/ /Kai's POV// "f**k!" Gigil akong napasuntok sa pader pagkalabas ko ng room ni Dimples. Pakiramdam ko ay nadurog ang mga buto ko sa kamay. Kasing sakit ng sapak ni Dad. Pero walang makahihigit sa sakit na namumuo ngayon sa dibdib ko. "s**t!" Sobra-sobrang pagpipigil ang ginawa ko kanina. Sarap nang hampasin ng mukha ng Rose na iyon at ilampaso sa paanan ni dad! "Kairo!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si mom. "M-mom!" "Where's your dad? Where's that bastard?!" nanginginig na tanong niya. Basang-basa ng luha ang kaniyang pisngi na may pasa. "Mom! What happened to your face?" "Ang walang-hiya mong ama! Nasaan siya ngayon? Sabihin mo sa akin!" Hindi ako nakasagot. Bigla na lang natuon ang mga mata niya sa pinto ng room ni Dimples. Walang pagdadalawang isip niya itong pi

