Bigla akong nahimasmasan at bumalik sa katinuan. Tinulak ko si Kairo at sinubukang tumayo pero napaupo lang ako ulit nang biglang umikot ang paningin ko. Kalmado namang humarap si Kai kina mama at tito Ryushi. "Kairo!" nanlilisik ang mga mata na sambit ni Tito. "Hi, dad," tugon ni Kai sa ama. Kung ako ay nilulunod na ng kaba, si Kairo naman ay walang ni kaunting bahid na takot ang mababakas sa kaniyang mukha. Kung may emosyon man, iyon ay galit. "Walang-hiya ka!" Napasinghap ako nang biglang sugurin ni mama ng malakas na sampal si Kairo. "Ano'ng ginawa mo sa anak ko?!" Walang salitang namutawi sa bibig ni Kai. Nanatili siyang nakababa ng tingin habang nakakuyom ang mga palad. Natatakot man ay sinikap ko pa ring magsalita. Gusto kong magpaliwanag. "M-mama... W-walang kasalanan

