, siguro naman ay pwede mo na akong patahimikin?" tumalikod na ako pagkasabi ko no'n ngunit nagulat ako nang bigla niya na naman akong hilahin papaharap sa kanya. "Tsk! Ano pa ba kasi ang kailangan mo sa 'kin?!" parang nagsisi ako nang itanong ko pa iyon dahil gumuhit ang kapilyuhan sa mga labi niya. Sunod-sunod akong napalunok at bumilis na naman ang t***k ng puso ko. "I want you mine tonight, Zekeilah. And promise after that I'll set you free! Mamayang pagsikat ng araw mismo, hindi mo na ako makikita at hindi na kita guguluhin pa. So, think about it, babe.." Natigilan ako at hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya. Hindi ko kailangang pagisipan ang mga iyon dahil kayang-kaya kong gumawa ng paraan para huwag niya na akong guluhin pa ngunit may kung ano namang nagsasabi sa kaibuturan ng kaloob-looban ko na pumayag ako sa pangungundisyon niya. "What??" wala sa loob at delayed kong tanong. "Tigilan mo na nga ako sa mga pangungundisyon mo, Xanth Eadric!" "The time is running, babe. We only have five hours." tumingin pa ito sa relos niya at saka ibinalik ang tingin sa akin ng nakangiti, nangaakit! Damn it! "But, don't worry, babe.. I'll make this night memorable and unforgetable.." mahina siyang tumawa at saka napapakagat pa ng labi niya! Napalunok ako at napayakap sa katawan kong nilalamig na. "I'll dive and go deeper to make you feel satisfied and—" "Fine!" putol ko sa mga pangsi-seduce niya sa 'kin na alam na alam niyang agad akong mapapasunod. Napabuga ako. "Fine.." Lumapit siya sa akin ng pagkalapit-lapit at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Is it a yes or no?" kagat-labing tanong niya at bahagyang sumilay ang nakakaakit na ngiti sa mga labi niya. Parang hinihigop ang kaluluwa ko. Napayuko ako sa tanawing iyon. "Babe?" "Tigilan mo na nga ang katatawag sa akin ng 'babe'! And after this, ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo, Xanth Eadric!" napabuntong hininga ako saka tumingin sa kanya. "Fine! Papayag na ako—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kuyumusin niya na ng halik ang labi ko. Kaagad akong nangunyapit sa kanya ng pangkuin ako nito paharap sa kanya habang patuloy niyang pinupupog ng halik ang mga labi at leeg ko. Mapusok din niyang sinibasib ang buto ng dibdib ko kaya halos mabitawan ko ang batok niya nang mapaliyad ako. Nagsimula siyang maglakad patungo sa sasakyan niya at saka kami atat na pumasok. Mabilis niyang pinahiga ang upuan ng sasakyan niya at doon ako inilapag. Ngunit nangunot ang noo ko habang pinapanood siyang hinuhubad ang suot na damit. "Dito tayo magsi.." hindi ko kayang sambitin ang salitang iyon. Marahil nahulaan din naman niya iyon. "Wala na tayong oras para pumunta pa sa hotel unit ko, babe! Please, no more questions to ask, I'm going to be busy!" anya at parang leon akong sinunggaban at dinaganan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD